57

101 3 0
                                    

Briel's POV
"A-anong pinagsasabi mo? H-hindi kita maunawaan." Napaatras ako dahil tila hindi ko kilala ang taong nasa harap ko.

Samantalang hinayaan niya lamang akong makalayo habang nakabakas pa rin sa mga mata nito na para bang gusto niya akong pigilan at gusto niya akong hawakan.

"Hindi mo ba talaga maunawaan o sadyang ayaw mo lang marinig iyon mula sa akin?" Napamaang ako at kahit gusto ko man isipin na nagbibiro lamang ito ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi na ito biro.



Pero ano ba ang dapat kong isagot sa kaniya? Ano ba ang dapat kong isipin at gawin.

"Ken, nagbibiro ka ba? H-Hindi ba't lalaki ang gusto mo? Isa pa hindi tayo talo! Umayos ka nga!" Sinubukan kong magbiro at tumawa ngunit tinigil ko rin agad, nang makita kong wala itong reaksyon at seryoso niya pa rin akong tinitingnan.

"D-Don't tell me you're not g-gay, Ken. Nagkasama tayo ng matagal at alam kong bakla ka kaya please huwag na natin palalain ang sitwasyon. Please tell me it's a joke!"

Shit lang!

I am frustrated right now!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa tindi ng kaba at tensyon na nararamdaman ko.

Kinakabahan ako sa tinatakbo ng usapan namin at nagkakatensyon ang dibdib ko dahil alam kong makakasakit ako ng tao.

Masyadong napalapit na sa akin si Ken at ayaw ko sanang may magbabago sa pagitan namin.

Gusto ko sanang manatili kaming magkaibigan at hindi na sana namin pag-usapan ang ganitong bagay.

Hindi kasi ako sanay sa ganito.

Mas nasanay ako sa mga tawanan at asaran namin kaysa sa ganitong seryosong usapan.

"Ken, if you're doing this to prank me please not like this! Huwag mo akong gantihan sa ganitong paraan." Bigla na lamang natigilan ako nang tumawa ito ng malakas.

Isang tawang pilit at may kasamang luha.



"Alam mo? Gusto kong isipin na nagkamali lang ako. Gusto kong isipin na hindi talaga kita mahal pero anong magagawa ko, Briel! I love you! And Yes! I'm not gay! Noon pa man ay nagpapanggap lang akong bakla because I don't want to settle down and I just want to join fashion industry. Ngunit walang kukuha sa akin knowing na isa akong lalaki. So I change myself. Akala ko kaya kong panagutan ang desisyon ko. Pero nang makilala kita agad ns nagbago ang lahat. Ikaw ang rason kung bakit pinili kong itigil na ang pangarap kong maging isang sikat na designer. Gusto kong makita mo ako bilang isang tunay na lalaki. I want to make you mine, Briel. That's the truth!" Halos maubusan ako nang hininga sa aking narinig.

Matagal na pala niyang tinatago ang katotohanan na tunay siyang lalaki. Hindi man lang niya naisio ang mararamdaman ko. Naging bukas ako sa kaniya pero hindi ko inakala na sisirain niya ang tiwala ko.

Hindi ko akalain na nagmumukha na pala akong tanga sa harap nito.

Naiisip ko pa lang ang mga araw na hinayaan ko ang sarili kong maging bukas dito.

Iniisip ko ang mga salitang nabigkas ko, mga aksyon na ginawa ko at mga sekretong sinambit ko rito.



"Sinungaling ka." Maikling sambit ko na siyang kinasinghap nito.

Umangat ang aking mukha at nginishan ko ito.

"Anong pakiramdam mo na nagawa mong itago sa akin ang katauhan mo ng matagal? Masarap ba Ken?" Hindi ito umimik at yumuko na lamang ito na parang bang nahihiya itong ipakita ang mukha nito.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon