"Do you want to eat?" Tanong niya saakin. Umiling ako, kakakain ko lang? Balak na naman ba niyang patayin ako sa busog?
"Water?" Dagdag niya. Umiling pa rin ako, wala akong kailangan. Gusto kong sabihin iyun sa kanya pero hindi ko magawa. Narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Gusto kong magpahinga."
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Lumabas lang siya sa kubo. Pabagsak akong humiga. Bakit ba ganito ako? Anong nangyayari?
Anong ginawa niya saakin?
Pinikit ko ang mga mata ko, naalala ko na naman sina Mama at Papa. Dumilat ako dahil doon. Lately, palagi silang pumapatong sa isipan ko tuwing pagod at problemado ako.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko at nilamon na ng antok. Dahil galing ako sa pag-iyak ay kaagad akong nakatulog.
'Kaya mo yan!' boses ni Mama ang narinig ko sa paligid. Hindi ko siya makita dahil puno ng puting liwanag ang paligid.
'Oo nga, anak. Kaya mo yan!' boses naman ni Papa ang narinig ko. Nasaan kayo? Yun nalang ang naalala ko bago dumilim ang paligid.
Nagising ako bandang 11:30 sa umaga. Wala pa rin akong nakitang Hades. Nasaan nayun? Baka naglunch dahil 11 na. Bumaba ako sa kama at sinuot ang pambahay ng tsinales.
Kinusot ko muna ang mga mata ko at lumabas. Hindi ko inayos ang kama kong magulo. Mamaya nalang yun.
Paglabas ko ay saktong naabutan ko rin si Hades na papasok. Pareho kaming nagulat dahil mahina kaming nagkabangga.
"Your awake, how's your sleep?"
Nag-thumbs up lang ako at tinalikuran na ito. Lumapit ako kina Sunny na ngayon ay nakahiga sa duyan. May dalawang duyan at yung isa ay walang nakahiga o gumamit.
Umupo ako doon at humiga. Kailangan ko munang idistansiya ang aking sarili kay Hades. Baka sa ganun ay maiwasan ko ang nararamdaman ko. Inaamin ko, gusto ko siya.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto? Gwapo, mabait, maganda ang katawan at lalong lalo na sa lahat mayaman. Isa lang akong mahirap at bumabangga sa mataas na pader.
Tela ang duyan kaya presko at hindi mainit. Idagdag mo pa ang sariwang hangin na humahampas sa mukha ko. Para akong sinasampal sa katotohan na kailan man hindi kami pwede.
"Musta ang tulog? Masarap ba?" nakangiting tanong ni Sunny.
"Sabi ni Sunshine na maaga kang natulog kasya saamin. Sumunod daw si Hades, ano ang nangyari pagkatapos?"
"Hindi ko alam, teka? Bakit mo saakin to tinatanong, lasing ako nun." inis na sagot ko kay Sunny. Kasalukuyang itong umiinom ng buko juice.
Natatawang tumango si Sunny at umalis. Bigla kong naalala.
"Sunny!" tawag ko sakanya. Huminto siya sa paglalakad at taas-noo akong tinignan.
"Ahh, wala.... Sige umalis ka na."
Balak ko sanang tanungin kong bakit iba na ang suot ko kaninang umaga. Pero, si Hades sumunod saakin? Hindi kaya......... Hindi naman ata niya gagawin iyun diba?
Umiling ako, sigurado akong hindi siya. Malambot na kamay ang naramdaman ko kagabi habang may bumibihis saakin. Magaspang at malaki ang mga palad ni Hades kaya sigurado akong hindi siya iyun.
Hindi naman ata si Sunny o Manang, sigurado akong lasing din sila dahil mas marami ang nainom nila kaysa saakin. Sino naman?
Napatingin ako sa langit. May mga ibong malalayang lumilipad sa langit at mga dahong sumasayaw.
Mamayang hapon nalang daw kami uuwi dahol lunes na bukas. Balik sa dating gawi, sa trabaho at sa mansion.
Narinig kong tinawag ako nina Sunny at Manang para maligo. Tumango ako at pumasok sa kubo. Magpapalit ako ng malaking t-shirt at komportableng short. Ayoko na mag-bikini, nakakahiya kay Hades. Sinigawan ko pa naman, baka sa susunod na araw ay wala na akong trabaho.
Pumasok ako at lumapit sa bag. Hinalukat ko muna, ang alam ko ay nasa pinakababa iyun. Malaki pa naman ang dala kong bag. Kulay pink na may mga maliliit na bulaklak.
Nang sa wakas ay nahanap ko na ay kaagad akong pumasok sa banyo at pinagsisihang pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na sinara.
S-Si Hades, walang saplot ang katawan. Mabuti nalang at hindi ko nakita ang junior niya dahil nakatalikod siya saakin habang nagsho-shower. Ito na ata ang pinakamalas na nangyari saakin sa islang ito.
May sumpa itong islang ito, pinakamalas na isla. Sinusumpa ko hindi na ako babalik dito.
Umupo nalang ako sa higaan habang patuloy paring kumakabog ang puso ko. Mukhang napansin niya iyun dahil nakagawa ng malakas na ingay ang pagsara ko ng pinto.
So stupid, Corie.
Bakit ba kasi hindi ako kumatok?
Bakit niya rin hindi ni-lock diba? Siya pala dapat tawagin kong stupid.
Lalo akong kinabahan ng wala na akong marinig na patak ng shower. Shit, i'm doomed.
Dahil sa kaba ko ay patakbo akong lumabas, makikigamit nalang ako ng banyo sa kabilang kubo.
Pumasok ako sa kubo nina Manang. Si Sunshine ang naabutan ko doon na nakahiga at nakatingala sa kisame.
"Hi! Makikihiram lang ng banyo, salamat." aniko at mabilis na pumasok. Hindi na hinintay ang sagot niya. Mukhang wala naman siyang pakialam kung ano ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
