67

98 2 0
                                    

BRIEL'S POV

Nakahinga ako ng maluwag at pinagmasdan ko na lamang ang papalayong bulto ni Rohws. Pagkatapos ko kasing sabihin ang mga salitang sumugat sa ego nito ay agad ring lumarawan sa mukha nito ang inis at pagkapikon na nauwi rin sa pag-alis nito.

"Anong nangyari?" Dalawang salita pero alam ko na kung ano ang pinapahiwatig o tinutukoy ni Kenneth kaya binitiwan ko na ang braso nito nang hindi ko na matanaw ang papalayong bulto ni Rohws.

Nakita ko pang bumaba ang mga mata nito sa kamay ko na na tinanggal ko sa braso nito pero sandali lamang iyon at hinarap na lamang niya ako upang hintayin ang mga sasabihin ko.

"Kailangan kong umalis ngayon din Kenneth." Mahinang sambit ko na naging dahilan upang kumunot ang noo nito.

"Bakit? Dahil pa rin ba kay Rohws?" Tanong nito at halata sa boses nito na para bang hindi ito interesado sa mga sasabihin ko pero umiling lamang ako dahil alam kong para sa kaniya ay napakababaw lang na rason ang tungkol sa amin ni Rohws dahil hindi nito alam ang mga nagaganap o nangyayari sa likod nito.

"Hindi mo maintindihan Kenneth, hindi ako pwedeng magtagal rito lalo na't may mga kailangan rin akong tapusin. Isa pa may kailangan rin akong kausaping tao sa manila pero hindi ba't nasabi ko na noon ang tungkol roon?" Tumango ito at bumuntong hininga.

"Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, Briel pero kung sigurado ka na sa desisyon mo ay hahayaan na kita sa gusto mo. Isa pa mali rin naman na pigilan kita dahil may sarili ka namang desisyon na dapat gawin hindi ba?" Ngumiti ako sa naging sagot nito at agad na niyakap ko ito ng mahigpit na siyang sinuklian rin nito ng parehong yakap na nagpagaan ng nararamdaman kong bigat sa loob ko.

"S-Salamat, Kenneth pero may isa sana akong hiling sa'yo. Pwede bang ako muna ang maunang umuwi sa manila? At sana walang makaalam na ibang tao na uuwi ako ngayon tanging tayo lang at ng mommy mo." Sandaling natigilan ito kaya lumayo muna ako mula sa yakap na pinagsasaluhan namin at saka ko hinarap ang pagkalito nito.

"Gusto mo bang gawin ito para hindi makagawa ng aksyon si Rohws? Kasi sa nakikita ko, Briel ay sinusubukan mong takasan siya. Iyon kasi ang pagkakaintindi ko sa mga sinasabi mo." Napapikit ako kasabay ng pagyuko dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sobrang nahihiya ako sa mga pangyayari pero wala rin akong choice sapagkat iyon naman kasi ang tamang gawin.

"Oo," sumusukong usal ko at sandaling katahimikan ang sinukli nito sa akin na siyang nagparamdam sa akin ng kaba.

"Tell me, may ginagawa ba siya sa'yo?" Tanong muli nito na siyang naging dahilan upang kagatin ko ang aking pang-ibabang labi.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba o hindi pero sa huli ay wala rin naman akong choice. Dahil alam ko ang ugali nito. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napapaamin o hangga't alam nitong hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Oo," iisang salita pero iyon din ang naging dahilan upang mapamura ng malakas si Kenneth at ramdam ko ang matinding galit na nararamdaman nito.

"Damn him! Ang kapal ng mukha niya! Sa loob pa ng teritoryo ko. Damn it! I need to f*cking punch his face, Briel! Napakagago niya!" Hinawakan kong muli sa braso si Kenneth at puno ng pagmamakaawang tinitigan ko ito sa mga mata upang mapigilan ito sa mga gusto nitong gawin.

Ngayon kasi ay sobrang nagpupuyos ito sa galit kung kaya't handang-handa itong sugurin si Rohws pero ayaw ko na kasing magkagulo. Ang gusto ko na lang gawin ay ang makaalis ng tahimik at nang bumalik ulit sa katahimikan ang lahat.

"Ayaw mong sugurin ko siya? So anong gusto mong gawin ko, Briel? Ang manahimik lang? Pagkatapos ay ano? Anong makukuha ko sa gagawin ko? Hindi ba't ako lang din ang magmumukhang tanga at katawa-tawa sa mga mata ng gagong iyon? Gusto mo bang ganoon ang mangyari sa akin? O baka naman pinoprotektahan mo lang masyado si Rohws? Dahil ba mahal na mahal mo pa rin siya? O hindi kaya... Baka naman ginusto mo rin na paglaruan ka niya at hindi respetuhin?" Kumuyom ang aking kamay at pinipigilan ko ang sarili ko at hindi ko hayaan na dumapo ang aking palad sa mukha ng taong kinikilala kong kaibigan.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon