73

108 2 0
                                    

Briel's POV

"N-nababaliw ka na Rohws!" Mas nilakasan ko ang pagpiglas ko mula sa bisig niya hanggang sa nabitawan niya rin ako.

Ang pagkakataon na iyon ang siyang ginamit ko upang umatras ng ilang hakbang mula rito habang si Rohws naman ay nakatingin lamang sa akin.

Ngunit hindi lingid sa akin kaalaman ang paraan ng pagpasada niya ng tingin sa aking katawan na para bang nakahubad ako ngayon at nagagawa niyang makita ang buo kong katawan. 

Sh*t

Ano pa ba ang pwede kong itago sa kaniya? Bakit pakiramdam ko basang-basa na niya ang buo kong pagkatao?

"Yes I'm crazy, pero ginagawa ko lang ang dapat Briel—" hindi ko na ito pinatapos magsalita dahil hindi ko matagalan ang kaisipan na gagamitin na naman nito muli ang mga salitang nagsasabing pagmamay-ari niya ako.

"Damn you! Wala akong nakikitang tama sa ginawa mo! And you think this will stop me from marrying Kenneth? Nagkakamali ka! Hindi ikaw ang magiging dahilan upang hindi ko makuha ang kasiyahan ko! Sisiguraduhin kong ito na ang huling pagkikita natin at ito na rin ang huling pagkakataon na magagawa mo ito sa akin!" Natigilan ito dahil sa sinabi ko pero sandali lamang iyon dahil agad na umigting ang panga nito nang rumehistro na sa isip nito ang mga salitang sinambit ko.

Alam kong hindi ko dapat sinasabi ang mga salitang iyon pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. 

Dahil sa totoo lang mas gugustuhin ko ngayon na mawala na lamang o ang malamon na lamang ng sahig sapagkat hiyang-hiya na ako.

Wala na akong maipagmamalaki!

"You can't stop me, Briel. Madami akong paraan para angkinin ka! I can be desperate, I can be forceful and I can be a demon. Hindi ba't nagawa ko na iyon kagabi?" Kumunot ang noo ko dahil parang may mali sa paraan ng pag-ngiti nito para bang may alam ito na hindi ko alam.

At sa paraan ng pagbanggit nito sa mga salitang 'nagawa na nito kagabi' ay para bang may ginawa nga ito na hindi ko alam.

At nang sinubukan nitong humakbang papalapit sa akin ay agad na umatras ako na siyang ikinatigil nito.

"W-what do you mean na nagawa mo na kagabi? May hindi ba ako nalalaman?" Sinuklay nito ang sariling buhok gamit ang sarili nitong mga daliri at saka napatingin ito sa akin na tila ba gusto nitong makita ang reaksyon ko oras na sabihin nito ang hinihingi kong sagot.

"Wala naman akong ginawang masama, Briel. Hindi ba't tinakasan mo ako? Ilang ulit ko bang sinabi na hindi ako madaling takasan? Tiyaka ilang ulit ko rin bang sinabi na paparusahan kita oras na sinubukan mong tumakas?" Umawang ang labi ko sa mga narinig ko at doon ko lamang napagtanto na demonyo at gago itong kaharap ko.

Parang may sumabog na kung ano sa loob ng isip ko at nakatanga na lamang ako sa lalaki na walang ibang ginawa kundi ngumiti ng pagkatamis-tamis na tila ba sinasadya nitong dagdagan ang galit at inis na nararamdaman ko. 

"Y-you... You drugged me..." Hindi makapaniwalang usal ko at ni hindi ko nga alam kung saan ko nakuha ang ideyang iyon dahil basta na lamang iyon lumabas mula sa bibig ko, samantalang sapat ng sagot ang mas lalong paglawak ng ngisi nito.

Halatang inaamin nito ang ginawa at wala itong pinagsisisihan. 

Kahit kaonting konsensya ay wala akong makita sa mga mata nito. 

"How dare you!" Mabilis na nilapitan ko ito at pinagsusuntok ko ang malapad nitong dibdib. At wala na akong pakealam kung nakahubad ito ngayon dahil ang mahalaga na lamang sa akin ngayon ay ang makaganti man lang kahit kaonti dito.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon