66

125 3 0
                                    

Briel's POV

"You look uncomfortable, may problema ba?" Walang emosyong sambit nito at wala akong maisagot na kahit ano kaya tumikhim na lamang ako at pinilit na pakalmahin ang sarili ko dahil alangan naman sabihin ko rito na kaya ako hindi komportable ay dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang labis na kabasaan sa kasélanan ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala at nagtataka pa rin ako kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman ko.


Ni hindi ko rin maipaliwanag dito na nasa mahirap na sitwasyon ako ngayon dahil napakasensitibo ng katawan ko. 

Kahit nga ang kaisipan na nasa harap ko si Rohws ay nagiging rason lamang upang bumalik sa isip ko ang lahat ng ala-ala tungkol sa ginawa nito sa akin kagabi.

And damn it. Hindi niya maalala ang tungkol sa mga bagay na iyon.

Samantalang ang isip ko naman ay punong-puno ng makamunduhang imahe na sanhi at kagagawan nito.

"Nothing, at tungkol sa tanong mo hindi ba't dapat ay tanongin mo ang sarili mo?" Supladang sagot ko at pasimpleng umupo ako ulit sa gilid ng kama upang pakalmahin ang sarili ko at upang hindi ako mailang.

"Ni wala nga ako maalala hindi ba? Paggising ko nandito na ako sa loob ng kwarto mo at katabi kitang natulog sa kama. Papaanong nakarating ako dito? At ano ba ang nangyari?" Napalunok ako at iniwas ko ang aking mga mata mula rito mas tinuon ko na lamang ang aking paningin sa nakabukas na bintana kung saan kita roon ang maliwanag na tanawin at ang kagandahan ng sinag ng araw.

"Lasing ka kagabi at bigla na lamang pagbalik ko rito sa kwarto ay nakahiga ka na sa kama ko. Pinilit kitang pabalikin sa kwarto mo pero ayaw mong magpatinag. Kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan ka na lamang makitulog rito." Ewan ko kung naging maayos ba ang dahilan ko. Pero sa tingin ko 'yun lamang ang mas maganda at mas kapani-paniwalang dahilan na maaari kong maisip sa ngayon.

Hindi ko rin kasi masabi kay Rohws na hindi ko napansin na andito pala siya sa loob no'ng pagpasok ko sa kwarto at agad na lamang niya akong sinunggaban ng halik ngunit sa huli nakatulog din ito dahil sa sobrang kalasingan.

Inakala pa nitong ako ang kapatid ko at mas lumalim pa ang mga bagay na ginawa nito sa akin. 

Ngumiti ako ng mapait at hinarap ko ang mga mata ni Rohws na ngayon ay mapanuring pinagmamasdan ang aking mukha upang tingnan kung nagsisinungaling ba ako.

"Ako ba ang dahilan kung bakit nakatali rin ang mga paa mo kanina?" Muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan ko nang marinig ko ang mga sinabi nito. 

Bakit nakalimutan ko ang maliit na detalyeng iyon?

Siya ba ang nagtanggal ng pagkakatali ng mga paa ko?

Talaga bang wala itong naaalala? Paano kung meron na itong naaalala at gusto lamang nito ng pruweba?

Pero kung naaalala nito ang lahat ay hindi ba't dapat ay sinusumbatan na niya ako ngayon dahil na rin sa kaalaman na nagawa kong magsinungaling sa kaniya tungkol sa aking kasarian?

Hindi ba't dapat nalilito ito at ipinipilit nitong ako si Zey? Pero hindi e' kaya baka talagang nakalimot ito. 

At ang dapat ko lang gawin ay ang itanggi ang lahat ng posibleng tanong nito na siyang magiging rason para mabuking ako.

"H-hindi ko alam, kasi nakatulog ako kagabi. Baka nga nagising ka at tinali mo ang mga paa ko at baka nagkabuhol-buhol lamang ang mga kumot sa aking paa kaya nagmukhang nakatali." Kumunot ang noo nito at para bang pinipilit nitong tingnan at tanggapin ang aking naging paliwanag.

Secrets Are Hidden (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon