Imbes na titigil ang ulan ay lalo itong lumakas. May bagyo ba? Baka nga, hindi kasi ako nanonood ng balita.
Napabuga ako ng hangin, mukhang matatagalan kami dito. Naglakad lakad lang ako sa buong lugar. Nililibang ang sarili.
Lumapit ako sa isang malaking transparent na cabinet. May ilang mga libro at picture frame ng mga bulaklak at mga magandang tanawin ng dagat.
Napahinto ako nang may napansin, may pulang payong dito! Sakto, kailangan namin to. Isa lang pero kakasya naman ata kami.
Patakbo akong pumasok sa silid at naabutang nakahiga si Hades. Nakapikit ang mga mata, niyugyog ko ang balikat niya. Mahina siyang umungol at minulat ang mata.
Mukha siyang pagod, mamaya nalang siguro kami uuwi? Kailangan niya muna magpahinga. Lumapit ako sa kanya at binalot ang kumot sa buong katawan niya.
Pinahinaan ko rin ang aircon at lumabas sa silid. Napaupo ako sa couch at napadako ang tingin sa wall clock. 9:44 sa umaga, ako nalang siguro ang magluluto para sa lunch? Hindi naman niya siguro ako papagalitan diba?
Tumayo ako at pumasok sa maliit na kusina. Lumapit ako sa refrigerator at binuksan iyon. Walang ibang laman kundi hotdog sa sobra namin kanina.
Naka-on ang refrigerator para lang sa kalahating hotdog? Naks, yaman talaga.
Balak ko sanang mag-order nalang o kaya bumili sa malapit pero wala naman akong dalang pera. Nahihiya rin akong manghingi kay Hades.
Hotdog nalang uulamin namin, masarap pa naman to lalo na't pag si Hades ang nagluto. Bumalik ulit ako sa couch at pinanood ang pelikula.
11:01 ako natapos sa pinapanood kong pelikula. Komedya kasi ito kaya nalibang ako sa panonood. Binuksan ko ang pinto at naabutang tulog pa rin si Hades.
Gusto ko sanang tanungin kong anong uulamin dahil baka sawa na siya sa hotdog kaso tulog. Kinuha ko ang hotdog at niluto ito.
May natira pa namang kanin, ewan ko kung kakain ba ang siya o mag-oorder nalang. Nang matapos ako ay pumasok ulit ako sa silid. Tulog pa rin.
Napabuntong-hininga ako, hindi pa din tumitigil ang malakas na ulan. Lumapit ako sa bedside table at kinuha ang phone ko na tumutunog, hudyat na may tumatawag.
Sinagot ko ito, "Hello?"
"Jusko, nasaan ka ba Corielyn? Kahapon ka pa wala, kayo ni Señorito. Nasaan kayo? May nangayari ba? May bagyo ngayon." wika ni Sunny sa kabilang linya.
"Andito kami ngayon sa isang apartment unit. Naabutan ng bagyo. Kamusta ka na?" Sagot ko. Ilang araw ko ring hindi nakausap ng maayos si Sunny dahil tahimik lang ito.
"Always okay ako noh! Anong tingin mo sa akin weak?" sagot niya naman. Sana nga always okay ka.
"Nakascore na ba siya?" tanong niya saakin.
"Huh? Sino?"
"Wala, slow mo naman."
Dahil sa inis ko ay pinindot ko ang end button. Kahit kailan talaga si Sunny, sarap sapakin. Lumapit ako sa higaan kung nasaan natutulog si Hades. Ganoon pa rin ang posisyon niya.
Gisingin ko ba? Parang pagod eh?
Tatapikin ko na sana ang kanyang balikat nang bigla niyang binukas ang kanyang mga mata. Napatalon ako sa gulat at nahampas sa kanya ang phone na hawak ko.
"Argh!" ungol niya at napahawak sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ang panga niya at pilit na pinaharap saakin. Bigla akong naguilty. Namimilipit siya sa sakit habang pilit na iniiwas ang sarili niya saakin.
"Argh! What did i do to you, woman?" wika niya sa galit na tono, "Sorry...." paulit ulit akong nagso-sorry sa kanya.
Tuluyan ko nang makita ang pisnge niyang namumula at namamaga. Napalakas ata ang paghampas ko dahil sa sobrang gulat.
"H-Hades, hindi ko talaga sinasadya."
Naiiyak na ako dahil sa guilt na nararamdaman ko. Bakit kasi ako nagulat? Saktong cellphone pa ang hawak ko kaya yun ang nahampas ko.
Maingat kong hinaplos ang pisnge niya. Namumula at namamaga ito gaya ng sabi ko.
"K-Kakain na tayo, gigisingin lang kasi sana kita kaso ano nagulat ako bigla mong binuka mata mo."
"And?"
"Wala. Gusto mo hampasin ko rin kabila para fair--" naputol ang sasabihin ko sa masamang titig niya. Natahimik ako at umiwas ng tingin.
"Nagluto lang ako ng hotdog, wala kasing ibang laman yung refrigerator mo tapos kung mag-oorder ako wala naman akong pera at tulog ka din. Huwag kang mag-alala masarap at malinamnam iyong luto kong hotdog." Lumunok ako ng sarili kong laway pagkatapos kong sabihin sa kanya ang ginagawa ko.
"Tsk."
Tumayo siya at lumabas. Nakakahiya, Corielyn! Anong nagawa ko?
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Naabutan ko siya sa kusina na nakaupo sa maliit na dining habang nakatitig sa platong nilagayan ko sa luto kong hotdog.
Ayaw niya ata. Mag-oorder siya kung ganun.
"A-Ayaw mo ba ulamin ang hotdog? Gusto mo mag-order tayo ng ulam? Malakas pa kasi ang ulan." tanong ko sa kanya. Napunta sa akin ang atensyon niya at umiling.
Ang lamig niya, galit ata kasi nahampas ko ng cellphone ang maganda niyang mukha. Nagsimula na siyang kumain, iniwan ko siya doon at umupo sa couch.
Sana hindi niya ubusin ang hotdog, hindi pa ako kumakain. Wala pa namang ibang laman ang refrigerator niya.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
