Chapter 71

660 13 0
                                        

"Are you sure? You can--"

"Sure na ako, Hades. Gusto kong maglabas ng sama ng loob at malaman mismo sa kanya kung bakit nila iyun ginawa sa nanay ko." tugon ko. Kasalukuyang hinihintay ang ama ni Garlea.

"Sa labas ka nalang maghintay, Hades."

"But--"

"Sige na."

Sumunod siya sa sinabi ko at lumabas. Halata pang nag-aalinlangan. Bumalik ang tingin ko sa hallway kung saan dadaan ang ama ni Garlea.

Nabuhayan ang loob ko ng makita itong papalapit. Nakaposas at may kasamang dalawang pulis. Una kong hinanap ang tattoo sa braso.

Meron.

Tahimik siyang umupo sa harap ko. Lalaking mga nasa early 50s ata. May puting buhok na rin.

"Anong kailangan mo, bata?"

Umayos muna ako ng upo, "Bakit mo pinatay si Mama?" buong buhay ko ay wala akong alam na dahilan kung bakit nila iyun ginawa. Siya ang humampas ng kahoy sa nanay ko hanggang sa mawalan ng buhay. Ang tono ng boses, ang pamilyar na mukha at ang tattoo, sure akong siya iyun. Sa una ay hindi niya nakuha ang punto ko.

"Kailangan. Nakita niya kaming nakapatay ng bata. Ayoko kong makulong, may anak pa ako." walang emosyong sagot nito. Yumuko ako at pinilit ang sariling huwag umiyak. Sa mismong mata ko, kitang-kita ko kung paano nagmakaawa ang nanay ko.

Sa tutuosin, kulang pa to eh. Gusto kong maramdaman nila kung gaano kasakit.

Bata pa ako at walang lakas para protektahan si Mama. Grabe ang trauma ko sa nangyari. Bali-bali ang mga buto at wala man lang akong magawa. Hindi naman kami makapagreport sa mangyari dahil ako lang ang witness at wala akong masabi tungkol sa nangyari dahil sa sobrang trauma.

"Dinoble niyo lang ang kasalanan niyo. Hindi kayong naawa? Babae iyong walang awang binugbog niya. Nakapatay kayo at dapat niyo iyung pagbayaran, hindi iyong papatayin ang nakakita."

"Pinatay mo sarili mong anak. Anong klaseng tao ka? Anong klaseng ama ka?" Sa puntong iyun ay hindi ko mapigilang maluha.

"Ano kayang mararamdaman ng apo mo kapag nalamang ang lolo niya ang pumatay sa ina niya?" sabi saakin ni Hades ay ang alam lang ni Bruce ay namatay ang ina sa sakit.

"Konsyensya nalang ang bahala sayo." sambit ko at tumayo. Tumalikod ako at nanghihinang lumabas sa silid.

"Did he hurt you?" nag-aalalang tanong ni Hades at inalalayan ako paupo sa upuan. Lumuhod siya  sa harap ko upang mapantayan ako. Sumandal ako sa balikat niya at doon humagulhol.

Hindi kami nagtagal doon. Kasalukuyang nagmamaneho si Hades patungo sa puntod ni Garlea.

Espesyal saakin ang araw na ito dahil sa wakas ay matatapos na ang sakit na kinikimkim ko sa mga nagdaang taon.

"M-Mahal mo ba talaga ako?" wala sa sariling tanong ko.

"I love you."

"Paano kung maging tayo? Paano kung maghanap ka ng iba? Paano kung mawalan ka ng pagmamahal saakin? Paano kung--"

"I will love you until my last breath. Stop thinking negative. I am all yours even though you don't love me."

Natahimik ako. Malapit na birthday niya, sa susunod na week. Anong ireregalo ko sa kanya?

Wala sa sarili akong tumitig sa kanya. Kitang-kita ko ang side view ng mukha niya. Malakas ang pintig ng puso ko, pumapag-ibig na naman ba ako? At sa parehong tao pa?

Napahinto kami sa isang sementeryo. Lumingon siya saakin bago bumaba sa labi ko. Tinaasan ko siya ng kilay, "Magtititigan nalang ba tayo? Unlock mo na yung kotse."

Binuksan ko ang kotse matapos niyang i-nun-lock. Mahangin kaya mabuti nalang tinali ko ang buhok ko.

May dala akong puting bulaklak, nabagay sa suot kong off-shoulder. Nilapag ko ang bulaklak. Madami akong gustong sabihin ngunit hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Umupo ako, naramdaman kong nanatiling nakatayo sa Hades sa likod ko.

"Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Garlea, galit ako sayo. Hindi naman kita masisisi, labis ang pagmamahal mo kay Hades kaya nagawa mo ito lahat. Hindi ka ba naawa sa anak mo? Nakasira ka ng relasyon at higit sa lahat nagsinungaling ka. Palagi kong iniisip kung ano ako, okay lang ba ako kung hindi mo iyun ginawa. Mas giginhawa kaya buhay ko? Pero salamat dahil kung hindi sayo hindi ko makikilala si Lance. Kaya kong magpatawad, sa tamang panahong. Dahil sayo nagbreak kami, sayang at hindi kita nasilayan bago ka pumanaw. Huwag kang mag-alala, babantayan ko ang anak mo."

Malapit ang loob ko sa bata, siguro dahil naging estudyante ko siya. "Single ba si Steeve?" tanong ko kay Hades.

"What?"

"Pumapatol ako sa single dad. Gusto ko na kasing magkaroon ng anak, pwede naman si Bruce. Tapos gwapo rin si Steeve--"

"Wtf?"

"Minumura mo ba ako?"

"He's not. Why the heck are you looking for him? I can give you a child."

"Talaga? Hindi ka ba baog?"

"What? I don't know.. let's try, then."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ang ano?" taas-kilay na tanong ko.

"Make love."

"Eh kung sapakin kita diyan? Make love.. fuck ang tawag diyan. Walang make love para sa mga magkasintahan lang yun o mag-asawa."

"Okay, if that's what you want." nakangisi sambit nito. Kumunot ang noo ko, sinabi ko bang papayag ako?

"But.. I want the make love version, I don't do fuck."

Bumuntong-hininga ako, "Ang sabi ko para lang iyan sa magjow--"

"Then be my girlfriend."

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon