14

305 4 0
                                    

Briel POV

"Hey hon, are you okay?" Napatingin ako sa taong nagsalita at saka ako napangiti ng matipid, ewan ko ba sa tatlong taon na lumipas kahit naging malaya ako ay andon pa rin ang feeling na hindi ako komportable, na para bang lagi akong tumatakbo at walang mapuntahang lugar.

Paranoid na kung paranoid pero iyon naman ang totoo. At hindi ko ikakaila  na kailangan kong maging maingat.

Pinagdadasal ko lang na sana matapos na itong larong pinasukan ko, kahit na alam ko na mahirap na mangyari iyon lalo na't may tinatakasan pa ako.

At itong tagu-taguan at habul-habulan na larong pinasukan ko ay hindi basta-basta matatapos hangga't walang nananalo.

"Yeah I'm fine, where's Milo?" Hinawakan nito ang aking balikat saka hinalikan ang tuktok ng aking ulo, na siyang nagparamdam sa akin ng kapanatagan, na tila sinasabi sa akin na hindi ako kailanman mag-iisa.

"Nandoon siya sa restroom babalik naman 'yun kasama naman niya ang isang bodyguard. Ikaw nga itong inaalala ko kanina ka pa walang imik dahil pa rin ba sa pag-uwi natin sa pinas ang inaalala mo?" Napabuntong hininga ako saka ko ito hinarap at doon nakita ko ang mukha nito na nababakasan pag-aalala kaya nakaramdam ako ng guilt.

"Hindi naman sa gano'n pero kung bakit kasi kailangan pa nating bumalik roon? Maayos naman na tayo dito sa Germany hindi ba?" Bumuntong hininga ito at saka napailing at alam ko na naman na mapapahaba ang usapan namin.

"Alam mo namang kailangan kong umuwi lalo na't kailangan kong kausapin ang lolo ko para sa shares na ipapamana niya sa akin hindi ba?" Oo alam ko ang tungkol doon pero hindi ko lang din alam kung ano ang posibleng manyari lalo na't takot rin akong harapin ang mga bagay na magpapaalala sa akin sa aking nakaraan.

Akala ko kasi hindi na ako babalik roon pero mukhang nagkamali ata ako.

"Pero pwede naman siguro na hindi na kami sasama, maiwan na lamang kami ni Milo rito." Hindi ko man intensyon pero kusang lumabas ang pagiging desperada ko.

I just can't accept the fact na kailangan ko pang bumalik sa nakaraan.

Hindi ko lang matanggap na dadating ang araw na kakailanganin kong tumapak o bumalik muli ng pinas at ang mas malala ay masisira ko na naman nang tuluyan ang pangako ko sa aking sarili.

"But I need you there Bri! Kailangan ko kayo ni Milo roon. Isa pa, wala ka ba talagang intensyon na magpakilala sa kaniya? After all may karapatan kang—"

"Hindi na kailangan Ken, at pwede ba huwag mo nang ipasok ang ganiyang usapin? Isa pa, nag-usap na tayo. Alam mo namang hindi ko na gustong bumalik roon dahil—"

"Dahil ba kay Rohws?" Natahimik ako at sinamaan ko ito ng tingin dahil sa totoo lang ay hindi ko nagugustuhan ang usapan namin.

Alam na nga nito na ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang mga bagay o tao na may koneksyon sa aking nakaraan ay ginagawa pa rin nito.

Dagdag pa roon ay alam rin nitong sensitibo para sa akin ang ganoong usapin pero Shit lang!

"Alam mo kasi Bri, iba kasi ang pinupunto ng usapang ito. Do you still love him?" malamig na untag nito na siyang nagpakunot ng aking noo.

Para akong isdang nauubusan ng hangin dahil sa gulat.

What the hell!

Of all people ay siya pa talaga ang may ganang magtanong sa akin ng ganito.

Hindi ba't napag-usapan na namin ang tungkol dito?

"Fuck you!" I said through gritted teeth kaya ngumisi ito at itinaas ang dalawang kamay sa ere parang sinasabing susuko na ito.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon