Zey POV
Napatingin ako sa hawak kong cellphone 'di ko alam kung tatawag ba ako sa lalaki o hindi na lamang ako tutuloy, kanina pa kasi ako nandito sa labas habang kaharap at nakikipagsukatan ng tingin sa pinto nitong halatang pagmamay-ari ng mayaman.
At ni hindi ko magawang kumatok o mag doorbell dahil sa kaba na nararamdaman ko, saka hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin o hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking 'yun, at tambak-tambak ang mga dahilan ko na hindi ko alam kung paano magiging maayos ang pagkikita naming ito.
Pero naisip ko na lamang na hindi ko pwede mabigo ang taong umaasang maging maayos ang painting na iyon lalo na't nagamit ko na ang pera, pero kahit kanina ko pa kinukumbinsi ang sarili ko sa kaisipan na iyon pero ay wala pa ring pagbabago still wala pa ring lakas ang aking mga kamay.
Oo sabihin na natin na pwede naman ako umatras pero nahihiya ako, dahil malaki na ang naitulong nito at dagdag pa ang respeto na pinakita sakin ni Mr. Reed, na 'di ko magawang maibigay sa ibang tao kaya nga tinuturing ko na bilang isang napakalaking bagay iyon na dapat kong mabayaran o masuklian kahit sa simpleng paraan man lang
'Kung sana lang hindi ganito kalupit ang tadhana, kung sana naging malakas lang ako edi sana hindi magiging mahirap ang bawat bagay bagay, kung 'di lang sana ako nagkamali pero masyado na akong naging tanga noon kaya di ko na dapat maulit 'yun. Ayoko na, maulit pa ang sakit na naramdaman ko.'
I can't play a game again na magiging dahilan ng madaming gulo, tama na 'to, this would be the last time. Kapag natapos ko lang ang mga dapat kong gawin ay aalis na ako sa lugar na ito, lalayo ako, I won't let the fate to control my life, tama na ang minsan.
"Hindi ka pa ba tapos makipagtitigan sa pinto? Do you expect that my door will melt and let you in?" Napasinghap ako, saka muntik ko na mabitawan ang cellphone na hawak ko habang gulat na gulat kong tinitigan ang maliit na screen kung saan kita ko ng malinaw ang walang emosyon na mukha nito, he even stared at me with coldness na mukhang mas malala ang bawat tingin na pinupukol nito sa'kin ngayon kaysa noon kaya napalunok ako.
Feeling ko may mali rito, pakiramdam ko may alam ito, paano kasi nakatingin ito sa'kin na puno ng pag-aakusa na para bang may alam ito na 'di nito dapat malaman.
"So ano na? Tatanga-tanga ka na lang ba riyan?" Umiling ako at umismid lang ito saka ko nakita ang pagbukas ng pinto na nasa harap ko, tsk mga mayaman nga naman tamad, kahit pagbukas ng pinto ay de remote na.
Napabuga ako ng hangin
'Kaya mo to Zey' Napapikit ako sandali at nang magmulat ay kumilos na ako upang pumasok sa loob ng penthouse,
At gaya ng iniisip ko ay lahat ng makikita sa loob ng penthouse ay mamahalin, at napakalinis kaya tila pakiramdam ko ako lamang 'yung madumi at madungis.
"Akala ko 'di kana pupunta, tatawagan ko na sana si Mr. Reed to tell him na ang pinagkakatiwalaan nitong taong ay umtras lang sa usapan at tinakbo ang pera." Kumunot ang noo ko at tiningnan ko ito ng masama, pero sa huli ay 'di rin iyon nagtagal dahil naisip kong tama naman ito e'. Hindi ako mapagkakatiwalaan,
"I'm sorry." Simpleng sambit ko na kinagulat nito di ata nito iyon inaasahan pero agad din naman iyon napawi at napalitan ng pag-aakusa, na tila ba 'di nito matatanggap ang sorry ko, pero ano pa ba ang ineexpect ko? He wanted me to feel the pain at minsan nakakapagod na din na makipag talo e'.
Masyadong napapagod na ang isip ko para pakinggan pa siya.
"Ganiyan naman 'di ba lagi? You will ask forgiveness but you don't mean it. You just uttered those words para palayain ang sarili mo mula sa konsensyang bumabagabag sa'yo, pero paano naman ang nakakarinig sa'yo? I am not convince and will never---"
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...