20 BRIEL POV

212 3 0
                                    

Flashback

"You did great Miss Cab. Talagang hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko para gawin ang bagay na iyon sa loob ng klase." Naiilang na napangiti ako ng matipid habang hinahayaan ko ang guro ni Zey na purihin ako.

Dahil gaya nga ng iniisip ko ay ako rin ang napasubo sa problemang ako mismo ang gumawa.

Sapagkat bago pa man ang araw na ito ay nagawa kong kausapin ang kapatid ko pero panay ang tanggi nito. Ni ayaw nitong turuan ko siya.

"Ikaw ang gumawa ng problema na iyan kaya ikaw ang humarap niyan. Masyado mo naman kasing ginalingan. May pasabi-sabi ka pang baka hindi mo kayanin ang exam pero anong nangyari?" Kuyom ang mga kamay na umupo ako sa tabi nito bago ko ito hinawakan sa braso.

"Ate naman e'. Usapan natin isang beses lang ako magpapanggap na ikaw—"

"Pero hindi ko sinabi sa'yo na galingan mo—"

"May sinabi ka kaya bago ako umalis." Tila ba may napagtanto ito kaya umismid ito at binatukan ako.

"Oo sabi ko galingan mo pero ano ginawa mo? Mas ginalingan mo! Aba't 'yung equation na iyan paano ko maipapaliwanag sa klase kung kahit ako mismo hindi ko maunawaan iyan." Ngumuso ako rito at nagpapaawa ang bawat tingin na tinatapon ko rito. Ngunit umiling lamang ito dahiat iniwas ang tingin sa akin.

"Ayusin mo iyang pinasok mo bunso. Sinasabi ko sa'yo. Hindi talaga ako papayag sa ganiyan. Oo sabihin na natin na tuturuan mo ako. E' kanina pa tayo rito ni hindi ko pa rin makuha! Paano na lang pag nagtanong sila sa akin ano isasagot ko? At paano kung makalimutan ko ang lahat ng iyan bukas aba'y panibagong problema na naman iyan." Ano ba ang dapat kong gawin sa kapatid kong ayaw atang mag-aral?

Paano ko kaya sasabihin dito na hindi ko na dapat ipagpatuloy itong ginagawa namin? Sapagkat hindi lamang iyon nakakaapekto sa buhay naming dalawa kundi natatakot ako na baka masanay ako at lalo akong maghangad na sana ganitong buhay niya ang natatamasa ko.

Isa pa masyadong delikado para sa akin ang gawin ang ganito. Paano kung malaman nila ang totoo?

"Paano ang trabaho ko? Hindi naman pwedeng hindi na ako papasok. So ano 'yun mabubura na lang bigla si Briel? Please lang ate makinig ka naman sa akin." Napakagat ito sa hinlalaking daliri nito na wari ba'y nag-iisip.

Sana nga mapagtanto nito kung ano talaga ang tamang gawin.

"Isa pa ayaw ko na rin bumalik. Nakakainis ang mga tao roon sa eskwelahan niyo ang yayabang. Oo sanay ako sa yabang ng mga kaklase ko noon dahil natural sa mga lalaki ang ganoon pero 'yung magpanggap akong babae at haharapin ko ang ganoong yabang naku ate hindi ko matagalan!" Kumunot ang noo nito na  isa lang ang dahilan hindi nito maunawaan ang sinasabi ko.

"Sinong lalaki iyan?"

Agad na sumagi sa isip ko ang mukha ng damuhong lalaking iyon na para bang nangangantiyaw, pati na rin ang sinabi nito bago ko ito layasan.

He will chase me around daw. Ano 'yun aso lang ang peg? Tapos ipipilit talaga ang sarili sa akin?

Kahit na sinabi kong layuan ako aba'y makapal ang mukhang ipilit ang sarili.

"Rohws daw ang pangalan niya—"

"What! As in si Rohws Taylor? Hindi naman siguro pwedeng ibang Rowhs ang tinutukoy mo dahil nag-iisa lang siya sa school. 'Yung lalaking iyong ang tunay na dream guy ng halos lahat ng babae sa school. Matalino, gwapo, talented at syempre mayaman. Pero hindi ito palaimik at laging nakikitang mag-isa. May kakambal rin ito pero as usual magkaiba ang kanilang ugali. Kung napakaseryoso ni Rohws si Erron naman ang happy go lucky. Parang tayo lang dalawa. Kaya bagay kayo ni Rohws—"

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon