Flashback
Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang saradong pinto. Ni hindi ko magawang kumatok sa takot na baka iba ang aking mabunggaran.
Sobrang natatakot akong harapin ang katotohanan o ang nag-iisang taong matagal kong iniiwasan at itinaboy.
"Miss ano pong ginagawa n'yo sa harap ng room 34?" Nagulat ako nang bigla na lamang may isang nurse na sumulpot sa gilid ko at nagtanong.
"May bibisitahin sana ako rito—"
"P-Pero Miss wala nang tao riyan." Nanlalaki ang mga matang napalingon ako rito.
Paanong wala? Kanina kasi ay tumawag ako sa bahay at ginamit ko ang hiniram kong cellphone kay Rohws sapagkat nasira na ang akin.
Nang makausap ko ang katulong ni lolo ay sabi nito sa akin ay nasa room 34 si lolo, kaya sigurado ako sa narinig ko.
Room 34 ang kwarto ng lolo ko at hindi pwedeng mali ang nadinig ko.
"Pero sa pagkakaalam ko'y ito ang kwarto ng lolo ko kaya paanong wala?" Umawang ang labi ng nurse bago ito nagpakita ng isang emosyon na siyang nagpabilis ng tibok sa puso ko.
Nakaramdam ako ng kaba habang ang mga mata ng taong nasa harap ko ay halos hindi na makatingin sa akin.
"Nurse pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari? Siguro kasi akong ito ang kwarto ng lolo ko. Hindi naman pwedeng nagkamali lang ako nang narinig. Sapagkat iyon talaga ang sinabi sa akin kaya please sabihin mo sa akin ang totoo. Nilipat ba siya ng kwarto? Saan naman iyon? Pwede mo bang sabihin sa akin? Hindi naman ako masamang tao e', apo niya ako at kailangan ko siyang makausap." Ewan ko ba pero pakiramdam ko'y nanginginig ang aking mga kamay.
Andon 'yung maliit na boses na bumubulong sa akin ng isang ideya na ayaw kong tanggapin.
Hindi pwedeng mangyari iyon!
"P-Pasensya na Miss pero kanina pa nilipat ang iyong lolo—"
"Bakit siya nilipat? Maayos na ba ang lagay niya?" Nakita ko ang pagbakas ng pag-aalinlangan sa mga mata ng nurse na para bang may gusto itong sabihin na hindi nito magawang sambitin.
"Ang totoo niyan, kanina pa siya nilipat sapagkat..." Sandaling tinigil nito ang pagsasalita at napatingin sa akin ng deretso sa mga mata na para bang may pinapaabot itong ideya sa akin.
Tila ba humihingi ito ng paumanhin pero hindi ko maunawaan ang kinikilos nito.
Lubos na naguguluhan ako.
Pero talaga bang naguguluhan lang ako? O sadyang ayaw ko lang tanggapin.
Hindi ko matanggapin na baka...
Na baka huli na ang lahat.
"I'm sorry Miss pero kanina pa b-binawian ng buhay ang pasyente." Pagpapatuloy nito sa pahayag nito na para bang bombang sumabog sa aking pandinig.
No...
How can it be?
Paano nito nagawang iwan kami at sirain ang pangako niya? Paano niya kami nilisan ng ganoon lang? Akala ko pa babawi siya? Akala ko ba hindi niya kami iiwan sapagkat pagbabayaran pa nito ang lahat ng nagawa nitong kasalanan? Pero bakit iba ang nangyari?
Napakasinungaling niya!
Akala ko ba proprotektahan niya kami? Akala ko ba pipilitin nitong makuha ang kapatawaran mula sa akin?
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...