"Huwag ka sanang magugulat, hija pero wala na si Sunny. Kanina lang ng umaga, inatake sa puso at hindi na kinaya."
Natameme ako sa narinig, joke ba yun?
"P-Po?"
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Nanay Gloria at napaluha. "N-Nasaan po siya?" Dali-Dali akong umakyat at nagbihis.
"Love.." pagod akong tumingin kay Hades na nakatayo sa harap ng pintuan ko.
"Hades, huwag ngayon. Puntahan mo na ang mag-ina mo." walang lakas na sambit ko at mahina siyang tinulak dahil nakaharang siya sa daan. Bago pa ako makalabas ay hinila niya ako pabalik.
"Love, I won't marry her--"
"Pero kailangan!" nagulat siya sa biglaang sigaw ko. Napahikbi ako at pilit na kumawala.
"Y-Yung magulang mo mismo, hindi ka ba naaawa sa anak mo? Kailangan niya ng buong pamilya.." tila nanghina ako ng maibanggit ko ang pamilya.. Sana ako nalang.
"Wala na tayo, Hades. Tapos na tayo. Respituhin mo ang desisyon ko dahil pagod na ako. Kailangan ko ng lumugar. Maawa ka saakin, please dahil awang-awa na ako sa sarili ko."
Sinamantala ko ang pagkakataon at kumawala sakanya. Mabilis akong naglakad papalayo, nagkatinginan pa kami ni Garlea sa malayo pero umiwas na ako ng tingin at bumaba.
"Tara na po, Manang."
Sumakay kami ng itim na SUV, "Nag-away ba kayo ni Hades, hija?"
Umiwas ako ng tingin at hindi sumagot. Sa totoo lang, ang nararamdaman ko dati na hindi ko siya abot at hanggang dito lang sa baba ay bumalik. Siguro hanggang dito na lang kami.
Napaluhod ako, kitang-kita ko si Sunny. Malamig at walang buhay.
"Bumangon ka diyan, Bruha. Hindi mo pa binabayaran utang mo saakin."
++
"Who are you talking to?"
Napatalon ako sa gulat, paano napunta to dito? Akala ko hindi siya sumunod?
"Wala ka na don." inis na wika ko.
"Ahm, sige mauna na ako ha. Salamat talaga ng marami." nakangiting wika ko kay Lance dahil lumapit siya saakin. "Hot ng chupapi, boyfriend mo?" bulong niya saakin.
"Love.."
Narinig ko ang mahinang tili ni Lance na hindi matanggal ang titig kay Hades. "Shit, nakatitig saakin pero masama titig nga lang. Hot din ng voice, swerte mo naman."
"Tapos na tayo diba, Hades? Kaya ihinto mo na ang kakatawag mo saaking Love."
"Give me a valid reason then.."
Narinig ko ang tikhim ni Lance, "Mauna na ako.." sambit nito. Bago pa siya makaalis ay hinigit ko ang braso niya, "May mahal na akong iba. Magtatanan na kami." taas-noong wika ko. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Hades at Lance, "Pinagsasabi mo? Hoy, hindi kita itatanan." bulong na naman ni Lance, ingay!
Nakita ko ang madilim na tingin ni Hades sa saaming dalawa at sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa braso ni Lance.
"Stop it, Lo--"
"Daddy!" naputol ang sasabihin ni Hades. Napunta kina Garlea ang atensyon. Abot-langit ang ngiti ni Garlea ng makita si Hades pero nawala rin ng makita ako. Nagulat din siya ng makitang may hawak akong lalaki.
"Nagmamahalan kami, Hades." malamig na asik ko. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko. Naubos ko siguro sa sunod-sunod na pag-iyak ko.
"Aalis na ako sa mansion at titira sa bahay ng mahal ko."
"Daddy, let's go home. Me and Mommy missed you!"
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Garlea. Ang anak mo na naglaglag sayo? Sa tingin ni Garlea ay alam kong may natitira pang nararamdaman kay Hades. Bagay naman sila.
"Okay, then. I'll let you but when the time has come, babalik ka saakin." malamig na wika nito at hinawakan ang kamay ni Yuri at hinila papunta sa itim niyang kotse.
Nagkatinginan kami ni Garlea, mapait akong ngumiti at tumalikod. "Okay ka lang? Hindi kita itatanan ha, magagalit boyfie ko." Napatawa ako at sumagot, "Ginamit lang kita.."
"Bakit mo pinakawalan? Sayang.. Hatid na pala kita."
Pinasakay niya ako sa puti niyang kotse at pinaharurot iyun. Ngayon kami aalis ni Sunshine, wala akong choice. Hindi ko na kaya pang makita si Hades sa mga araw.
"Teka, mag-iimpake muna ako ha. Pumasok ka muna."
"No thanks, naiinsecure ako. Ang laki ng mansion, triple siguro ang yaman saakin." wika nito habang manghang-mangha sa malaking mansion.
Pumasok ako at dumiretsyo sa maid's room. "Aalis na tayo, Sunshine."
"Kaya kong buhayin sarili k--"
"Please huwag ngayon. May nag-alok saakin ng scholarship, aayaw ka pa ba? Tsaka tayong dalawa na lang naman, walang naiwan kahit isa."
Tumayo siya at mabilis na nag-impake. Umakyat ako at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang luggage at mabilis na nag-impake. Nakakahiya kay Lance ah.
Malungkot pinasok lahat ng gamit. Pati iyong frame na kasama kaming dalawa. Parehong nakatalikod at nakaharap sa sa dalampasigan.
Siguro binigay lang saakin bilang experience? Ganito pala ang magmahal.. ganito rin pala ka sakit. First love... siguro makakahanap ako ng isang katulad mo..
Sana sa susunod na buhay ko, sana ako naman. Kung pwede lang sana. Napayuko ako at pinahid ang sariling luha. Sa ngayon, pipiliin ko ang sarili ko.
Palagi na akong walang gana, hindi ako kumain kagabi at ngayong umaga. Napapansin kong pumapayat na ako sa iilang araw lang.
Pipiliin ko muna ang makabubuti saakin.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
