72

101 2 0
                                    

Briel's POV

Napaungol ako at naramdaman ko ang pakiramdam na tila hindi ako makahinga dahil sa bigat ng nakadagan sa akin.


Dagdag pa roon ay ramdam ko rin ang sakit sa buo kong katawan at para bang hindi ako komportable sa aking pagkakahiga.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa kaya napahawak ako sa bagay na nakadagan sa akin at nagulat ako nang maramdaman ko ang mainit na balat na dumantay sa aking palad.

Agad-agad na napamulat ako ng mga mata at hindi ko inaasahan na makikita ko sa malapitan ang mukha ng isang tao na hindi ko akalain na makikita ko pa pala ulit.

Damn! 

What the hell!

Sumagap ako ng hangin habang patuloy sa pagbitaw ng mga masasamang salita ang aking isip.

Sinubukan kong makalayo sa katawan ng binata pero natigilan ako nang makita ko ang sitwasyon ng katawan naming dalawa.

Halos nakadantay na kasi ang buong katawan nito sa aking katawan kaya hindi ako makagalaw o makawala sa pagkakayakap nito, dagdag pa roon ay ramdam ko rin na pareho kaming hubad kung kaya't napatakip ako ng palad sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala na nasa ganito kaming ayos.

Sisigaw pa sana ako pero buti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko naman na magising ko ang binata.

Mas malala na ang mangyayari kung magising ko ito sapagkat alam ko sa sarili ko na naduduwag ako ngayon. 

Sh*t!

Para akong tanga dahil agad kong naramdaman ang pamumula ng aking pisnge. 

I wanted to punch his face! At sa totoo lang ay ang sarap kalmutin ng mukha nito. 

Pero umurong lang din ang tapang ko nang makita ko sa malapitan ang mukha ng payapang natutulog na lalaki.

Lumunok ako nang mapatingin ako sa nakaawang na labi ni Rohws. Kita kasi roon ang pamamaga. Samantalang ramdam ko rin na tila nangangapal din ang mga labi ko kung kaya't kumuyom ang aking kanang kamay dahil sa inis at nagbilang ako hanggang tatlo sa loob ng isip ko upang pakalmahin ang sarili ko.

Nagpupuyos ako sa galit at ramdam ko sa loob ko ang labis na kagustuhan kong masisigaw o hindi kaya ay magtanong ng mga tanong na kanina pa ginagambala ang isip ko. 

Gusto ko ring manampal kasabay ng pagwawala sapagkat hindi ko matanggap na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon.

Ngunit paano ko nga ba gagawin iyon? Kung una pa lamang ay naduduwag na ako?

Kahit kailan hindi ko naisip na balang araw ay magigising na lamang ako sa tabi ni Rohws na masakit ang buong katawan, nakahubad at nagsisisi

Ni hindi ko pa nga sana gustong harapin ang binata o kausapin man lang ng harap-harapan.

Kaya nga tinakasan ko ito sa hacienda hindi ba? 

Pero bakit nandito na naman siya?

Bakit kasama ko na naman siya?

At bakit ngayon pa niya malalaman ang lahat? Bakit ngayon pa kung kailan desidido na akong itago ang buo kong pagkatao mula rito?

Paano ko nga ba haharapin ang mga nang-aakusa nitong mga mata kasama na ang mga tanong nito?

Alam ba ng binata na ako si Briel? Pero sa pagkakaalala ko ay paulit-ulit nitong sinigaw ang pangalan ko.  

Ngunit ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit parang hindi man lang ito nagulat nang malaman nitong babae talaga ako? Para bang ineexpect nito na 'yun talaga ang makikita nito.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon