Briel's POV
Parang gumagalaw ang buong paligid dahil sa aking kalasingan at mas nakakadagdag sa aking pagkahilo ang magulong sayaw ng mga ilaw pati na rin ang maingay na musika na sadyang tila nagpapabingi sa akin tenga.Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang sarili ko na namnamin ang aking kalasingan. Sa tagal ng panahon ay ngayon lamang ako muling nakaramdam ng ganito, 'yung bang tila malayang-malaya ako na gawin ang mga nais kong gawin.
Hindi ko alam kung bakit nagpakalasing ako ngunit pakiramdam ko kasi ay kailangan ko.
Isa pa hindi kasi matanggal sa isip ko ang aking pagiging duwag. Sa ilang linggong lumipas ay hindi pa rin ako makakuha ng tapang para harapin ang abogadong kailangan kong kausapin.
Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa apartment na nirerentahan ko tiyaka ayaw kong lumabas-labas o ang maghanap ng hotel na matitirhan sapagkat bukod sa magastos ay ayaw ko rin iyong kaisipan na may posibilidad na magkrus muli ang landas namin ni Rohws.
"Sir?" Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko kaya dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata at bumunggad sa akin ang isang bartender na nakatayo sa harap ko habang may ngiti sa labi.
"Hmm?" I hummed as a response dahil sa totoo niyan kahit lasing ako ay alam ko pa rin naman ang mga nangyayari sa paligid ko. Isa pa wala akong takot na malasing sapagkat hindi naman kasi ako nakabihis babae na mababastos ng mga lalaki kung sakali.
"May libreng drinks po kasi kami ngayon na binibigay po sa lahat ng kostumer." Kumunot ang noo ko at nang ilibot ko ang mga mata ko ay halos lahat nga ng mga nagsasayaw ay inaabutan ng libreng drinks.
Napatingin naman ako sa isang shot glass na hawak ng bartender na nasa harap ko. Iniabot nito iyon sa akin na kinuha ko naman at tinitigan ko iyon ng mabuti.
Dapat kasi ay hindi na ako iinom kasi nakarami na ako. Isa pa ang balak ko lang sana ay magpahinga ng saglit at medyo magpalipas ng konting oras upang pababain ang epekto ng hilo bago ako uuwi pero mukhang hindi rin ako makakatanggi sa libreng alak na ito.
"Isa po iyang bagong labas na mixture ng alak na mismong ang may-ari ng bar ang gumawa. Pinapatikim niya po sa lahat upang malaman kung magugustuhan ba ng mga kostumer ang ilalabas niyang bagong alak. Kaya sige na po sir tikman niyo na po at sabihin niyo po sa akin ang opinyon niyo po." Mahabang pahayag nito na ikinatango ko. Mukhang wala naman sigurong masama kung inumin ko itong huling baso ng alak. Pagkatapos nito ay uuwi na ako at nang makapaghinga rin ako.
Nilagok ko ang laman ng baso at napangiti ako ng sumabog ang manamis-namis na lasa no'n na may kasamang kaonting pait.
Mukhang masarap at may talento sa paggawa ng alak ang may-ari ng bar. Napakasarap kasi ng alak na gawa nito at mukhang papatok talaga iyon.
"Ano po masasabi n'yo sir?" Naeexcite na sabi ng bartender na siyang nagpatango sa akin bilang patunay na nagustuhan ko nga ang alak pagkatapos no'n ay ibinalik ko rito ang baso at saka ngumiti ako rito.
"Sigurado akong papatok ang alak na iyan. Masarap siya at hindi masyadong mapait, tamang-tama lang." Nagningning ang mga mata ng bartender at saka masayang tumango.
"Salamat sir, sige po aalis na po ako." Yumuko muna ito bago dali-daling umalis samantalang naiwan naman akong pinagmamasdan lamang ang papalayo nitong bulto.
Now I am left alone.
Tsk.
Hindi na ako nasanay. Siguro nga tama na muna itong kalokohan na ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romantiek"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...