Briel's POV
"Ayan nakahain na lahat hintayin na lang natin sila." Ang ngiti ko ay agad na napawi at naestatwa ako sa kinatatayuan ko langya akala ko hindi ko kung sinong biglang yumakap da sa akin mula sa aking likuran iyon pala ay si Rohws na ngayon ay nakangiti ng malapad.
Ang totoo niyan ay kinakabahan ako sa sa aking sitwasyon ngayon. Lalo na't nasa pamamahay ako ng mga Taylor.
Buti nga kanina ay nasa trabaho pa si Rohws at ang daddy nito kaya medyo nawala kaonti ang kaba ko. Mas takot kasi ako sa ama ni Rohws, isa pa kapag nalaman ni Rohws na biningwit ako ng kaniyang ina papunta rito ay natitiyak kong hindi ito papasok sa trabaho at manggugulo lamang ito.
Mabuti na nga lang ay nagagawa kong pakalmahin ang sarili ko. Pero kanina nang makareceive ako ng tawag mula sa ina ni Rohws ay halos papanawan na ako ng ulirat. Pero ipinaliwanag nito na nais niya lang ako makilala.
Matagal na raw kasi ako binabanggit ni Rohws at marami na raw siya naririnig tungkol sa akin mula rin kay Erron na todo chismis raw patungkol sa aming dalawa ng kaniyang kambal. Sabi ni tita punta raw ako sa bahay nila kaya hindi magkandaugaga ako kanina sa pag-aayos. At mas lumala ang takot ko nang yayain ako nitong magluto.
Parang hihimatayin ata ako sa kaba dahil paano kung ayaw nila sa luto ko?
Hinihiling ko na sana hindi matuloy ngunit hindi ata ako sinuswerte ngayon.
"Ma'am andiyan na po sila sir tinawag kasama po sila sir Erron at ma'am Vivianne." Anunsyo ng kasambahay ni tita ayan tuluyan na akong naging bato sa kinatatayuan ko shit they are already here! And his here. Nakakailang na kamakailan ko nga lang binigyan ng chance si Rohws pero ito ako ngayon kasama na ang ina nito na naghahanda ng mga pagkain na tila ba isang bonding ng mag mother in law at daughter in law.
Kaya nga nakakailang sobra. Though I have this idea na gusto kong magustuhan niya ako. Para bang ayaw ko madisappoit si Rohws.
Langya!
Para akong nagdadalaga.
Pero siguro ito na lang din ang pwede kong isukli sa mga efforts ni Rohws. Ang dami na rin kasi nitong nagawa nitong mga nakaraang linggo.
Literal na niligawan niya ako pati ang mga anak namin. At sobrang sarap sa pakiramdam.
Naging masaya ako at sa kauna-unahang pagkakataon nagawa kong ngumiti nang walang inaalalang bagay na makakahadlang sa kasiyahan ko.
Maybe it was too late for this
Siguro nga tumatanda na kami ni Rohws, pero masaya ako na pinaramdam nito na hindi pa huli ang lahat para sa amin.
Alam kong ako talaga ang may kulang sa amin dalawa dahil ako itong takot sumugal ngunit paunti-unti tinupad ni Rohws ang sinasabi nitong tatanggalin niya ang takot.
Paunti-unti magpag-aaralan ko rin kung paano magtiwala.
Hihilom rin ang lahat ng sugat at mawawala ang lahat ng agam-agam.
"Salamat manang." Tumango ang kasambahay bago umalis na at dumiretso sa kusina para ipagpatuloy ang naiwan nitong trabaho naku anong gagawin ko? I am trap here! Bwisit para akong maiihi na ewan.
I nervously gripped the lower part of my black dress with a v-cut which shows a little glimpse of my cleavage and it reach in my mid thighs.
Sinigurado ko talagang maayos ang itsura ko at talagang mula sa business attire ko kanina ay dumaan ako sa isang botique upang bumili ng dress.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Любовные романы"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...