Chapter 11

1.1K 24 1
                                        

preskong hangin ang bumungad saakin sa garden. garden pa rin ito ng mansion, puno ng mga pulang rosas

lumabas muna ako para magpahangin. hindi pa rin kasi nakabalik si hades, kasalukuyang nag-uusap pa ata ni ma'am

bigla ko rin tuloy naalala, rosas din ang paboritong bulaklak ni nanay kaya palang rosas ang nakadisplay sa maliit na vase namin noon

iyun din ang binibigay ni papa kay mama. ang sweet nila noon. sana makahanap rin ako na gaya ni tatay. mabait, mapagmahal, may respeto sa mga babae, at higit sa pahat ay napakasipag. gagawin ang lahat, makaahon lang kami sa hirap

bugbog sarado man ako kay papa ay naiintindihan ko pa rin kung bakit siya nagkaganun. mahal na mahal nya rin ako dahil ako lang daw ang nag-iisang prinsesa nito

pinikit ko ang mga mata ko, tanging huni ng ibon  ang maririnig mo. nakasilong ako sa malaking puno malapit sa garden

payapa ang paligid, buhay na pinapangarap ko kasama ang buong pamilya. nanatili akong nakapikit at hinayaan ang buhok kong inaalon ng hangin

"ayaw ko sanang istorbohin ka binibini, pero pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?" wika ng kung sino. minulat ko ang mata ko at pinagmasdan ang lalaking nasa gilid ko

paano siya nakapasok sa mansion? bisita kaya siya?

"oo, ako pala si corielyn. isa sa mga nagtatrabaho sa mansion" nakangiteng ani ko. base sa porma nito, mukhang mayaman dahil sa kumikinang na mga alahas nito

"ikagagalak kong makilala ka, binibining corielyn. ako nga pala si leviano raze ohio" pakilala nito. teka, ohio? kaano-ano niya si hades?

"isa ka ba sa mga maid dito, binibini?" tanong nito. mahina akong umiling

"babysitter..... babysitter ni hades" sagot ko

"hades? hades ohio?"

tumango ako, maya-maya papasok na ako baka nakabalik na si hades. suplado pa naman yun

"kailangan pa pala nya ng babysitter? eh malaki na yun" tawang tawa nitong ani. kaano-ano nya kaya si hades?

"matanong ko lang, kaano-ano mo po si hades?"  tanong ko

"pinsan" maikling sagot nito. magpinsan sila?

"my father and his father are siblings" dagdag nito. nagtagal pa kami ng ilang minuto, nag-uusap lang ng mga ginawa nitong kalokohan nung bata pa siya

"babaero iyang pinsan ko, nagbago lang ng makilala si garlea"

napatingin ako kay leviano ng sabihin nya iyun. bigla ring sumikip ang dibdib ko, garlea? hindi kaya iyun ang kasintahan ni hades?

"patay na patay si hades dun. sila ata ang nakilala kong may best lovestory. nakakalungkot lang ay nawala si garlea dahil sa aksidente" paliwag nya. may biglang bumara ng lalamunan ko, umiwas ako ng tingin

"a-anong nangyari?" wika ko, pinilit kong hindi mautal

"nagmamaneho si hades kasama si garlea, galing sila sa bar. hindi naman lasing si garlea pero si hades ay medyo lasing. nakainom ng maliit, birthday kasi nung katropa nyang si leo tapos sinama si garlea. dadaan pa sila ng tulay bago makarating sa highway"

"ayaw ni garlea na si hades ang mag-drive pero umayaw rin si hades. gusto nya siya ang magahahatid kay garlea, walang choice si garlea kaya umuoo nalang"

"nung sa tulay na sila dadaan, biglang nahilo si hades at nung makabalik na siya sa sarili ay muntik na silang mabunggo ng truck. bigla nyang ginilid ang manubela at nawalan ng balanse kaya napunta sila sa gilid ng tulay"

"yun lang ang alam ko, tapos gumising nalang daw si hades sa hospital at walang garlea na nahanap. pinaniniwalaang nahulog si garlea sa tulay at nahulog sa ilog" mahabang kwento nito. malungkot rin ang mga mata nyang nakatingin sa mga rosas, siguro nasaktan rin siya

naalarma ako ng tumayo siya kaya tumayo rin ako, "mauna na ako, binibini. sa susunod muli" ani nito at umalis

pinagmasdan ko muna siyang lumayo, napabuntong-hininga ako at bumalik na rin sa loob. tinanong ko pa ang mga maid pero hindi pa rin bumabalik si hades

malapit na ring dumilim, nasan na kaya siya?

***

someone pov

"anak, let's talk-"

"for what, mom?" putol ni hades sa ina nito. hindi pa rin mawala ang galit ni hades sa ina nito

kasalukuyan siyang nasa office ng ama nito. gusto kasing makausap ng ina ang kanyang anak, gusto nyang bumalik sa dati ito

"i apologize for what i did, anak. babawi ako please, tatanggapin ko na siya" wika ng ina at hinawakan ang kamay ng anak. binawi ito ni hades at inis na pinagmasdan ang ina

para sa kanya, hindi na niya mapapatawad ang ina sa lahat. pagsalita ng mga masasamang salita sa babaeng mahal nito ang hindi nya tatanggapin

tatanggapin ulit? tanong ng binata sa sarili, wala na siya! dagdag nito

"bastos na kung bastos, mom but i will never forgive you"

sa pagkakataong ito, hindi na mapigilan ng ina ang mapaluha. pinagsisihan nya ang ginawa nya kay garlea, gusto nyang bumalik sa dati at itama ang ginawa nya.

pinagsalitaan ng masama ang dalaga at hindi ito tinanggap. pero hindi sya mawawalan ng pag-asa. tanging siya at ang babaeng pinagkatiwala nya kay hades ang sagot para mapatawad na ito

"anak" nanghihinang tawag nito sa anak. hindi ito pinansin ng binata at lumisan, hindi pinansin ang inang nakaluhod sa sahig

kasabay non ang pagpasok ng asawa nito. mabilis na niyakap ng asawa nito si claudia. mahirap pero kakayanin, bulong ni claudia sa sarili

"just be patient wife, your son will forgive you soon"

***

corie pov

nagising nalang ako sa katok ng pinto, napatingin ako sa oras. shit, 1am pa ng gabi. sino namang kakatok sa pinto? hindi kaya multo?

umakyat ang takot ko pero mas umibabaw ang curiousity ko. bumangon ako habang pinagmasdan ang pinto, bigla umibabaw ang takot ko ng kumatok ulit iyon

mahina akong naglakad patungo sa pinto. napabuntong-hininga ako at unti-unting binuksan ang pinto

napahinga ako ng maluwag ng makitang si hades ito. magulo ang buhok at amoy... alak?

"hades?! anong nangyari?" mahina akong napamura dahil bigla itong bumagsak sa balikat ko. napaupo tuloy ako habang nakadagan sa saakin

"hades!"

niyugyog ko yung balikat nito para gisingin. napahinto ako sa pagyugyog nito ng bigla itong humikbi. natahimik ako ng bigla itong nagsalita

"paano ba magpatawad?" tanong nito. bigla akong nanahimik at hinayaan siyang daganan ako kahit mabigat. feeling ko mapipisat ako ngayon

"hindi madaling magpatawad, hades" sagot ko. natahimik siya pero rinig ko parin ang mahihinang hikbi nito

"how about you? how do you forgive even when it still hurts"

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon