17

266 3 0
                                    

Briel POV

Flashback

"Apo alam kong hindi ako nararapat humarap sa'yo ngayon." Kuyom ang mga kamaong nakatalikod ako rito habang nagkukunwari akong tinitingnan ang tanawin sa labas ng bintana. Kung saan nakikita ko ang hardin na matagal bago nabuo at napaganda ng aking ina.

Gaya ng pamilyang ito na matagal na pinilit ng nanay ko na taniman ng pagmamahal pero hindi gaya ng hardin nito ay hindi iyon nagkaroon ng bulaklak at namukadkad. Hindi tumubo ang pagmamahal bagkus pawang mga halaman na may tinik lamang ang tumubo.

"Simula nang marinig mo ang nangyari noon, ni hindi mo na ako kinakausap Briel ngunit pitong tao na ang lumipas at matagal na akong nagtitiis apo. Matagal akong naghihintay na mapatawad mo ako—"

"Ganoon kadali? Pitong taon at ngayon nandito ka para sabihin na hindi ka makapaghintay? Bakit pa ba kita kailangan patawarin? Isa pa ano pa ba ang saysay na patawarin kita kung hindi mo naman ako pamilya? Sige nga sabihin mo sa akin." Napaharap ako rito at ngayon kita ko kung paano nag-iba na ang anyo nito. Ibang-iba na kung saan halata na sa mukha nito ngayon ang panghihina ng katawan dahil sa katandaan.

"Bakit lolo—ay oo nga pala hindi pala kita lolo. Nakakatawa hindi ba? Pero mukhang natatakot ka ata na gagawa ako ng bagay na ikakapahamak mo. Natatakot ka ata na baka gumanti ako hindi ba? Pero huwag ka mag-alala hindi ko gagawin iyon. May kaonting respeto pa ako para sa ina ko. May respeto ako na hindi tulad niyo. Pero hinding-hindi ko kakalimutan na kayo ang dahilan ng pagkawala ng aking ina. Kayo ang dahilan kung bakit lumaki kami na walang pamilya na masasabi naming amin."

Napayuko at hindi na ito makatingin sa aking mga mata. Habang ako ay hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kung bakit may kakaibang emosyon na nag-uudyok sa akin na lapitan ito. Merong isang parte ng pagkatao ko na nagsasabing huwag ko itong gawin pero bakit? Bakit hindi ko pwedeng gawin? Kung ang taong ito ang rason ng lahat ng paghihirap na nadanas namin.

"I'm sorry apo—"

"Huwag mo akong tawaging apo. Dahil nandidiri ako. Pasalamat kang hindi ko nasasabi sa kapatid ko ang lahat dahil kahit ang tawagin ka niyang lolo ay hindi nararapat. Hindi ka namin lolo. Hindi ka namin pamilya. Ang tanging pamilya lang namin ay ang lola at ang ina namin pero lahat sila ay inagaw niyo sa amin. Lahat sila ay nawala dahil sa inyo! Pinatay niyo sila! Hindi ba't sinasaktan mo noon si lola? Hanggang sa hindi na nito nakayanan at nagpakamatay ito? Hindi ba't ikaw ang may rason no'n? Tapos hindi pa kayo nakontento dahil pati ang ina ko! Pati ang mama ko na wala namang ginawa kundi ang maglimos lang ng pagmamahal mula sa inyo ay pinatay niyo rin! Ang sama-sama niyo hinding-hindi ko kayo mapapatawad!" Pinahid ko ang luha mula sa aking mga mata dahil ayaw kong makita nito na mahina ako. Ayaw ko na makita nito na pwede niya lang akong saktan dahil natatakot ako sa kung anong pwede nilang gawin sa kakambal ko kapag hindi ako naging matapang.

"A-Apo kita Briel... Apo ko kayo ng kakambal mo—"

"Tama na! Ayaw kong makinig sa kasinungalingan mo! Pwede kanang umalis!" Napangiti ito ng mapait bago walang ano-ano'y lumapit ito sa akin upang yakapin ako. Para akong tinakasan ng lahat ng emosyon na meron ako sa aking dibdib habang pinapakiramdam ang yakap nito sa akin.

Yakap na hindi ko naramdaman ng ilang taon. Isang yakap na dapat ikakasaya ko pero wala na akong maramdaman, namanhid na ako.

"Kung si mama ang niyakap mo ng ganito. Siguro sobrang saya no'n. Kung sana nagagawa mong magpanggap sa harap niya na mahal mo siya edi sana hindi ito nasaktan. Sana nagagawa kong makita ang ngit nito noon ng hindi ko kailangan gumawa ng mga bagay na hindi ko naman gusto! Sana mas naging malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko! Sana mas naging buo ang pamilyang ito. Pero hindi e'! Dahil makasarili kayo! Bakit ba ang hirap para sa inyo ang magbigay kahit kaonting pagmamahal? Kahit man lang ba ang magpanggap ay hindi niyo magawa? Gano'n ba kami kasama para iyong nag-iisang bagay na hinihingi namin ay kay hirap ibigay sa amin?"

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon