Chapter 7

1.2K 30 0
                                        

Napatalon ako sa gulat ng hinampas niya ang table. Dahil kasi kay Charles, inubos pa naman ang gatas. Dalawang baso ng gatas tuloy nainom nya habang si Hades wala

Nung tinanong ko siya, deadma lang. Ayan tuloy galit na si Hades. Matalim nya akong tinignan, ngumiti lang ako at nag-iwas ng tingin

"I will not eat until there is still milk ready for my breakfast" mariing wika ni Hades. Napabuntong-hininga ako at lumabas

Bago ko pa mapihit ang doorknob ng pigilan niya ako

"Wait ... Where are you going?" Taas-kilay niya tanong

"Bibili ng gatas" maikling sagot ko. Umiling siya. Kailangan nyang kumain kaya bibili ako ng gatas, malipasan pa to ng gutom ako pa ang sisisihin niyan

"Nevermind" maikling ani nya at nagsimulang kumain. Akala ko ba hindi siya kakain hanggang wala pang gatas?

"Okay" mahinang sagot ko. Kakatapos ko lang kumain, sabay kami ni Sunny at Celia. Pareho kasi kaming tatlo late nagising

Napansin kong hindi kumain ng maayos si Hades. Sasusunod, may gatas na. Parang guilty tuloy ako, kasalanan ko naman talaga

Ang tanga-tanga ko kasi

"Hades, I'm sor-"

"No, It's.... Okay" putol niya sa sasabihin ko. Lalo tuloy akong naguilty, ang tanga ko naman kasi. Isa pa tong si Sunny, hindi man lang sinabi na naiwan yung gatas

"Maggro-grocery nalang ako. Ako nalang ang sasama kay Manang Gloria" saad ko, ngayon hapon daw maggro-grocery si Manang at naghahanap siya ng makakasama niya. May kasama naman siyang driver kaso kailangan nya ng kasama sa loob

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang panonood ng Netflix. Napabuntong-hininga ako, galit ba siya?

Lumabas na ako at pumunta sa maid's room. Naabutan ko si Celia na nagtutupi ng damit nya. Himihikbi siya habang nag-aayos ng damit at pinasok sa malaking bag

"C-Celia? Anong ginagawa mo?" pumunta ako sa kama nito na nasa ilalim at umupo. Double deck kasi ang higaan

"Tanggal ako sa trabaho, Corie. Pinataggal ako ni Charles, pinaniwalaan ba naman si Erica. Puro kasinungalinan at kalandian yun, may plano pang landiin si Charles pagkatapos landiin ang lahat ng bodyguard at driver ng mansion" wika nito. Pinahid nya ang luhang bumagsak sa pisngi nya

"Ano bang nangyari? Sino ba iyang si Erica?" naguguluhang tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang pangalan iyan

"Hindi mo siya kilala dahil wala naman siyang ambag sa mansion. Ito kasi ang nangyari, ako yung pinahatid ni Sunny sa breakfast ni Charles dahil may pinagawa sakanya si Manang. Tapos nung papunta ako sa silid ni Charles biglang dumaan si Erica at sinabing siya nalang ang maghahatid. Hindi pa ako nakasagot ng kinuha nya ang tray at mabilis na pumasok sa silid. Hinayaan ko lang siya at umalis na. Nagulat nalang ako ng ipatawag si Sunny ni Charles"

"At ipapatanggal daw si Sunny, naguluhan si Sunny at sinabing hindi siya ang naghatid ng pagkain dahil may pinagawa si Manang. Ako yung pinatawag, hindi ko expect na magsisinungaling si Erica na pinagsalitaan ko daw siya ng masama at siya daw ang pinahatid ng pagkain. Nakaupo pa sa tabi ni Charles at nagpapaawa. Si Charles kasi yung ayaw sa mga inaapi kaya ako pinatanggal. Nagulat si Sunny at nagalit kay Erica. Pero nanatili kaming tahimik, wala naman kaming magagawa. Isang hamak na maid lang ako" mahabang kwento nito. Bigla nalang kumulo ang dugo ko kay Erica

"Paano na ako? Paano na si Mama?" tanong niya sa sarili nito

"Hush, kakausapin ko si Hades tungkol dito. At pagsabihin iyang si Erica" wika ko. Wala kasi akong ibang pagsabihan. Kakapalan ko nalang ang mukha ko para kay Celia. Bata pa kasi ito at tanging inaasahan ng ina nito. 14 years old lang siya at tanging tumataguyod ng pamilya niya

"Wag na, hayaan muna. Si Erica nalang ang bantayan mo. Baka iba na naman ang malandi nyan, lalo yang aangat. Dapat ang mga taong mga ganyan hindi dapat umaangat" ani nito. Lalo akong nalungkot, syempre ma-mi-miss ko itong si Celia

Taga-probinsya kasi itong si Celia at dinala lang siya ni Manang para magtrabaho dahil may sakit ang ina. Patay na ang ama at walang kapatid. Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho ng mga maid dahil mahigit na singkwenta ang maid dito. May sampuang maid's room at isa roon ay kina Celia at Sunny kasama na rin si Sunshine

Sa isang kwarto ay may limang double deck

"Salamat, Corie. Aalis na ako bago ko pa patayin iyung si Erica" huling wika nya bago tumayo at nagpaalam

Sumunod ako sa kanya. Naging mabuting kaibigan saakin si Celia. Si Celia at Sunny lang ata ng kumakausap saakin

Napahinto si Celia ng makita si Charles na nakaabang sa pintuan

"Celia" tawag ni Charles at akmang lalapit sa direksyon namin ng humarap saakin

"Corie, mauna na ako ha. Magkita nalang tayo pag may oras ako. Tawagan ko nalang kayo ni Sunny" nakangiting wika ni Celia. Tinawag pa sya ni Charles pero hindi nya ito pinansin

Kahit nakangiti ito ay kitang kita ko yung sakit at pagod sa mata nya

"Paalam na. Mag-ingat ka dito" sabi nito at mabilis na naglakad. Tinawag ulit siya ni Charles at hinawakan sa braso pero mabilis syang tumakbo patungo sa labas

"May gusto si Charles kay Celia" nagulat ako ng biglang sumabat si Sunny.

"Sayang naman. May paepal kasi" inis na sabi nito at umalis. May wala pa ba akong nalalaman?

Kaya pala. Kitang kita ko sa mga ni Celia yung sakit habang si Charles ay kita kong gustong gusto niya kausapin si Celia

Biglang dumaan si Manang kaya tinawag ko ito

"Manang, may kasama ba kayo sa pag-grocery?" tanong ko. Natigilan ito at tumingin saakin

"Naghahanap pa ako ineng. Si Celia sana kaso..." Biglang lumungkoy ang mukha nito, "umalis na eh"

Naiintindihan ko naman si Manang dahil palagi ko silang nakikita na nag-uusap minsan sa mansion kaya malamang close sila

"Ahh Ako nalang po"

"Ha? Hindi ba magagalit si Señorito nyan?" Manang

"Hindi po. At saka nagpaalam naman po ako" sagot ko

"Oh sige. Maghanda ka na at ngayon tayo aalis. Maghihintay kami sa labas, doon sa sasakyan"

Tumango ako at bumalik ako sa silid ni Hades. Naabutan ko siyang nakahiga sa couch at nakatingin sa kisame. Kumakanta siya ng isa sa mga lullaby

Ng makita nya ako ay mabilis siyang umupo ng maayos at huminto sa pagkanta. Magaling pala itong kumanta, tinatago lang. Maganda kasi ang boses habang kinakanta ang isang lullaby

"Hades, aalis na kami. Maghahanda na ako" bungad ko sakanya. Tinignan nya ako at umiwas ng tingin

"Okay" mahinang sagot nito. Tumango ako at pinikit ang doorknob

"Take care, Corie" may binulong ito na hindi ko maintindihan

Tinignan ko siya, "Huh?" tanong ko. Hindi ko kasi narinig ang sinabi nya

"Nothing" sambit nya at pinagpatuloy ang pagkanta ng lullaby. Parang gusto ko pang magstay at makinig

Napatingin siya saakin at tinaasan ako ng kilay na parang tinatanong saakin na bakit pa ako nakatayo?

Napabalik ako sa sarili at mabilis na lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko ng sobrang lakas ng kabog nito

What's wrong with me?

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon