3

346 7 0
                                    

Zey POV

"Anak dito ka muna ha? Kukuha lang ako ng mga order. Huwag ka aalis dito okay?" I said while gesturing where he should be sitted at tumango lang ang batang nasa harap ko at saka ito naupo sa silya then he look directly in my eyes.

Kaya yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin para sana halikan na ang pisnge nito ngunit naramdaman ko ang kamay nito sa aking mukha saka nito hinaplos iyon kaya tila naghalo ang emosyon sa puso ko.

Una, lungkot na halos sasabog ang puso ko, gustong gusto ko umiyak pero 'di ko 'yon magawa sa harap ng bata kaya pinilit ko pigilan ang luha ko at mas gugustuhin ko na lang na makita nitong okay lang ako.

Pangalawa awa dahil sa sitwasyon ko at pati ang bata ay nadadamay na rin, lalo na't hindi naman ito sanay sa ganitong sitwasyon dahil simula pa bata ay nakasanayan nito ang karangyaan, pero dahil sa tito ko ay lahat ng ari-arian at pera ni arnulfo ay nakuha nito wala itong tinira kaya halos mangapa na ako sa kung ano pa ang dapat kong gawin mabuhay lang ang bata at ang sarili ko ngayon pa na kailangan ko magdoble kayod para mabigyan ulit ito ng pera sa susunod na linggo

Kung pwede ko lang mabawi ang panahon, kung naging matapang lang sana ako pero hindi eh dahil masyado akong talunan.

At naiinis ako sa sarili ko dahil do'n. I wanted to cry and scream, at kung wala lang nga nakadepende sa'kin ay baka noon ko pa nagawang patayin ang sarili ko o 'di kaya noon pa ko nalulong sa bisyo para lang makalimot pero ngayon ni hindi ako makatikim ng alak dahil ang bawat piso ay mahalaga para mabigay sa sakim kong tiyo.

Nagising ako sa aking pag-iisip ng maramdaman kong basa ang kamay ng bata ngunit ng tingnan ko ang mukha nito ay nakabakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagtataka kaya doon ko lang napagtanto na napaluha na ako ng hindi ko napapansin.

Shit!

And then there I saw that expression again, he is now observing me kaya kinabahan ako sa kung ano mang makikita nito dahil napaka observant nitong bata.

And after how many seconds I saw him made some gestures with his hands or making some signs at nauunawaan ko ang mga iyon.

'Why are you crying? Did someone hurt you?'

I sighed at pinunasan ko ang mukha ko at saka ko ito hinarap and i show my smile to him ayoko sa lahat na mag-alala pa ito, dahil mahalaga ito sakin at kahit hindi ko ito tunay na anak ay mahal na mahal ko ang bata.

Ito ang nagbibigay sa'kin ngayon ng lakas na lumaban pa kahit sinisigawan na ako ng utak ko at katawan ko na sumuko na and I always tell myself na kailangan ko lumaban at mabuhay dahil kailangan ako ng bata, dahil baka kung ano pa ang gawin ng tito ko sa bata, isa pa ako lang ang nakakaintindi sa bata, he can't speak a word kaya mas dumagdag ang awang nararamdaman ko rito. Hindi kasi dapat nito maramdaman ang hirap pero andito ito ngayon sa bar kasama ko, dahil walang magbabantay rito at kailangan nito ng pagkain at dahil libre ang pagkain namin ng mga nagtratrabaho rito sa bar ay naisipan kong dalhin na lamang ito rito para ito na ang kumain sa libreng pagkain na para sa'kin, dahil walang-wala na kasi ako o wala na akong pambili ng pagkain naming dalawa. Pero okay na rin 'to, wala akong pakealam sa sarili ko pero ang bata ay dapat hindi magutom.

"I-I'm okay." I said while making some signs pero alam ko na hindi ito kumbinsido sa sinabi ko dahil umiling ito and he again made some signs.

'Liar, you are not okay because I saw your tears so tell me why.'

He demanded some answers pero 'di ko naman ito masagot, paano ko sasabihin dito na pumayag akong magpapinta ng hubad at take note I just met a beast.

Dagdag pa ang walang hiya kong tito na 'di pa nakontento sa perang nabigay ko dahil humihingi na naman ito, kaya ngayon hindi ko na alam kung saan ako hahagilap ng pera, ni wala nga akong kahit one hundred sa bulsa paano pa ang one hundred thousand? Saan ko kukunin 'yun? Pero kahit alam kong napakaimposible na makakuha ako ng pera ay sinusubukan ko pa rin. I need to work bago ako sumuko.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon