Briel's POV
Bumalikwas ako ng bangon habang napupuno ng inis ang aking sistema nang makitang lalo lamang lumapad ang ngisi ng damuho.
Siguro ay natutuwa ito sa naging reaksyon ko. Para bang iyon ang inaasahan nitong makita.
"Damn me?" Andon ang pagiging sarcastic nito nang sabihin nito iyon.
"I don't care, Briel and I don't mind. Isa pa hindi ako impokrito dahil alam ko kung anong gusto ko." Kumuyom ang aking kamay at sinamaan ko ito ng tingin.
"You do? So ano ang pinaparating mo na hindi ko alam ang gusto ko?" Muli ay ngumisi ito at sa gulat ko ay pinatong nito ang kanang palad nito sa aking ulo. Pagkatapos ay hinaplos-haplos nito ang buhok ko na para bang isa akong aso na nangangailangan ng atensyon.
Sa inis ko ay pinalo ko ang braso nito ng malakas na siyang naging rason upang bawiin nito ang kamay nito at napamura ng malutong.
"The hell!"
"The hell mo ang mukha mo! Hindi ako aso para haplusin mo ang buhok ko sa ganoong paraan. Isa pa paano ka ba nakapasok sa kwarto ko? At bakit ka ba andito? Naliligaw ka bang gago ka? Wala ka man lang manners at basta ka na lang pumapasok sa kwarto ng iba!" Sa totoo niyan mas lamang ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon kaysa sa inis.
Hindi ko akalain na makikita niya ako sa ganoong posisyon kung saan umuungol ako dahil lang sa putek na panaginip!
Dagdag pa roon ni hindi ko alam kung kanina pa siya dito at kung ano pa ang narinig at nakita nito.
"Ang dami mong tanong pwede ba paisa-isa?" Napalunok ako at saka humalukipkip.
"Fine!" I said through gritted teeth na ikinailing lamang nito.
"So unang-una, gusto ko lang sabihin na hindi ako naligaw. Si tita ang nagpatawag sa'yo dahil kailangan na raw natin magdinner. So naturally may manners ako at ikaw nga itong iniwan ang pinto ng kwarto mo na nakabukas. At nang marinig ko ang ingay na ginagawa mo I thought may nangyari na sa'yo hindi ko naman ineexpect na nag-eenjoy ka to the point na pag ginising kita ay magiging masama ang timpla mo. So tell me, magaling ba ang performance ko sa panaginip mo?" Umawang ang labi ko sa aking narinig.
Samantalang natatawang inilagay ni damuho ang kaniyang mga daliri sa aking panga bago dahan-dahan itinaas upang sumarado muli ang aking bibig.
"Huwag mo masyadong ibuka ang bibig mo baka hindi ako makapagpigil." Napasinghap ako at mabilis na napaatras hanggang sa maramdaman ko na lamang ang headboard ng kama sa likod ko.
"How dare you!" Shit lang! Don't tell me nabanggit ko rin ang pangalan niya habang natutulog ako?
Tangna!
Sobrang tanga ko naman para gawin iyon.
Pero hindi!
Baka niloloko niya lamang ako baka nga wala talaga akong binanggit na pangalan at baka sinasabi niya lang iyon upang inisin ako lalo.
Tama!
'Yun na 'yun.
"Huwag kang umasa na ikaw ang nasa panaginip ko dahil kung tutuusin mas magaling pa ang taong nakaniig ko sa panaginip ko kaysa sa'yo—" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla na lamang ay inilabas nito ang cellphone nito mula sa sariling bulsa ng pantalon na suot nito.
Nung una ay kumunot ang noo ko nang mapansin na may pinipindot ito roon ngunit sa huli ay nagulantang ako nang umalingaw-ngaw ang isang ingay na kilalang-kilala ko mula sa speaker ng cellphone nito.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Roman d'amour"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...