"May kailangan ka na naman?" tanong ko sa pangatlong pagkakataon. Gaya ng inaasahan, hindi siya sumagot.
"Tinatanong kita." malamig na wika ko. Imbis na sagutin ay lalo niyang binilisan ang takbo ng kotse. Mahigpit akong napakapit sa seatbelt. Nag-uunahang tumibok ang puso ko sa kaba.
"H-Hades! Bagalan mo!"
Sa pagkakataong iyun ay bumalik sa normal n takbo ang sasakyan. Papalayo ito sa syudad, hindi dito ang daan ng apartment ko.
"Ano bang kailangan mo saakin?! Sagutin mo ako kung ayaw mong...."
Tinaasan niya ako ng kilay at lumingon saakin. "Or else what?"
Palihim akong umirap, "Pipi ka ba? Bakit ayaw mong sumagot? At saan tayo pupunta? Uuwi na ako!"
"I have a business with someone." tugon nito habang busy sa pagmamaneho. Kung meron, bakit mo pa ako hinatid? Ha?
"Bakit mo pa ako sinama? Uuwi na ako. May naghihintay saakin sa bahay."
"I'll be quick, It's really important. Are you hungry?"
Umiling ako at nanatili ang titig sa harap. Kaka-text ko lang kay Sunshine na bumili na pang siya ng ulam kapag gutom na. Madilim na nang dumating kami.
"Do you want to come with me? I promise, I'll be quick." sambit niya. Kasalukuyan kaming nasa nasa harap ng isang building. Umiling ako bilang sagot.
"Sana inuwi mo nalang ako.." mahinang bulong ko noong nakapasok na siya sa loob ng building. Gutom na ako, sana hindi na ako nahiya kanina noong tinanong niya akong gutom na ba ako.
Aksidenteng napako ang tingin ko sa nagtitinda ng fishball. Tumingin muna ako sa exit ng building bago bumaba.
"Magkano itong kwek-kwek?" tanong ko sa lalaking nagtitinda.
"Lima isa po, Ma'am."
Tumuhog ako ng isa at sinawsaw sa maanghang sa sauce. Ang sarap talaga nito, dahil gutom ako ay umabot sa apat ang nakain ko. Akmang tutuhog na ulit ako nang may marahas na humawak sa braso ko.
"I've been looking for you and what is that thing?" tanong niya habang seryosong nakatitig sa hawak kong kwek-kwek.
"Kwek-kwek. Gusto mo i-try? Masarap to." sambit ko. Akmang isusubo ko na nang bigla niya itong kinain. Muntik pang mahulog dahil hinila niya ang kamay ko para lang masubo yung kwek-kwek.
Inis ko siyang binalingan, nagulat ako nang hindi na maipinta ang mukha niya.
"I-It's spicy.."
Kusa akong tumawa, napapala sa nagnanakaw ng kwek-kwek. Hindi pala mahilig sa maanghang si Hades.
"Pabili po tubig."
Matapos kong magbayad ay binigay ko sa kanya ang malamig na bote ng tubig. Mabilis niya itong nabuksan at ininom.
"You didn't inform me that it is spicy." wika nito matapos kong magbayad. Kanina siya ang nagpresintang magbayad ng kwek-kwek pero hindi tumatanggap ng credit card ang vendor. Halatang mayaman talaga oh.
"I'll treat you dinner."
"Huwag na, gusto ko nang umuwi."
"Are you sure? You haven't eaten yet."
Hindi na ako sumagot at nanatiling nakatulala. "Kung sana inuwi mo na lang ako, bakit mo pa kasi ako sinama? Hindi ba magagalit asawa mo?"
"I'm not married to anyone unless you want to be my wife."
"Huh? Huwag mo nga akong niloloko--"
"Wala nga!"
"Paano naman iyong anak mo?"
"He's not my son."
Natahimik ako at umiwas ng tingin. Niloloko ba ako ng lalaking ito? Dad naman ang tawag sa kanya.
Hindi kaya... bakla siya? Yung sabi ni Bruce na susunduin niya sa airport yung Daddy niya? Kaya wala siyang asawa dahil lalaki ang gusto?
"I-isa lang ba si Bruce at Yuri?" tumango siya habang seryosong nagmamaneho.
"N-Nasaan na si Garlea kung ganun?" dagdag na tanong ko. Lumingon siya saakin bago bumalik sa daan.
"She's dead. Her own father did." sagot niya. Umiwas ako ng tingin at hindi na nagtanong kahit madami pa akong gustong itanong.
K-Kung hindi niya totoong anak si Bruce, sino ang ama? Iyon bang isang daddy na tinawag ni Bruce? K-Kaya pala pamilyar siya saakin at iba ang tingin ko sa kanya.
Nagsinungaling ba si Garlea? Iniwan ko ang mahal ko para sa kanya at ng anak niya tapos?
Huminto kami sa harap ng apartment. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan niya ako.
"Garlea's father is one of the syndicate who killed your mother."
Hindi ko na mapigilang ang luha kong kanina ko lang pinipigilan.
"I'm sorry. I shouldn't tell you." sambit niya sabay yakap saakin. Hindi na ako pumalag dahil nanghihina ako.
"K-Kailan mo lang nalaman?" tanong ko sa kanya. "After you left me." sagot nito. Tinulak ko siya, "Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"I'm sorry. I am mad at you and you want me to stay away from you. You're so broken that time."
"Paano mo nalaman? Alam mo kung nasaan ang address ko. Sagutin mo nga ako, i-ni-is-stalk mo ba ako talaga ako? Ikaw ba ang lalaking sumusunod saakin?" inis na tanong ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.
"No! I'm not."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Huwag kang magsinungaling!"
"I-It's not me, I swear." tugon nito at napaatras.
"Sino yun kung ganun?"
"Ahm.. It's getting late, you should eat and rest." pang-iiba niya sa usapan. Mariin ko siyang tinitigan. Umiwas naman siya. Pinagpapawisan din kahit malamig dahil sa aircon.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
