"Gusto, just let them think that we're in relationship or let's make it official?"
Bigla akong natahimik habang nakatitig sa kanya. Hindi ko siya mabasa, nanatili kaming nakatitig sa isa't isa. Tanging ang malakas na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko. Napabuga ako ng mainit na hininga, pilit na pinapakalma ang sarili kahit gusto ko ng tumalon sa tuwa o kilig.
"Baliw ka ba? Anong sasabihin ng iba? At tyaka hindi magandang biro ito, Hades." Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagngiti.
"Hindi ako nagbibiro." sagot niya, umiwas ako ng tingin at patagong ngumiti.
"Alam mo baka pagod ka lang kaya kung ano-ano na pinagsasabi mo." Tumayo ako at naglakad sa pintuan. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin.
"Do you like Levi better than me? What can he do that I can't?" Lumapit siya saakin. Natahimik ako hanggang sa makalapit siya saakin. Nakatitig ito sa labi ko. Napalunok ako ng sariling laway.
"P-paano kung oo? Mas gusto ko siya kaysa sayo, ano ang gagawin mo?"
Unti unti akong umatras at patuloy lang siya sa paglapit hanggang sa maramdaman ko ang pintuan sa likod ko. Napapikit din ako sa gulat dahil biglaang niya akong kinulong sa kaliwa niyang kamay.
"Are you saying you prefer him to be your boyfriend than me?"
"O-oo, anong gagawin mo?"
"Aagawin kita at hindi pa naman kayo." wika niya. Hindi ako makapaniwala, may tinatagong landi ang amo ko! Kinapa ko ang doorknob at nang makapa ko ito ay agad kong pinihit.
Kaagad akong lumabas at sinara. Patakbo akong naglakad patungo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Nag-init ang pisngi ko, a-aagawin?
Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang tawag saakin ni Hades. Lalo akong nangamba at tumakbo patungo sa pintuan. Sinara ko ito at ni-lock.
Napaupo ako at sumandal sa pintuan. Gusto niya kaming opisyal na magkasintahan? H-hindi niya ako gusto, bakit ko siya papayagan? Tiyak na masasaktan lang ako.
Napatalon ako sa gulat dahil sa mabibigat na katok sa pintong sinasandalan ko.
"I'm sorry, Almirah. Did I scare you? Please let's talk."
Napabuntong-hininga ako at tumayo. Inayos ko muna ang sarili ko. Lumapit ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Nang makitang maayos na ay binuksan ko ang pinto at ngumiti na parang walang nangyari.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko at lumunok dahil sa kanyang titig saakin. Hinayaan ko siyang pumasok sa kwarto ko. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ang isang pares ng underwear ko. Mabilis kong hinablot at patapon na nilagay sa basket.
Umupo siya sa higaan ko at tinapik ang kanyang hita.
"Huh?"
Tinapik niya ulit ito. Gusto niya akong paupuin sa kanyang hita, bakit ko siya susundin? Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya. Hindi ko pala siya kaya.
Hindi ako kumandong sa kanya bagkus ay nanatili akong nakatayo ng ilang metro. Tinapik niya ulit ito habang halata sa mukha niya ang pagkapikon.
"Bakit ba? Mag-uusap lang naman tayo diba?" inis na tanong ko. Ilang minuto kaming nagtitigan. Naalarma ako ng tumayo siya.
"Oh, a-anong gagawin mo?" utal na tanong ko. Nararamdaman ko ang susunod na gagawin ni Hades, delikado.
"You hard-headed woman..." Pagkasabi niya nito ay mabilis akong tumakbo patungo sa pintuan. Pero bago ko pa mapihit ang doorknob at lalabas sana nang naramdaman ko ang kanyang matigas na braso na pumalibot sa tiyan ko. Shit, na-stuck ako.
"AHH!" tili ko. Narinig ko ang mahina niyang halakhak. Nararamdaman ko ang kanyang mainit na hininga na kumikiliti saakin.
Hinila niya ako pabalik sa kama habang mahigpit akong niyayakap para hindi makawala. Pilit ko rin tinatanggal ang kanyang braso pero hindi ko magawa dahil mas malakas siya saakin. Patuloy lang din siya sa pagtawa.
Pinagsaklop niya ang dalawa kong malikot na kamay at dahil doon ay hindi ko na magawa ang pagtanggal ng braso niya. Sininsik niya ang ulo niya sa leeg ko.
Hindi na tuloy ako makagalaw ng maayos.
"Hades, ano ba..." wika ko at pekeng umiyak. Lalo lang siyang natuwa. Bago pa kami makarating sa kama ay bumukas ang pintuan at bumungad saamin si Sunny na hawak ang doorknob at susi. Kasama niya si Ma'am Claudia.
"Ops, pasensya sa abala. Tara na po Ma'am." nakangising wika ni Sunny at sinara ang pinto. Natahimik kaming dalawa pero hindi niya pa rin ako binibitawan.
"Hades, nakakahiya. Bitaw na nga, baka isipin nun na may something satin." wika ko pero hindi siya sumunod bagkus pinagpatuloy niya ang paghila saakin patungo sa kama. Napaupo siya kaya napaupo na rin ako habang nanatiling magkayakap.
"Ano bang mag-uusapan natin?" inis na tanong ko. Naiiyak ako sa inis at hiya.
"Baby, i'm sorry. I'm really tired. Pwede bang matulog dito katabi ka? Let's cuddle, please." wika niya saakin sa malambing na boses. Napakagat ako ng labi ko at tumango.
Binitawan niya ako at humiga. Humiga na rin ako at tinalikuran sa kanya. Hinayaan siyang yakapin ako at pumikit. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ko siyang pagbigyan.
Paniguradong hindi ako titigilan ni Sunny bukas. Nakakahiya kaya.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
