Chapter 32

799 19 0
                                        

"Masakit pa ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at pinagpagan ang pagtitig saakin. Lumayo na ako sa kanya, akmang tatayo ako ng bigla niya akong hinila. Medyo malakas ang paghila niya saakin kaya napasubsub ako sa dibdib niya.

Mumurahin ko na sana siya ng bigla niyang pinalibot ang braso sa bewang ko at mahigpit akong niyakap. Pilit ko siyang tinulak pero lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap niya saakin.

"H.. Hades? A-Ano ba!" mahinang sigaw ko at pilit siyang tinutulak. Randam ko at naririnig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Napakandong ako sa kanya dahil sa biglaang paghila.

"I know you're not okay. Let me hug you, Almirah."

Napahinto ako sa pagtulak sa kanya. Sa tuwing tinatawag niya ang second name ko ay parang awit na masarap pakinggan.

"Anong hindi okay? Okay lang ako kaya bitaw." 

Hindi niya parin ako binitawan, "Hades, ano ba iyang pinagsasabi mo? Sabing okay lang ak--"

"No! Hindi ako bulag para hindi makitang nahihirapan ka. Hindi ako bulag para hindi makitang hindi ka okay. Tell me, what's the problem?" putol niya sa sasabihin ko. Nanahimik ako, kung sasabihin ko sa kanya gagaan ba itong pakiramdam ko?

Wala namang masama. Kayang kaya ko namang pigilan ang nararamdaman ko diba? Sana nga.

Kwinento ko sa kanya ang sakit ni Sunny pati ang nararamdaman ko ng malaman iyun. Hindi siya umimik at nakinig lang saakin. Hinayaan niya akong umiyak sa bisig niya hanggang sa nakatulog ako.

Naalimpungutan ako at humikab, ang sakit ng likod ko. Napahawak ako sa likod ko habang iniinda ang sakit. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

Kaagad kong nilibot ang paningin sa buong silid. Napahinga ako ng maluwag ng pamilyar iyun. Kwarto ko pala ito.

Anong nangyari kagabi? Ang naalala ko ay nakatulog ako sa bisig ni Hades tapos gumising ako ng nasa kwarto na ako. Diba, Magic!

Wala ako sa sariling napatingin sa alarm clock sa bed table. 6:49 na sa umaga. Napahikab ako at nag-ayos sa sarili.

Lumabas ako at bumaba sa kusina. As usual, ginawa ko ang morning routine ko. Mag-ayos sarili, maghanda ng almusal, at ihatid sa amo. Pagkatapos bantayan kahit damulag na.

Simpleng almusal lang ang hinanda ko. Bacon, egg, hotdog at isang basong gatas. Nilagyan ko ng kubyertos, tissue at inayos ito.

Maingat akong naglakad hanggang sa makaabot sa pintuan na kanina ko pa gustong marating. Nangangalay na ang kamay ko dahil medyo mabigat itong tray.

Kumatok ako,

Ilang segundo lang ay bumukas ito at naabutan ko si Hades na parang panda. Pinigilan ko agad ang tawa.

Napataas siya ng kilay ng mapansin na pinipigilan ko ang tawa ko. Ang laki ng eyebags niya kaya nagmukha siyang panda.

"Why are you laughing?" takang tanong niya saakin. Umiling ako at pumasok sa loob, iniwan siyang nakatayo sa pintuan.

Kinuha ko ang Iphone niya sa bed table at binigay iyun sa kanya. Wala namang maliit na salamin dito kaya yung phone niya nalang.

"Tingnan mo sarili mo," natatawang ani ko. Kunot-noo niyang kinuha ang phone.

Nang makita ang sarili ay napamura siya at nagwalk out patungo sa banyo. Puyat ba siya o walang tulog?

Napaupo ako sa couch, nagsho-shower ata si Hades dahil rinig ko ang malakas na patak ng shower.

Kinuha ko ang remote at nanood nalang ng netflix, sosyalin kasi tong tv niya. Ang bagal naman kasi ni Hades, bakit ang tagal maligo?

Ilang minuto bago lumabas si Hades. Fresh na ang gago. Nakabihis na din siya, may lakad ba itong si Hades?

Umupo siya sa coffee table niya at kumain. Saan naman pupunta tong lalaking to? May kikitain kaya to?

"Saan lakad mo, boy?" takang tanong ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"You and I where going to mall. I need to buy some clothes. Ninakawan na naman ako ng mga damit ni Charles." sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Nagulat ako, kaya pala bihis na bihis. Nahiya yung pangbahay na damit ko. Pero, ninakawan? Damit?

"Huh? Paano?"

"Kung may nagustuhan na siyang mga damit na pagmamay-ari ko, nanakawin agad yun ng asshole na yun."

Napatango ako, kaya pala. Minsan kong nakita si Charles na suot ang itim na t-shirt ni Hades. Nagpaalam ako sa kanya at lumabas.

Magbibihis muna ako, may lakad pala kami. Hindi ako inin-form edi sana nagbihis na ako hindi yung tulala lang ako sa couch.

Pumasok ako at hinalukat ang damit ko. Wala akong masyadong magandang damit na pwedeng suotin. Hindi ko naman sinasayang ang pera ko sa mga walang kwentang bagay. Ngayon ko lang narealize na may kwenta ito.

Nasa huli ang pagsisisi!

Shit, nasan na ba yung ibang damit ko? Nasan ko ba iyun nalagay? Yung paborito kong t-shirt, yung white na may sulat sa dibdib na 'QUEENS'

Mahal yun, 100 isa kahit yung isang daan mabibili na ng iba pang damit na mas mura. Na love at first sight ako ng damit na iyan. Ewan ko ba!

Napatampal ako sa sariling noo, hiniram pala ni Sunny. Kailangan ko yun suotin, gustong gusto ko talaga iyun.

Magmumukha kasi kaming couple ni Hades. Nakawhite t-shirt din ito at jeans. Kaya kailangan kong suotin iyun. Para na din hindi ako nagmukhang katulong ni Hades.

Kumatok ako sa maid rooms. Bumungad saakin ang hindi ko kilalang maid pero pamilyar na saakin. Yung tinawag akong sipsip pala.

"Maaari ko bang malaman kung nasan si Sunny?" taas kilay na tanong ko. Tinuro niya ang pinakadulong bahagi kung saan tago kaya hindi ko makikita.

Tumango ako at pumasok. Naabutan ko siyang tulala.

"Ahmm, Sunny? Pwede ko bang bawiin ang hiniram mong t-shirt saakin?"

Parang hindi na ako nasanay sa Sunny na tahimik. Gustong gusto kong bumalik sa dati si Sunny, kung pwede nga lang.

Hindi ko sana kasi siya papahiramin pero alangan namang hahayaan ko siyang walang suot pang-itaas at maggrocery. May nabunggo kasi kami noon at natapon ang dalang tea sa damit.

Saktong may dala akong extra damit na yung favorite ko kaya pinahiram ko. Nalabhan na siguro niya kasi matagal na iyun.

Tumayo siya at may kinuha sa cabinet. Pagkatapos ay binigay niya saakin. Abot langit ang ngiti ko ng makita iyun.

Ahh, namiss ko itong baby t-shirt ko.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon