Chapter 45

689 19 0
                                        

Tahimik kami sa byahe. Napatingin ako sa labas ng huminto ito. Kita ko ang dalampasigan at amoy ko rin ang alat ng dagat. Bumaba ito kaya bumaba rin ako.

Malamig ang hangin pero sapat na ang makapal na tela para hindi ako lamigin.

"When i was young, i used to come here when i miss someone or i want some peace." napatingin ako sa kanya. Madilim ang dalampasigan pero hindi sa kinatatayuan namin. May posteng nakatayo malapit dito.

"Bakit tayo nandito? May namimiss kaba o gusto  ng tahimik?" tanong ko habang pinagsiklop ang buhok para hindi liparin ng hangin.

"Gusto ko ng tahimik na lugar kasama ka." wika nito. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatitig saakin. Umiwas ako ng tingin.

"Ito ba ang tinatakbuhan mo pag may problema ka?" tanong ko at napatingin sa gawi niya. Lumapit siya saakin at tumabi. Nakasandal kami sa harap ng sasakyan niya habang nakatitig sa harap.

Tumango siya.

Sa may unahan ay may isang tulay. Bigla kong naalala ang tulay kung saan nahulog si Garlea. Hindi ko man alam kung nasaan iyun pero sa tuwing nakakakita ako ng tulay ay yun ang naiisip.

"Namimiss mo ba siya?" tanong ko. Biglang may bumara sa lalamunan ko.

"Maybe." sagot nito. Napayuko ako at nagtanong ulit.

"Mahal mo pa?"

Napatingin siya saakin at umiling. Napahinga ako ng maluwag.

"I already moved on. May iba na rin akong mahal."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. Hindi ko mapigilang umasa na sana ako iyun. Ilang oras kaming nakaupo roon bago napagpasyahang umuwi. Tahimik kami sa byahe, masaya ang araw na ito para saakin.

Isa ito sa mga alaalang hindi ko malilimutan sa buhay ko. Madaling araw kami nakauwi, ang tagal din namin sa lugar na iyun.

Humikab ako, "Matutulog na ako." paalam ko. Tumingin siya saakin at sinara ang main door. "Good night, Almirah."

Tumango ako, "Night."

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretsyo ako sa kama. Nakatulog din ako agad dahil sa pagod. Late akong nagising, nasarap ata tulog ko.

Lumabas ako at dumiretsyo ng kusina. Pumasok ako sa dirty kitchen at doon nag-almusal.

"Musta? Nagdate raw kayo." nakangising ani ni Sunny. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Masaya ba ang date?" dagdag niya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. "Mabuti hindi nauwi sa motel." Sinamaan ko siya ng tingin. Malakas itong humalakhak.

"Saan susunod na date?" tanong niya ulit. Anong date ba ang pinagsasabi nito? Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan.

"Hoy--"

"Manahimik ka nalang Sunny. Walang date na naganap." putol ko sa kanya.

"Wee? Alam na ng lahat no, kalat na kalat na. Ikaw ata susunod na magiging amo namin dito eh." nakangising wika nito. Kalat? Anong kalat?

"Sinagot mo na ba?" tanong ulit nito at lumapit saakin. Kinurot niya ang gilid ng bewang ko, "Kayo na? Ang gwapo ng manliligaw mo ha, ay baka boyfriend na."

Mahina kong siniko si Sunny at lumayo sa kanya.  "Anong... Ano bang pinagsasabi mo? Wala, hindi pa." inis na tugon ko.

"Hindi pa? Bakit hindi pa? Kailan mo sasagutin kung ganun?" Tinadtad niya ako ng tanong. Umirap ako, "Ewan ko.... Wag mo nga akong pakealaman. Bastedin ko yun eh!"

"Hoy hoy hoy.. basted basted ka jan. Marami palang nagkakarandapa diyan sa manliligaw mo. Halaka, baka maunahan ka."

Madaming nagkakarandapa? Ngumisi ako at tumugon, "Ayaw mo nun, yung lalaking kinakarandapa ng madaming kababaihan ay saakin kumakarandapa?"

Napatili ako ng kurutin niya ulit ang bewang ko. "Aba'y bahala ka, basta advice ko to sayo sagutin mo na baka maunahan ka. Minsan lang to mangyayari sa buhay mo." ani nito at tumalikod. Bigla akong napaisip, mauunahan kaya ba talaga ako? Pero paano pag... pag hindi niya talaga ako gusto tapos laro laro lang. Na.. natatakot ako.

Bumalik ako sa taas habang iniisip ang kanina. "Good morning." Gulat akong napatingin kay Hades dahil sa biglaang pagbati niya saakin.

"Morning.."

"Ang tagal mong gumising. Pasensya na pinagod kita ng masyado kahapon."

Tumango lang ako, "Wanna join me?" wika nito sabay tingin sa balkonahe. May dalawang upuan doon at table. May kape at tinapay.

"Nagkakape ka kahit sobrang init sa labas?" Kuryosong tanong ko. Bumalik ang tingin niya saakin at natatawang tumango.

"Hindi ba mainit?" Dagdag na tanong. Bakit kasi to nagkape eh tirik na tirik yung araw. Umupo ako sa tabi niya. Maganda ang view, kitang kita mo ang malawak na garden na puno ng pulang rosas.

Nakita ko pang dumaan si Sunny. Kumaway siya at kumindat. Inirapan ko lang siya.

"Coffee?" aya ni Hades saakin. Mabilis akong umiling. Naiinitan nga ako dito tapos papainumin pa ako ng kape. Mas masarap magpalamig.

"Do you wanna go somewhere?" basag niya sa katahimik. Wala akong maisip. "Bakit?" tanong ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi nito. Ang pula ng labi niya at parang malambot.

"Señorito! Kiss naman jan." sabay kaming napatingin kay Sunny sa baba. Napakagat na lang ako ng labi sa hiya. Mamaya saakin to.

Nag-action pa ang gaga, "Sige na, kiss. Sabi nila ang kiss ang healthy sa katawan. Kaya kailangan niyo mag kiss." sigaw ulit nito. Napahilamos ako ng mukha.

"Señorito, ang kiss ay parang vitamins, dapat daily. Kiss na ha, bibigyan ko kayo ng privacy. Babye!" paalam nito at kumaway. Feeling ko umakyat lahat ng init ko sa mukha. Tumingin ako kay Hades na ngayon ay nakatitig sa labi ko habang nakangisi.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon