Present TimeNapabutong hininga ako habang sinusubukan kong aliwin ang aking sarili sapamamagitan ng tanawin na nasa labas ng eroplanong sinasakyan ko.
Kitang-kita kasi kung gaano kaganda ang mga ulap mula sa labas ng bintana. Kung gaano kaasul ang paligid na tila ba nilulunod ang lahat ng problemang meron ako.
Ngunit hindi ko maunawaan ang sarili ko, dahil kahit anong gawin kong pagpapakalma ay walang epekto. Labis-labis pa rin ang nararamdaman kong kaba sapagkat hindi ko pa rin matanggap na sa lahat ng pwede kong gawin bakit ito pa talagang pagbabalik ng pinas ang ginawa ko!
Masyadong madaming ala-ala ang naglalaro ngayon sa loob ng aking isipin. Ngunit pinigilan ko na lamang ang mag-isip. Ayaw kong maalala pa kung gaano kasakit ang bawat maling desisyon na ginawa ko pati na rin ang pagkawala ng ate ko.
Sa ngayon mas kailangan kong maging matapang. Kailangan kong maging matatag bilang isang Briel. Siguro nga mali itong ginagawa ko, 'yung kailangan ko na naman gamitin ang katauhan na napupuno ng pagpapanggap. Pero wala rin akong choice, ito lamang ang naiisip kong paraan.
Isa pa, tama na siguro 'yung paggamit ko ng katauhan ni ate, nagawa ko na rin naman ang gusto ko, 'yung makatakas mula kay tito. Ngunit sa ngayon kailangan ko pa ring mag-ingat hindi ko alam kung makikita ko ito muli o kung sino pang demonyo ang makikita ko.
Pero sa tingin ko ang pagiging Briel ang tanging nag-iisang ligtas na katauhan na pwede kong gamitin, upang mas magawa kong harapin ang dapat kong harapin oras na tumapak na ang mga paa ko lugar na alam kong kailanman ay hindi ako patatahimikin.
Bumuga muli ako ng hangin, hindi ko gusto itong nangyayari pero siguro nga ugagawin ko na lamang ang lahat ng makakaya ko upang hindi ako makagawa muli ng masamang desisyon.
"Huy kanina ka pa bumubuntong hininga riyan. Buti na lang hindi mo nailalabas ang lungs mo sa kakabuga mo ng hangin." Sinamaan ko ng tingin ang katabi kong bakla habang ito naman ay natatawa lamang sa naging reaksyon ko.
Aba't! Hindi na talaga ito natututo at mukhang gustong-gusto nito ang makitang naiinis ako o makitang sira ang mood ko.
Samantalang dapat nga'y hindi nito ginagawa iyon sapagkat kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ako mapupunta sa sitwasyon na ito.
Kung bakit naman kasi masyado itong magaling mamblackmail! At kung bakit kasi nagpauto naman ako sa mga paawa nito pati na rin sa mga babala nito.
"Huwag mo talaga akong inisin bakla kung ayaw mong pagkababa at pagkababa natin ay sasakay muli ako ng ibang eroplano pabalik upang mahigaan ko muli ang masarap kong kama. Kaya binabalaan kita, huwag na huwag mo akong bigyan ng rason upang hindi ka tulungan." Namatay ang tawa nito at wala itong nagawa kundi umayos ng upo.
"Napaka OA mo naman. Talagang lagi mong gagamitin sa akin ang ganiyang panakot." Alangan naman hindi ko ito takutin?
E' sa lahat ng taong nakilala ko ay si bakla na ata ang pinakamagaling mang-asar. Kaya ayaw ko naman na masira ang mood ko sa buong byahe baka kasi hindi ko matagalan at hindi lang ako mapakali.
Nakakaparanoid kasi isipin 'yung babalik ako ng pinas, ni hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin roon o kung anong dapat kong asahan.
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...