Briel's pov
Hmmm..
Unti unti napamulat ako ng mga mata at bumunggad sa aking ang nakakasilaw na liwanag, na nagmumula sa nakabukas na bintana.
Kinusot ko ang mga mata ko, dahil sa nanlalabo pa kasi iyon.
"Goodmorning you're awake now, my wife." Napakislot ako sa gulat at tila nagising ng tuluyan ang aking diwa doon ko lang napansin ang mabigat na bagay sa aking bandang tiyan at nang tingnan ko ang nagmamay-ari ng mabigat na bagay na 'yun ay nakita ko lang naman ang taong tila nagmomodel kasi f*ck! muntik nang mahulog ang panga ko sa nakikita kong tanawin.
Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxer short lang ang gamit nito, basa din ang itim na itim nitong buhok at mukhang bagong ligo lang ito pero ang pinagtataka ko ay kung bakit nakayakap ito sa'kin?
Wait yakap?
Teka ano ba ang nangyari?
Bakit may katakam-takam na tanawin sa harap ko?
Umagang umaga.. nanunuyo ang lalamunan ko.
Pero teka? Si R-Rohws nandito?
Pero paano nangyari iyon? Paano siya napunta rito? Nagpapanic na nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar.
Nakapunta na kami sa isa ko pang resthouse kung saan inaakala ko'y hindi kami basta basta masusundan ni Rohws pero...
Akala ko tuluyan na kaming nakatakas ng mga anak ko pero nagulat na lamang ako nang paggising ko ay narito na ang binata. Namamalik mata lang ba ako? Teka baka naman kasi nasisiraan na ako ng ulo? No! It's impossibile alam kong ako lang at si Kenneth ang nakakaalam sa lugar na ito kaya paanong makakasunod itong damuho na ito?
Damn! Bakit nandito siya?
Bakit nasa harap ko na siya?
"Kakaligo ko lang medyo mabaho kasi ako dahil sa byahe. I hope you don’t mind if nakigamit ako ng banyo at pati mga gamit pangligo. Kaya lang namiss na kita agad kaya nahiga ako ulit para yakapin ka." Tulala pa rin akong nakatingin rito.
No...
Imahinasyon ko lang ang lahat ng ito. Hindi pwedeng naririto si Rohws.
"Don't look at me with that confuse look ang cute mo tingnan nakakagigil. Saka bakit hindi mo man lang sinabi na magbabakasyon ka asawa ko? May balak ka bang magtago?"
Ha?
Ano raw?
May sinasabi ba ito?
Hindi ko kasi maintindihan eh paano kasi tila napako ang tingin ko sa
mabatong katawan nito, kung bakit kasi tila kaakit-akit ito masyado sa mga mata ko ngayon.
Nagkakasala tuloy ang utak ko, kung ano anong imahe ang pumapasok sa madumi kong utak kaya naeeskandalong napailing na lamang ako. F*ck what is happening to me? Sanhi ba ito ng pagkapuyat ko?
Pero oo nga pala sino bang hindi mapupuyat kung magdamag ko inisip ang mga sinabi nito sa akin pati na rin ang kaalaman na kasal na kami. Hindi ko akalain na ang damuhong ito ay nagawang ilusot ang marriage contract nang hindi ko man lang napapansin.
How did he do that?
Tapos ngayon parang magic na nasa harap ko na siya.
Sino ba ang nagsabi sa kaniya na narito kami?
Mas gumulo lang lalo ang mga bagay bagay sa aking sistema.
Dalawa lang kasi ang kwartong meron rito sa maliit na bahay bakasyunan namin ng mga anak ko. At dahil ayaw ng dalawa na nakikitabi sa akin dahil big girl at big boy na daw sila ay naroon sila sa kabilang kwarto.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...