36

203 4 0
                                    

Rohws POV

Flashback

.

.

.

.



Hindi niya alam kung bakit pero kusang kumuyom ang kaniyang mga kamay.

At parang gustong sumabog ng dibdib niya sa labis na sakit.

Bakit tila nagpapaalam ang mga halik nito? Bakit parang ito na ang huli?

Ang malambot nitong labi ay tila dinuduyan siya patungo sa paraiso. Kaya ang kaninang mapagparusang halik ay napalitan ng mas maingat.

Masuyo ang bawat hagod no'n na para bang nangungusap ang mga iyon at tila ba iyon na lamang ang paraan upang mailabas nila ang parehong damdamin na nararamdaman nila para sa isa't isa.

Nang maghiwalay sandali ang kanilang mga labi ay napatitig siya muli sa mukha nito.

Bakit?

Bakit mo pinaparamdam sa akin ang ganitong emosyon kung balak mo rin akong iwan?

Biglang naramdaman niya ang paglandas ng luha mula sa kaniyang mga mata.

Ang luhang iyon ay para lamang sa babaeng mahal na mahal niya.

Ipinagdikit niya ang kanilang mga noo at muling pumikit.

"Pag muli tayong magkita alam kong hindi mo na ako makikilala Rohws, at sa oras na dumating ang panahon na iyon ay malalaman mo rin ang dahilan ko. Pwede mo sabihing mahal mo ako pero hindi mo rin ako matatawad oras na malaman mong hindi kita pwedeng mahalin. Hindi ikaw ang dapat kong mahalin at hindi ako ang dapat mong mahalin. I am not worth it dahil tama ka... hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung sino ako at kung anong katauhan ang meron sa loob ko. Hindi mo rin alam kung ano pa ang tinatago ko. At hindi natin alam na baka pagdating ng araw na iyon at malaman mo kung sino talaga ako...ay mag-iiba na ang lahat."

Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito pero isa lang ang alam niya, iyon ang katotohanan na nagpapaalam ito.

"Then fucking tell me who you are Zey. Sabihin mo sa akin at nang malaman ko kung saan ako lulugar—"

"Pagsinabi ko ba ay mamahalin mo pa rin ako? Pagsinabi ko ba ay matitingnan mo pa rin ako ng deretso sa mga mata? Alin man roon ay hindi na mahalaga! Dahil hindi tayo pwede Rohws! Hindi kita pwedeng mahalin—"

"Tapos 'yung matandang iyon ay pwede kang mahalin at pakasalan? Dahil ba may pera siya? Tang'na! May pera rin ako Zey! Kaya kitang bilhan ng mga gusto mo! At kaya—"

"Kaya mo akong bilhin 'yun ba ang gusto mong sabihin?" Napatanga siya sa dalaga habang ito naman ay napailing at tinulak siya palayo.

"Kaya mo ngang bilhin ang lahat ng bagay, pero hindi mo kayang bilhin ang lihim ko Rohws! Hindi mo kayang bilhin ang pagkatao ko! Maaring mahal mo ang nakikita mo ngayon pero paano ang nasa loob ko magagawa mo bang mahalin?" Hindi siya nakasagot rito dahil hindi niya rin alam ang isasagot roon.

Ano ba ang pinagsasabi nito?

May dapat ba siyang malaman?

"Walang kasiguraduhan ang pagmamahal na sinasabi mo Rohws, dahil kung mahal mo ako. Makikilala mo kung sino talaga ako." Dumiin ang kaniyang hawak sa braso nito na kinaigik nito.

"Bakit kilala ka ba ng papakasalan mo? Alam ba niya na pera ang habol mo sa kaniya—" hindi na siya nito pinatapos magsalita nang bigla na lamang siyang sinampal nito.

"Oo alam niya! At wala siyang pakealam kung pera ang habol ko sa kaniya dahil hindi sarado ang isip niya. He loves me at gano'n rin ako sa kaniya. N-Ngayon masaya ka na ba—" hindi na niya ito pinatapos magsalita dahil hinila niya muli ang braso nito at inilapit ang katawan nito sa katawan niya bago muli sanang susunggaban ng halik ang labi nito pero ang hindi niya inaasahan ay ang muling pagsampal nito sa kaniyang mukha at ang pagtulak nito sa kaniya.

Namamanghang napatingin siya sa kaniyang mga palad at napatawa ng malakas kasabay rin no'n ay naramdaman niya ang panlalabo ng kaniyang mga mata.

Damn!

"Ito na ang huli Rohws! Ito na ang huling pagkakataon na mahahawakan mo pa ako."

He gives her his unreadable look. “Hahawakan kita sa ayaw at sa gusto mo. Dahil namarkahan na kita! So be smart and stop making stupid moves.”

More tears continue falling down her cheeks as she watch his stupid tall frame.

Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang bigla nitong pagtalikod at pagtakbo palayo.

Ni hindi na ito lumingon sa kaniyang gawi.

Tiim bagang na napamura siya bago sinabunutan ang kaniyang sariling buhok.

Sige lang tumakbo ka lang Zey

Pero hindi magtatagal ay babawiin kita dahil namarkahan na kita Zey.

PRESENT

Napatingin siya sa isang hubad na painting na nakadikit sa pader ng kaniyang kwarto.

Iyon ang hubad na katawan ni Zey na hindi niya binigay sa taong bumibili no'n bagkus nagpinta siya ng ibang babae at iyon ang binigay niya. Hindi niya kasi kayang isipin na makikita ng iba ang katawan ng babaeng pag-aari niya.

Sisiguraduhin niya na ang dalaga ay mananatiling sa kaniya.

Ilang ulit na itong tumakbo at nagtago pero alam niyang siya at siya pa rin ang magiging wakas nito.

Ang isang Zey ay para lamang sa isang Rohws.

He will make sure na mahahanap niya at kung kailangan bali-baliktarin niya ang impyerno ay gagawin niya.

'Galingan mo lang magtago Zey, dahil iyan na ang huling pagkakataon na ika'y makakapagtago sa akin. Iyan na rin ang huling pagkakataon na ikaw ay makakatakas pa sa akin. Kung kailangan kitang itali at kung kailangan kong maging magkasalan at gumawa ng desperadong paraan ay gagawin ko. Aangkinin kita ng paulit-ulit hanggang sa maisiksik mo sa puso mo na ako lang ang pwede mong mahalin. Minsan ka nang naagaw sa akin. Minsan ka nang nagtago at nagsinungaling. Kaya siguraduhin mo lang na kayanin mo ang parusa ko Zey. Dahil kung hindi mo kaya ay mas dapat mong galingan sa pagtago.'

Hindi na ako makapaghintay na makita ka Zey.

Hindi rin ako makapaghintay na ipakita sa'yo ang resulta ng mga ginawa mo sa akin.

Dahil sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang makakatikim sa parusa ng halimaw na ikaw mismo ang lumikha.

You made me like this Zey, kaya sana'y kayanin mo.

Because you would be mine forever Zey.

Akin ka lang!

If I need to f*ck your brains out para lang maunawaan mo ang posisyon mo sa buhay ko ay gagawin ko.

You can hide Zey, but not forever.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon