Sabay kaming lahat umahon at nag-uunahang pumasok sa banyo. Para kaming mga batang nag-uunahang tumakbo. Ako ang nauna dahil mas matangkad ako sa apat kaya malalaki ang mga hakbang ko.
Sunod si Sunny, Ma'am Claudia, at panghuli si Manang habang hawak hawak ang likod. Yan bakit pa kasi sumali.
Pumasok ako sa kubo at dumiretsyo sa banyo. Hinanda ko na ang susuotin ko para mamaya. Uuwi na kami pero bago non mag-lu-lunch muna kaming lahat.
Sampung minuto ako sa banyo. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng tubig dito. Nang matapos ay kaagad ding nagbihis. Nakablack jogger ako at simpleng white t-shirt.
Lumabas ako at mabilis na lumapit sa direksyon nina Charles na hinihiwa ang karneng baboy na inihaw nila kanina. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang isa pang kutsilyo.
"Nasaan ang iba?" Tanong ko.
"Hindi pa natatapos maligo. Si Kuya naman ay may kinuha lang na dahon ng saging habang si Sunshine ay hinahanda ang soft drinks." sagot nito. Mas matangkad ako sa kanya.
Pareho sila ng ilong, kulay ng buhok, at porma ng labi. Magkaiba nga lang sila ng mata, black ang mata ni Hades habang dark brown kay Charles na namana niya sa nanay.
Dark brown ang mata ni Ma'am habang black naman si Sir Marcus.
Ilang minuto lang ng dumating si Hades habang dala dala ang dahon ng saging at isa pang kutsilyo. Pabagsak niyang nilapag ang dahon at ang hawak na kutsilyo, mabuti nalang at hindi ito tumalon. Galit ba siya?
Nagtinginan kami ni Charles at nagkibat balikat. Mahina akong napatawa, ano na ang nangyayari sa iyo Hades?
Hindi kalaunan ay natapos kami kasabay doon ang pagtapos nila sa pagligo. Inaayos ko muna ang kanin at nilagay iyun sa dahon ng saging. Pagkatapos ang mga karneng baboy.
Kasalukuyang hinahanda ni Charles ang sawsawan sa malaking kubo. Ako at si Hades lang ang nasa mesa. Magkaharap kami.
Yung iba ay naglibot-libot pa sa buong isla para sa huling pagkakataon. Baka hindi na ito lang mauulit.
Tahimik lang si Hades habang nakamasid saakin. Bigla akong nakaramdam ng ilang. Dukutin ko mata mo eh!
Tumikhim siya at tumayo. Napatingin tuloy ako sa kanya. Naglakad siya patungo sa gawi ko kaya nagkunwari akong inaayos ang pagkain kahit tapos ko na.
"Almirah, I'm gonna ask you a question." wika nito. Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Are you ignoring me? I mean, it's too obvious. May ginawa ba akong masama?" tanong niya saakin. Tumayo ako ng maayos at umiwas ng tingin.
Iniiwasan ko ba talaga siya?
"H-Hindi.... Syempre." sagot ko.
"Really? Please, tell me. Para na akong mababaliw kakaisip kung bakit mo ako iniiwasan."
Hindi ako feelingera pero bakit ko binibigyan ng malisya iyun? Ano ba kami? Magkaibigan? Kaya siya nababaliw kakaisip kung bakit ko siya iniiwasan? Baka kaibigan ang turing niya saakin.
Too obvious?
Teka.... Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ko siya iniiwasan? Ako rin, nahihirapan sa sitwasyon na ito. Dapat ay hindi ko siya iiwasan. Tama, dahil kung iiwasan ko siya ay pareho kami, nababaliw at nahihirapan. Ano na?
Nahihirapan ako sa tuwing iniiwasan ko siya at nahihirapan din ako tuwing sobrang close ko sa kanya. Baka, wala lang itong nararamdaman ko? Baka crush lang. Oo, tama dahil hanggang doon lang dapat.
Useless yung pag-iiwas ko sa kanya. Dahil noon nakaramdam ako ng saya sa tuwing kasama ko siya, pinapakain, at kinakausap.
"Hindi naman iniiwasan. A-Ano.... Naiilang lang ako kasi lalaki ka at babae ako, magkatabi sa kama. Ganun lang." pagsisinungaling ko. Okay lang naman saakin kung gagapangin niya ako atlease gwapo ang magiging resulta diba?
Charr. Joke lang. Joke muna sa problemadong buhay ni Corielyn.
"Okay.... Magdadala na ako ng tent sa susunod o kaya magpapatayo ng ilang kubo." wika nito. Huh? Sa susunod? Seryoso ba siya?
Gagawin niya iyun? Hala, mali pala yung sinabi ko kanina. Wala na kasi akong maisip na idahilan. Nakakahiya naman.
"Hala, wag na. Joke ko lang yun, hindi iyun totoo. Wala namang malisya diba? May tiwala ako sayo." wika ko at ngumiti ng peke. Natawa siya at umupo. Ngayon ay magkatabi na kami.
"Hoy, nandiyan na pala kayo. Musta naman ang pag-uusap?"
Napatingin ako kay Sunny na kasalukuyang papunta sa gawi namin. Sumunod doon sina Ma'am at Charles. Mukhang kakain na.
Umupo sa tabi ko si Sunny at inakbayan ako.
"Hoy, Señorito. Hihiramin ko muna itong babaeng ito. Isasauli ko lang agad." wika ni Sunny at hinila ako malayo sa kanina. Mukhang kakausapin ako. Narinig ko pang tumawa si Ma'am sa sinabi ni Sunshine.
Nang makalayo kami ay binitawan na niya ako.
"Corie. Ano kasi... May pera ka ba jan? Pautang naman oh, para sana sa pag-aaral ni Sunshine. Malapit na kasi pasukan. Huwag kang mag-alala babayaran kita sa kinse. Sa sahod day natin. Kahit 500 lang."
Aba'y sabi na nga ba, pero dahil para naman kay Sunshine. Magpapautang ako, pero saan ako kukuha ng pera? Edi sa pitaka kong Winnie the pooh.
"Ito oh. Nakakahiya naman sayo, basta bayaran mo yan. Malapit na ang sahod mo, wala na akong pera."
Napangiti siya ng matamis at tinanggap iyun, "Maraming salamat sa iyo Corie, huwag kang mag-alala. Babayaran ko ito, promise."
Ngumiti lang ako at binalik ang pitaka kong wala ng laman. Pareho kami ng nararamdaman ng pitaka ko, walang wala.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomansaCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
