Chapter 18

965 23 0
                                        

Mabilis na huminto sina Sir sa paglalambingan. Lumayo ako at pumasok sa cr. Ang alam ko ay nag-uusap sila.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam. Baka hindi nya magustuhan. Yan ang nasa isip ko.

Bumuntong hininga ako bago lumabas. Gulat akong napatingin ng kalmang umupo si Hades. Hindi siya galit?

Malaki ang galit nya sa mama nya kaya baka hindi nya nagustuhan at magalit nalang.

"Ow, here you are. Halika dito, hija. Samahan mo kami"

Gulat akong napatingin kay Ma'am Claudia ng tawagin nya ako. Napunta tuloy ang atensyon nilang apat saakin. Malaki ang ngiti nya habang tinatawag ako. Sino ba naman ang hindi matutuwa diba?

Ako nga eh.

Umiling ako, kaya nga family lunch date diba? Pamilya lang.

"Corie, come on. Ikaw ang nagplano nila lahat. Without you, i don't think hindi ito mangyayari." dagdag nito.

"Ma'am--"

"No. Come here, you should come here"

Napabuntong-hininga ako at lumapit. Katabi ni Charles ang bakante kaya doon ako umupo. Bago pa ako makaupo ng may binulong si Hades kay Charles at tumayo.

Napahinga ako ng maluwag ng nagpalit lang pala ng upuan, akala ko aalis siya dahil hindi nya nagustuhan.

Magkatabi na kami dahil nagpalit sila. Nakangiti si Ma'am habang seryoso nakatitig si Sir kay Hades na parang inoobserbahan ito.

4 na putahe ng ulam lang ang nakahanda. Mas gusto ko kasi ng simple tapos sumang-ayon naman si Ma'am. Wala ring ibang tao dahil nirentahan nila ito.

Bigla akong nakaramdam ng takot ng makita ang kanin, kasama ko rin si Hades. Kahapon parang ayaw ko ng kumain ng makita ang kanin. Lagi kong naaalala ang oras na pinakain nya ako ng maraming pagkain.

Tuwing kakain ako ay naduduwag ako.

Sobra na ba ako kapayat para ipakain nya ng isang dosena? Napapikit ako ng lagyan nya ng kanin ang plato ko. Ngayon ay hindi marami ang nilagay nya pero na trauma talaga ako kaya hindi ako bumalik sa ospital.

"Hades--"

"I know. I won't put much again. I will not do it again"

Napahinga ako ng maluwag. Naguilty ata. Dapat lang.

Someone POV

"Anak, you should thank your babysitter. She's the one who planned this all" nakangiting wika ni Claudia.

"And of course I also thank you Corie" dagdag nito. Pilit na ngumiti si Corie dahil sa sinabi nito. Bakit ako? Hindi naman ako ang nag-effort? Tanong ni Corie sa isipan.

"Naku po, maliit na bagay" pilit ngiting wika ng dalaga. Napangiti naman ang amo, kung hindi dahil sayo sigurado akong aayaw ang aking anak sa lunch date na ito. Wika ng amo sa isip.

Nagsimula na silang kumain. Ang ina nito ay hindi mawala ang ngiti sa labi. Para sa kanya, ito ang pinakamasayang nangyari sa buhay nya at sana ulit ulitin nila ito.

Sa kabilang dako, napahinga ng maluwag si Corie dahil hindi karamihan ang inilagay na kanin at ulam ni Hades.

"Charles, I cooked this for you. It's your favorite right?" Wika ng ina nito. Napangiti naman ang asawa, kitang kita ng asawa ang kagustuhan ni Vien na mapatawad ng anak.

"Hon, I also cooked this for you. You should eat more"

"Hades, here eat more. Para mabilis kayong gumaling."

"Corielyn? Bakit yan lang ang kinain mo? May Kaldereta pa dito oh, wag kang mahiya" sunod sunod na wika ni Vien.

Tahimik lang ang dalawang binata pati na rin ng ama. Todo ngiti lang si Corielyn kapag kinakausap siya.

Hindi mawala ang ilang nito, bakit ba ako kasali? Paulit ulit na tanong ni Corielyn. Tahimik si Hades habang nakatitig sa ina.

Walang emosyong tinititigan ang ina, hindi ito napapansin ni Corie dahil nakatutok siya sa pagkain.

Kitang kita ni Claudia kung paano siya tratuhan ng anak pero ipinasawalang bahala na niya ito. Ang importante buo sila at nagtagumapay ang plano.

Ng matapos ay nagkwentuhan lang sila. Nakisali na rin si Corie at Charles. Tanging si Hades lang ang tahimik. Rinig na rinig ang halakhak nila kahit sa labas.

Nagkwekwentuhan sila sa mga nakakatawang experience nila sa buhay. Ito ang gusto ng ina, ang mapalapit sa mga anak.

Corie POV

Napangiti ako ng makitang masaya si Ma'am Claudia. Tahimik lang si Hades pero alam kong nakikinig ito.

Hindi lang ito ang gagawin namin. Marami pa, bukas na bukas ay magplaplano ulit kami ni Ma'am para sa susunod.

Mabait para saakin si Hades, malaki lang ata ang nagawang kasalanan ni Ma'am sa anak kaya hindi ito napatawad. Pero alam kong mapapatawad na nya ito lalo na nung isang araw na naglasing si Hades dahil sa ina.

Kaunting panahon nalang at baka ready na niyang mapatawad ang ina. Ang susunod na plano nila ay next week magaganap. Sana magtagumpay ulit kami.

Matagal bago kami umuwi, ang saya pala kausap ng pamilyang Ohio. Akala ko talaga na hindi sila namamansin dahil mayayaman sila.

Pero mali ako, masaya silang kausap. Parang bumalik ang oras na masaya kaming kumakain at nag-uusap nina mama at papa. Kumuha muna ako ng tissue at binigay kay Hades. May kaunting kalat siya sa mukha. May kamay naman siya kaya siya na ang magpunas.

Nagpasalamat muna si Ma'am bago pumasok sa kwarto nila. Nagpaalam ako at pumasok sa silid ni Hades.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon