"Are you the new babysitter?" Tanong nito. Lumunok muna ako bago sumagot. Matangkad ito,matangos ang ilong,may mahabang pilikmata, mapupulang labi, may abong mga mata, makapal na kilay, mabigat na presensya, matipuno,at umiigting ang panga.
"O-Opo Señorito," sagot ko at yumuko. Ilang segundo muna syang tumahimik.
"Come in,"
Tumalikod siya kaya sumunod ako. Inikot ko ng tingin ang kaubuang silid ng Señorito. Kaagad siyang umupo sa upuan sa study table.
May malaking flatscreen na tv, may isang pintuan na sa tingin ko ay cr, may walk in closest, king sized bed, library shelves, study table, at balcony. May mga magagandang paintings rin.
"Can you get me a glass of water?"
"Ok po," sagot ko at yumuko. Tumalikod na ako at pumunta sa kitchen. Mabuti nalang at medyo alam ko na pasikot sikot sa mansion.
Kaagad akong kumuha ng tubig at naglakad patungo sa silid ng Señorito. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Ito na po Señorito." yumuko ako at inilagay ang trey na may lamang basong tubig.
Ininom nya iyun at hindi ako tinapunan ng tingin. Pinagpatuloy nito ang pagbabasa. Naalala ko naman ang sinabi ni Sunshine.
Baka ngayon din ang huling araw ko. Wag naman po sana.
Naalarma ako ng tumayo si Señorito at dumiretso sa Cr. Ilang minuto pa ng narinig ko ang patak ng shower kaya lumabas muna ako at naghintay sa labas.
Ilang minuto ng tumahimik ang palagid. Napatalon ako sa gulat ng biglang buksan ni Señorito ang pintuan na naka topless lang. Nanlaki ang mata ko at umiwas.
"Why are you there?" Takang tanong nito.
"N-Nagsho-shower po kasi kayo" sagot ko at hindi parin tumitingin sakanya. Matalim nya akong tinignan.
"Follow me and just stay in my room,"
Inooberbahan niya ba ako? Sabi nung mga maid ay inooberbahan niya muna lahat ng babysitter niya. Need pa ba? I mean, malaki na siya. Hindi na baby.
Tumalikod na ito kaya sumunod ako. Sobrang bango ng silid ng Señorito, sarap amuyin. Bumalik ito sa study table at nagbasa ulit.
Habang ako ay nakatayo lang sa malapit sa pintuan. Unti unti niya akong tinignan at tinaasan ng kilay.
Umiwas ako ng tingin, inekis ang paa at nagkunyaring may pinag-aabalahan.
"Tatayo ka lang ba jan?" Napatayo ako ng maayos ng nagtagalog si Señorito. May inutos ba sya? Naku unang araw ko palang ay parang mapapaalis na ako. Aano pa ako dito? Sasayaw?
"Just sit in my bed and wait until I'm finish," si Señorito at binalik nya ang sarili sa pagbabasa.
Kaagad akong umupo sa malambot na kama. Nahiya ang pwet ko umupo dito. Ilang minuto akong nakaupo ng bigla siyang lumakad patungo saakin.
Napalunok ako ng bigla itong huminto sa harap ko.
"Do you want to eat with me?"
Napabilog ang mga mata ko. Matalim niya akong tinignan.
"K-Kayo nalang po... B-Busog rin po ako, kakakain ko lang ng brea-" napaos pa ako sa sagot ko. Samantalang seryoso lang siya
"Then feed me," seryosong wika ni Señorito. Wala akong nagawa at tumango nalang kahit naiilang ako. Wala ba siyang kamay? May dadating rin na pagkain kaya hindi ako nakapag-abala. Wala ba siyang kamay.
Tahimik lang ako habang sinusubuan siya. Andito kami sa Balcony. Hindi medyo mainit dahil kakaulan lang kanin, gosh napaka-awkward naman.
"Shrimp?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
