82

110 3 0
                                    

Briel's POV

Sa kaisipang iyon ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad ngunit agad rin nawala ang ngiti sa aking labi nang tuluyan na akong makapasok sa dining hall dahil bumunggad lang naman sa akin ang prenteng nakaupong demonyo kasama na si attorney Ocampo.

Kumuyom ang aking kamay, ito ang dalawang taong nagsabwatan maikulong lang ako sa lugar na ito.

Napansin ko naman na pinasadahan ako ng tingin ni Rohws at ang mukha naman ni Ms. Ocampo ay gulat na gulat.

Napaismid ako at muntik ko nang makalimutan ang isa sa mga dahilan kung bakit inis na inis ako kanina pa.

Lahat kasi ng damit na naihanda ng nanay ni Faye ay pangbabae. Kaya ngayon wala akong choice kundi ang magdress.

Kahit hindi na ako gaanong sanay ay pinilit kong maging matatag sa harap ng mga taong ito.

Ayaw kong ipakita na talunan ako dahil sa totoo niyan madami pa akong posibleng gawin para manalo sa kanila.

"Ang kakapal din ng mukha niyo na yayain akong makisalo sa pagkain kinakain ninyo?" Nakahalukipkip na sabi ko habang tinitingnan ang dalawang tao na nakaupo na sa harap ng dinning table. 

"Briel just sit, so we can start eating." Sabi ni Rohws at sinamaan ko ito ng tingin. Gusto ata nila ng laro pwes bibigyan ko sila ng isang masayang laro.

Humakbang ako saka umupo sa bakanteng upuan. Sinigurado kong nasa malayong upuan ako umupo para mas lalong mabtrip ang mga pagmukha nila.

Join forces silang dalawa at gusto ko tuloy matawa dahil ano kaya ang pumasok sa mga utak ng mga ito? at naisip nilang ikulong ako sa lugar na hindi ko gusto.

"Sit beside me Briel." Sigaw ni Rohws pero umakto akong walang narinig.

"What? I can't hear you Rohws! May sinasabi ka ba?"

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Ms. Ocampo at para siyang timang ano ba ang nakakatawa? At bakit parang tuwang-tuwa ito? 

Masarap bang pagmasdan ang pagbabangayan namin ni Rohws?

Naiilang ako sa mga nangyayari kaya iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanila at binaling na lamang iyon sa mga pagkaing nakahanda sa hapag. 

Steaks, pansit, adobong manok, inihaw na issa, leche plan at yema cake.

Anong meron? Fiesta? O baka nagsasaya sila dahil nagawa nila ang pa-unang plano nila ang ikulong ako para sa hindi ko malamang dahilan? e’ ang galing-galing naman pala ng mga taong ‘to.

Ini-angat ko ang aking mukha at nakita kong nasa gilid sina Faye at ang ina niya na may hawak na wine kaya napangisi ako.

"Faye pakilagyan nga ako ng wine." Nakangiting saad ko na kinagulat ni Rohws isinawalang-bahala ko lang ‘yon bahala siya sa buhay niya.

Nang matapos salinan ng wine ang wine glass ko ay bumalik na uli si Faye sa pwesto nito katabi ang nanay nito.

"Salamat Faye." Usal ko na kinangiti ni Faye, nang ibalik ko naman ang tingin ko sa mga kasama ko ay nakatingin lang ang lahat sa’kin teka ano ba ang problema ng mga ito?

"Kumain ka muna Briel huwag ka munang uminom ng wine. Isa pansin ko rin na wala ka pang nakakain simula pa kaninang umaga. Lahat ng pagkain galing sa kwarto mo ay hindi mo man lang nagagalaw." Umirap naman ako dahil sa sinabi ni Rohws.

Ano bang pakealam niya kung hindi ko kinain ang mga hinanda niya?

"Sa tingin mo ba magkakaroon ako ng ganang kumain kung may mga taong pinagkaisahan ako at ikinulong ako sa bahay na ito. Siguro naman okay lang sa'yo kung i-enjoy ko ang stay ko rito hindi ba? Isa pa hindi ba't you love the idea of drugging me using this wine. Kaya bakit ayaw mo akong uminom ngayon? Kailangan ba hintayin ko munang lagyan mo ng gamot saka ko iinumin? Iyon ba ang gusto mo Rohws?"

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon