Briel's POV
"Anyare sa'yo? Kagabi ka pang ganiyan na tila natatae tapos pansin ko rin na para bang sinasadya mong sirain ang araw ko. At mukhang mahuhulog na ata ang mga mata ko sa kakatingin sa'yo na kanina pabalik-balik sa harap ko." Napakagat ako sa aking hinlalaki bago ako umupo sa gilid ng aking kama katabi si Ken na ngayon ay nakatingin sa akin gamit ang nagtataka nitong mga mata.
"Uuwi na lang ako ngayon sa ibang bansa, bakla. Hindi ko na ata kayang magstay pa rito sa pinas."Isa pa, hindi ko na ata kaya pang makita ulit si Rohws bukas o makasama ito sa iisang lugar.
Naiisip ko pa lang ang ginawa kong katangahan ay parang masisiraan na ako ng ulo.
"Ano ba kasing nangyari at nagkakaganiyan ka? Bakit kasi hindi mo na lang ako deretsuhin? So ano nga?May ginawa ba siya sa'yo para mapraning ka ng ganiyan?"
Hindi lang naman 'yung ginawa ni Rohws sa akin ang nagpapabaliw sa akin ngayon e'. Pati na rin ang ginawa ko kay Rohws ang siyang hindi ko matanggap na nagawa kong gawin.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng tapang para makisabay sa laro ni Rohws at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatanong at magtaka.
Nagawa ko ba talaga ang mga iyon?
Nagawa ko ba talagang tugunin ang mga halik nito?
Nagawa ko ba talagang hawakan ang bagay na iyon?
Shit!
Naiisip ko na naman ang itsura ng bagay na iyon. Pati na ang itsura ni Rohws na puno ng inis dahil sa hindi ko pagtuloy sa iniisip nitong gagawin ko.
"Uyy Briel! Kinakausap kita! Tulala ka na naman riyan. Halos tulo laway ka pa nga."
Agad na napahawak ako sa gilid ng aking labi pero wala naman akong maramdaman na basa kaya nang lingunin ko si Ken sa tabi ko ay nakita kong nakataas ang isa nitong kilay na tila ba nagsasabing 'huli ka!'
"Alam mo? Nagmumukha kang tanga sa harap ko ngayon bruha! Kaya sabihin mo na nga lang sa akin kung ano 'yung ginawa niya sa'yo! Kasi paano kita matutulungan kung nagtatago ka sa akin—" hindi ko na ito pinatapos at agad na naisigaw ko ang sagot.
"Hinalikan niya ako!" Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin at nang muli kong tingnan si Ken ay nakita ko pang tila may dumaan na emosyon sa mata nito na hindi ko mapangalanan. Ngunit sandali lamang iyon dahil agad na bumalik sa dati ang emosyon sa mga mata nito.
"Oh e' ano ngayon? Nagpauto ka naman? Syempre expected na hahalikan ka no'n dahil iniisip niyang ikaw nga talaga si Zey. Which is true naman hindi ba? Ikaw ang Zey na nakilala niya pero ang katauhan na Zey ay para sa ate mo at hindi para sa'yo. 'Yun nga lang bakit hindi mo na lang ginamit ang katauhan ng ate mo kung talagang wala na siya? Hindi ba't mahal mo rin siya?" Napanganga ako sa naging tanong nito at tila ba ibang tao ang kausap ko ngayon at hindi ang baklang kaibigan ko na walang ibang ginagawa kundi ang magbiro at gumawa ng kalokohan.
"Let me guess, siguro ayaw mo dahil feeling mo hindi 'yung tunay na ikaw ang minahal niya. Siguro ang gusto mo lang ay 'yung malaya kang ipakita kung sino ka. Hindi ba't tama ako?"
Oo may parte sa akin na iyon talaga ang sinisigaw na rason pero hindi naman pwede na ganoon kababaw lang ang magiging dahilan para gumawa ako ng desisyon.
Ayaw ko lang na maging selfish na porket wala na ang ate ko ay nanakawin ko na ang pagkatao nito.
Ayaw ko rin 'yung kaalaman na ipipilit ko ang sarili ko sa buhay ni Rohws na alam kong hindi talaga ako nababagay roon.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romansa"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...