BRIEL'S POV
I believed him, alam ko sa sarili ko na hindi ko maitanggi na talagang maniniwala ako sa sinabi nitong proprotektahan niya ako. I trusted him, even if it was foolish for me to do that.
Hindi kasi mahirap na pagkatiwalaan si Rohws. Ang katangahan lang ay 'yung patuloy akong mahulog para rito nang hindi man lang iniisip ang kahihinatnan ng mga ginagawa ko.Kailan ba nagkaroon ng taong kayang iparamdam sa akin ang ganito bukod sa kaniya? Halos wala nga akong maisip na kahit isang tao na mag-aalala sa kalagayan ko o 'yung taong uunahin ang kapakanan ko kundi si Rohws lang.
Kay Rohws ko lang naramdaman ang ganitong kapanatagan. Sa kaniya ko lang naramdaman na hindi ako nag-iisa.
Looking up at him, I was struck as forcefully as a fist with the knowledge that he would keep me safe because he cared for me as a person, at hindi dahil lang may kailangan ito sa akin.
Ni hindi man lang ito nagpakita ng galit o inis dahil sa kabagalan ko o sa pinakita kong kahinaan kanina.
Ni wala itong pakealam sa mga masasamang ginawa ko rito kagabi o sa kung sino ako dahil kanina kitang-kita ko sa mga mata nito na mas importante para rito ang mailigtas ako kaysa ang ibang bagay.
The knowledge nearly brought tears to my eyes.
Ay mali pala, dahil kanina pa ako umiiyak sapagkat akala ko wala na talagang taong babalik para sa akin.
But he came for me and now I am with him.
Wala na sigurong mas ikakapanatag ng isip at puso ko kundi ang ganitong eksena.
"You look as if you are going to collapse," he said gently.
"Come. I have food and drink. Buti na lang pinabaon sa akin ni tita ang ibang pagkain kanina." He took me by the hand, with his warm, callused palm comforting as it closed around my own far smaller one, para akong lumulutang sa kaalaman na buong ingat ako nitong inaalalayan sa paglakad. Pati na ang mainit nitong kamay ay tila ba nagpapawi ng lamig sa buo kong katawan.
Inalalayan ako nito papunta sa kubong ito mismo ang nakatuklas.
He was as if clearly familiar with the territory, for he led me with confidence through the maze of trees, hanggang sa dinala siya nito papasok sa loob ng kubo.
Nang makapasok kami ay agad na napaupo ako sa maliit na upuan upang yakapin ang sarili ko dahil nakakaramdam na ako ng lamig.
Pero hindi ko inaasahan na bigla-bigla na lang ay uupo sa tabi ko si Rohws dala -dala ang nakuha nitong maliit na kumot mula sa isang gilid na kanina lang ay maayos pang nakatupi.
He ran a hand over my dishevelled hair. Pinipilit nito suklayin gamit ng daliri nito ang mga nagulong parte ng buhok ko na siyang kinagulat ko at sa huli ay napabuntong hininga ito.
"Tanggalin mo na muna ang damit mo para hindi ka lalong lamigin. At ipangtakip mo muna itong kumot sa iyong katawan." Napalunok ako at napatingin ako sa medyo may kakapalan na kumot sa kamay nito.
A-ano raw? Maghuhubad ako?
"Bakit ganiyan ang reaskyon mo? May problema ba?" Nagtatakang sambit nito pero umiling lang ako.
"Ikaw na lang gumamit niyan, okay pa naman ako—"
"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Sa liit at payat mong iyan mas lalamigin ka kaysa sa akin. Kaya mas maganda na ikaw na lang ang gagamit nito." Pero ano ineexpect niya na huhubarin ko damit ko habang nandito siya sa harap ko?
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...