19 BRIEL POV

254 4 0
                                    

Flashback
Congratulations miss Zey, mukhang talagang pinaghandaan mo ang exam. P-Pero paanong hindi ka man lang nagkaroon ng kahit isang mali? Isa lang ang rason no'n matalino ka pala talaga pero hindi mo man lang magawang ipakita sa amin iyang galing mo. Ngunit hindi naman pwedeng itago mo iyan ija. Kaya bukas na bukas, I want you to help me and please discuss this equations inside the classroom." Ngumiti ako ng peke ngunit sa loob-loob ko ay gusto ko nang manigaw.

Tanga ka talaga Briel!

Gusto kong murahin ang sarili ko sa sobrang katangahan ko.

Mukhang napasobra ata ang pagiging excited ko sa pagkuha ng exam! At dumagdag na naman ang isang problema.

"So what do you think Miss Cab? Don't worry, I will make sure magiging mataas ang grades mo basta ba ayusin mo lang ang performance mo. Kaya magandang magstart ka bukas." 'Yun na nga ang problema! Dahil mamaya kapag binalik ko na ang katauhan na ito sa kapatid ko ay talagang magagalit ito sa akin.

Isang malaking problema itong ibinigay ko sa kaniya.

Knowing my twin sister, hindi ito interesado sa mga ganitong bagay. Lalo na ang tungkol sa pag-aaral.

"Zeyriel?" Nakuha muli ng guro ang aking atensyon kaya kahit ayaw ko ay nginitian ko ito.

"No problem ma'am." Oh God please forgive Zey.

.

.

.

.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa likod ng gym building.

Kagagaling ko lang sa faculty room kung saan kinausap ako ng masinsinan ng guro tungkol sa naging resulta ng binigay nitong pagsusulit at talagang hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong makaraos mula sa problemang kinaharap ko kanina.

Pero mukhang may lilitaw na naman na malaking probema dahil bukas na bukas ay may pinagawa ang guro kay Zey at mukhang mahihirapan na naman ang kakambal ko. Kaya mamaya kakailanganin ko itong turuan para naman hindi na maulit ang ganitong eksena.

"Nakakainis talaga ang bruhang iyon—" hindi ko natapos ang sasabihin ko at impit na lamang napatili sa gulat sapagkat muntik na akong nawalan ng balanse dahil sa biglaan na pagkatanggal ng heels ng sapatos na suot ko.

Shit!

"Kung minamalas ka naman oh. Ngayon pa talaga sumuko. Bwisit talaga!" Alam kong wala namang dapat sisihin sa nangayari kundi ako mismo dahil para akong tanga kung maglakad pero teka nga—

may bigla akong naalala.

Oo nga pala...

Hindi lang ako ang may kasalanan dito.

"Maghintay ka lang talagang bruha ka. Oras na makita kita talagang masasapak talaga kita. Langya! Kasalanan mo talaga 'tong lahat bruha ka! Pati itong damit na pinasuot mo sa akin ay hindi nakakagaan sa pakiramdam." Tinanggal ko ang dalawang sapatos mula sa aking mga paa at basta ko na lamang iyon tinapon.

"Arghh!"

Bigla na lamang ay nakarinig ako ng isang daing na siyang nagpasinghap sa akin at nang lumingon ako sa pinanggalingan no'n ay mas lalo akong nagulat.

Dahil nakita ko lang naman ang isang bulto ng tao na hawak-hawak ang nasaktan nitong ulo. Nakaupo ito sa damuhan habang nakasandal ang likod nito sa pader ng malaking gusali.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon