Briel POV
FLASHBACK
"Anak, maging buo ang iyong loob. Tandaan mo, ikaw lamang ang lalaki sa pamilya natin. Ikaw lamang ang magproprotekta sa iyong kapatid. Ikaw lamang ang inaasahan ko na magpapatuloy sa nasimulan ko. Ipangako mo lamang na huwag na huwag mong hahayaan na masira ang lahat ng pinaghirapan natin. Huwag na huwag mong ilalagay ang sarili mo o ang iyong kapatid sa isang sitwasyon na ikakapahamak niyo."
Noong una hindi ko maunawaan ang gustong ipahiwatig ng aking ina sa mga panahong iyon.
Ang gusto ko lamang ay ang makita itong ngumingiti sa oras na nakakagawa ako ng mga bagay na gustong-gusto nito.
Tulad ng mga panahon kapag napapangiti ko ang aking lolo o hindi kaya ay kapag nagagawa ko ng tama ang mga inuutos nito sa akin.
Pero andon sa loob ko ang kagustuhan na sana magawa ko rin ang mga bagay nagagawa ng kapatid ko.
'Yung hindi ko na kailangan magtago sa isang katauhan na hindi naman talaga ako.
Minsan natatanong ko rin sarili ko kung bakit kailangan ko maglaro at umaktong lalaki kung ang gusto ko naman talaga ay maging tulad ng kakambal ko.
"Patay na ang bunso kong kapatid papa! Kaya natural lang na sa akin mo ipamana ang kompaniya lalo na't ako ang mag-aalaga sa mga pamangkin ko! Sa tingin mo ba makakaya nilang magpalakad ng kompaniya gayong mga bata pa sila?" Napatunganga ako sa sinabi ng tito ko, habang pilit kong sinisiksik ang aking katawan sa isang tagong gilid upang hindi nila ako makita.
"Bakit nagmamadali ka? Kakalibing pa lang ng kapatid mo at ngayon mana na naman ang gusto mong pag-usapan? Nag-iisip ka ba?"
Rinig ko ang galit sa boses ng aking lolo at basta na lamang ito naglakad papalapit sa kinanalagyan ko ngunit hindi pa rin ako nito napapansin kaya ang ginawa ko ay mas lalo kong ikinubli ang aking sarili.
"Pwede ba papa huwag na tayo maglokohan! Hindi ba't dati iniisip mong hindi mo anak ang bunso kong kapatid? Kaya bakit ngayon ay nagkakaroon ka na ng pake? Kung titingnan ay bastarda naman ang babaeng iyon! Ginastusan mo pa ang libing! Pati 'yang mga bastarda niyang anak ay ano pa ba ang karapatan nila sa pamilyang ito? Hindi mo ba naiisip papa! Ako lang dapat ang tumimasa ng lahat ng ito! Dahil ako lang ang tunay na tagapagmana—"
"Tumahimik ka!" Sigaw ng aking lolo at napahampas ito ng malakas sa lamesang kinalalagyan ko na kinagulat ko pero tinakpan ko ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay.
"Ikaw ang tumahimik at makinig papa! Pinatahimik ko ang bastarda na iyon. Ngayon wala na tayong problema! Namatay na ang babaeng kaagaw natin sa mana na iniwan ni mama! Ako na nga ang gumawa ng aksyon ay ako pa itong papagalitan mo!" Tila matutumba ang lolo ko sa narinig habang ako ay hindi nauunawaan ang mga nagaganap.
Bakit sinasabi ni tito na hindi kami parte ng pamilya?
Bakit tuwang-tuwa pa ito na nawala si mama? Wala namang ginawa sa kaniya si mama hindi ba?
Sa katunayan si mama pa nga ang naglilimos ng pagmamahal kay lolo. At kinailangan ko pang magpanggap na lalaki, mabigyan lamang ako kahit kaonting atensyon ni lolo.
"A-Anong sabi mo? I-Ikaw ang pumatay sa kapatid mo? Ikaw ang pumatay sa ina ng mga pamangkin mo!" Napasinghap ako nang mahina na siyang ikinaharap ng lolo ko sa kinalalagyan ko at roon, nagtama ang aming mga mata. Nakita ko kung paano bumakas ang gulat sa mga mata nito kasabay ng isang emosyon na hindi ko pa mapangalanan.
Ngunit tila ba naunawaan iyon ng puso ko sapagkat kusang dumaloy ang luha mula sa aking mga mata.
Pinatay nila ang mama ko...
Hindi nila kami tinuring na pamilya.
Hindi nila tinuring na parte ng pamilya ang aking ina.
Tapos nagawa nilang patayin ito at agawin siya sa amin.
Gusto kong sumigaw pero ang mga mata ng aking lolo ay tila ba nangungusap at nagmamakaawa na huwag akong maingay, na huwag ako magpapahuli.
At dahil sa takot at sumunod ako rito. Kahit na napupuno ng puot ang puso ko para sa kanila ng tito ko.
"Bakit mo nagawa iyon sa kapatid mo—"
"Hindi ko siya kapatid papa! Ikaw na mismo ang nagsabi na malaki ang posibilidad na hindi mo siya anak! Kaya nga hindi mo magawang mahalin siya hindi ba? Kahit ang mga anak niya ay hindi mo tinuring na apo pero anon ang pinagbago no'n sa ngayon? Dapat magpasalamat ka pa dahil nagawa ko ang bagay na matagal mo na ring gustong gawin. Ang burahin sa mundo 'yung bastardang anak ni mama sa kalaguyo niya!" Napamaang ako, hindi ako tanga para hindi maunawaan ang sinasabi nito.
Nauunawaan ko na talagang galit ito kay mama pero bakit kailangan na magsabi ito ng masama sa nanay ko? Bakit kailangan niyang manakit at pumatay?
Kaya pala, kahit anong gawin ng mama ko ay lagi na lamang siyang tinuturing na iba ng sarili niyang pamilya. Kaya pala pinipilit ako ng mama ko na maging ganito para lamang mabigyan siya ng kaonting atensyon.
Pero anong karapatan nila saktan ako o ang mama ko? Anong karapatan nila gawin iyon kung wala naman kaming ginawa kundi ang maglimos lang ng pagmamahal! Gano'n na ba kasama ngayon ang umasang matanggap ka ng pamilyang kinalakihan mo? Gano'n na ba kasama ang umasa na mahalin ka ng mga taong inaasahan mong gagawin iyon?
Ni hindi man lang nalaman ng mama ko ang totoo. Na matagal na itong niloloko ng pamilyang tinuring nitong sa kaniya. Pamilyang hindi naman pala talaga kami kabilang.
Mama ko 'yun e'...
Wala namang ginawang masama ang mama ko bagkus naglimos lamang ito ng pagmamahal at pagtanggap.
Kung hindi talaga kami parte ng pamilya bakit kailangan pa nila manakit?
Bakit kailangan pang ilayo sa amin ang mama namin?
Sino na ang makakasama namin? Sino na ang mag-aalaga sa amin?
Kung titingnan ay gusto lang naman ni mama ay makasama kami ng kakambal ko pero dahil sa kanila nawala na ang lahat ng iyon!
Napupuno ng puot na tinitigan ko sa mga mata ang aking lolo na ngayon ay may nakabakas na pagsisisi sa mga mata.
Napaiwas ito ng tingin sa akin at nahuli ko pa kung paano lumandas ang luha nito.
"Wala ka pa ring karapatan na manakit! O pumaslang! Paano na ang mga pamangkin mo? Sino ang mag-aalaga sa kanila? Ina ang inilayo mo sa kanila! Ina na dapat nag-aaruga sa kanila ngayon! Isang ina na dapat nagagawa pa rin nilang yakapin sa ngayon..." Nanghihina si lolo at napasandal na ito sa lamesang kinanalagyan ko.
Bakit gano'n? Pagkatapos ng ginawa niya kay mama ay ngayon niya pa maiisip ang lahat ng iyon?
Mababawi pa rin ba nila ang lahat ng inagaw nila kay mama?
Mabubuhay ba ng mga salita nila ang mama ko?
Saan ako ngayon magsisimula? Paano ako babawi?
Paano ko sasabihin sa kapatid ko ang tungkol dito? Ano ang gagawin ko?
"Ibibigay ko sila sa ama nila. Total nama e' doon sila nararapat. Hindi ko na problema ang tungkol sa mga batang iyan. Total hindi ko naman sila tunay na pamangkin." Napanganga ako sa aking narinig.
P-Paanong may papa pa ako? Akala ko ba wala na akong papa?
Bakit ang dami nilang lihim na hindi ko alam? Paano nila natatago ang lahat ng ito?
Bakit lahat ng meron ako ay hindi totoo?
BINABASA MO ANG
Secrets Are Hidden (COMPLETE)
Romance"Hindi ko akalain na mas magiging mababa ka pa Because You even accept the offer of someone to paint you naked? At Nakakatawa ka naman nagawa mo pang magpakipot sakin noon pero ngayon matanong kita ano bang klaseng babae ang sinamba ko noon? A por...