Flashback
"I can't do that, gaya ng sabi ko sa'yo gusto kitang maging kaibigan—"
"Wala akong pakealam sa kung anong gusto mong gawin Mr. Rohws pero ang ayaw ko sa lahat e' 'yung pinapakealaman ang buhay ko. Kung ginagawa mo lang ito para makaganti sa ginawa ko sa'yo kahapon pwes hindi ako natutuwa at hindi ako papayag." Nagulantang ito sa sinabi ko kaya kinuha ko iyon bilang isang oportunidad na magawang lampasan ito.
Dumiretso agad ako sa likod ng building upang makasagap ng hangin. At para na rin makaiwas sa mga mata ng ibang estudyante.
Lumapit ako sa isang puno at doon ay malaya kong sinolo ang pwesto na may katahimikan.
Umupo ako sa damuhan bago isinandal ang aking likod sa puno. Ito ang kanina ko pang gustong gawin. Ang makalayo sa mga tao kahit pansamantala lang.
Gusto ko kasing maging totoo muna sa sarili ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong haplusin ako ng hangin. Pinakiramdaman ko ang bawat dantay no'n sa balat ko na para bang tinatangay nito ang nararamdaman kong pagod at takot.
Aliw na aliw ako sa natuklasan kong tahimik na lugar pero hindi pa man ako tumatagal ay bigla na lang may sumulpot na asungot.
"Kung ayaw mong sumama sa akin magmeryenda pwes dinala ko na lamang ang meryenda rito." Agad na napamulat ako ng mga mata at nakita ko na lamang ang isang gwapong nilalang—I mean ang isang gagong lalaki sa harap ko na may nakakalokong ngiti na tila ba sinasabi sa akin na hinding-hindi ako nito papatahimikin at hahayaan na makalayo.
Dumako naman ang mga mata ko sa hawak nito, kung saan kita ko ang isang buong chocolate cake at may dala rin itong dalawang milk tea.
Anong nakain nito? Isa pa bakit ang laki ng cake na dala nito? Talaga bang ganoon kayaman ang school na ito? Pati ba sa loob ng canteen e' may nagbebenta ng magarbong cake?
"To answer your question. Hindi ako rito bumili ng cake syempre bumili ako sa labas." Umawang ang labi ko sa narinig kong sagot nito.
Hindi ko namalayan na naisatinig ko pala ang tanong na nasa isip ko.
"Hindi ba't sabi ko sa'yo na ayaw kitang kasama? Bakit mo ba pinipilit ang sarili mo sa akin? Isa pa Mr. Rohws, hindi ako mahilig sa matatamis na pagkain kaya pwede naman siguro na huwag mo nang balakin na magbigay sa akin ng ganito. Dahil kung may binabalak kang masama sabihin mo na ng mas maaga." Nagsalubong ang dalawang makakapal nitong kilay at halatang naiinis na sa akin. Pero pabor 'yun sa akin, dahil 'yun naman talaga ang balak kong gawin, 'yung inisin ito ng sobra upang kusa itong lumayo.
"Alam mo? Sa tingin ko masyadong malala ang trust issues mo. Kaya sige sasabihin ko na sa'yo kung ano talaga ang dahilan ko at nilalapitan kita ngayon." Biglang umupo ito sa harap ko at ngumiti sa akin at muli'y nasilayan ko na naman ang mga biloy nito at ang kakaibang ngiti na tila ba kayang magbigay liwanag sa isang tulad ko.
Inilapag rin nito ang mga dala nitong pagkain sa may damuhan at tila natakam ako sa mga nakikita ko.
Sa totoo niyan ay ako talaga ang mahilig sa matatamis, samantalang si Zey ay mahilig sa maaanghang.
Ngunit dahil nasa katauhan ako ni Zey kailangang umakto akong tulad niya at ayon sa tunay niyang katauhan kasama na ang kagustuhan at iba pa.
Langya Briel! Ano ba ang iniisip mo?
Ewan ko ba pero kakaiba ang naramdaman ko sa mga ginagawa ni Rohws.
"Gusto kitang ligawan Zeyriel Cab. Iyon talaga ang balak kong gawin pero alam kong mabibilisan ka sa mga pangyayari kaya sana dahan-dahanin natin at magsimula tayo sa pagkakaibigan." Napanganga ako sa sinabi nito at ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko kasabay nang pakiramdam na hindi ko mapangalanan.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Roman d'amour"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...