Chapter 6

1.4K 33 0
                                        

Nagsimula na silang kumuha ng kanin at maraming ulam sa lamesa. Hindi ko kilala ang mga putahe dahil mamahalin

Mukhang napansin ni Hades na ako nalang ang hindi kumuha ng pagkain kaya kumuha siya ng kanin at ulam. Nilagay niya ito sa plato ko, mahina akong nagpasalamat sa kanya at inayos ang dress

Nagsimula silang kumain at nagkukuwento. Hindi ko naman maintindihan dahil puro naman business at pag-aaral. Speaking of pag-aaral, medyo malapit na pala pasukan

"How about you, Corie?" tanong saakin ng Daddy ni Hades. Natigilan ako at tinignan sila na nag-iintay sa sagot ko

"Wala pa po akong plano. Mag-iisip pa po" nakayukong wika ko. Sa totoo lang, gusto ko talagang maging baker at magpatayo ng isang cake shop. Kaso nakakahiyang sabihin sa kanila, walang wala sa kinuhang curso ni Hades. Graduating sa college, heirs daw ng kompanya. Bibigyan naman ng mana si Charles. Malaki ito dahil mayaman sila at dalawa lang silang anak

Samantalang si Charles, magdodoktor ata. Napa-ohh naman si Señorito sa sagot ko

Nagsuggest pa siya kaya todo tango lang ako, si Hades tahimik. Sumasagot lang pag-tinatanong. Pareho sila ni Charles

Napapansin kong si Hades ay hindi close sa magulang niya. Habang si Charles ay close sa mommy, minsan ko kasi silang nadadatnang nagkakamustahan at naglalambingan sa sala

Sana all

Tumayo ako at nagpaalam na mag-restroom lang. Tatayo rin sana si Hades kaso bigla kong pinagilan

Pumasok ako sa Restroom ng mga babae at pumasok sa isa sa mga cubicle. Hindi rin ako nagtagal ay lumabas din ako at naghugas ng kamay

Umihi lang naman ako. Habang naghuhugas ako ay may biglang pumasok sa restroom. Si Señorita lang naman pala

Nginitian ako ni Ma'am at pumasok sa pangalawang cubicle. Ngumite ako pabalik syempre. Parang may gusto siyang sabihin perk nagdadalawang isip lang

Nauna akong lumabas kay Ma'am kasunod naman siya. Nadatnan ko si Charles at Hades sa table. Umalis ba si Señorito?

Umupo ako sa tabi ni Hades. Tahimik lang silang dalawa ni Charles. Hindi rin nagtagal ng dumating rin si Ma'am

"Where's my husband, Charles?" bungad na tanong ni Ma'am. Napatingin kami lahat ng Charles

"Umalis" simpleng sagot ni Charles. Tumango lang Ma'am na parang alam na ang sagot

Ilang minuto lang ng lumabas si Charles para mag-restroom. Naiwan kami ni Ma'am, Hades, at Ako

Tahimik lang kami, Si Hades sa nakayuko lang at si Ma'am na halatang gustong makipag-usap kay Hades

Hindi parin kami nagkibuan hanggang sa bumalik si Charles at nagpasyahang umuwi na dahil hindi na daw makakabalik si Señorito dahil sa trabaho

Napapansin kong hindi sila open ng magulang nito. Ano ba ang nangyati? Bakit feeling ko may something sa kanila noon

Si Hades hindi kasi kumikibo. Naalala ko tuloy yung magulang ko lalo na si mama na pinakaclose ko. Kaso wala na sila, pinatay nila si mama. Parang biglang nagflashback saakin yung oras na pagpaslang kay mama

Gusto kong maghigante, gustong gusto ko pero naalala ko ang sinabi ni mama na wag kang maghihiganti kahit gaano pa kalaki ang nagawang kasalanan dahil ang karma na ang bahala sa kanila

Ang unfair diba? Buhay ng tao yung kinuha tapos karma lang? Pero Diyos na ang bahala sa kanila. Nagbago ang isip ko na maghiganti, ang iisipin ko muna ngayon ay ang pag-aaral ko

"We're here"

Hininto ni Hades ang sasakyan. Lumabas ito at umikot, pinagbuksan nya ulit ako kaya mahina akong nagpasalamat

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon