Ngayon napagpasyahan niyang magrelax sa beach. Hindi niya gusto ang crowded place kaya sa sariling isla nalang siya maliligo. Malapit lang naman at kailangan lang bangkain.
Andito ako, nag-aayos ng mga gamit ko. Kailangan ko daw siyang samahan. Nag-suggest ako na mag-imbita at tumango siya. Wala daw siyang maiimbigang kaibigan dahil nasa ibang bansa na nakatita. Ang boring naman kung kami lang diba? Mas masaya pagmarami.
He agreed. I also asked his permission to invite his family. He also agreed, basta gusto niyang tumakas muna sa problema. Sinama ko rin si Sunny, Manang, at Sunshine since siya naman ang nagsabing mag-imbita ng kaibigan.
Isasama ko sana si Celia pero out of reach. Kahit si Sunny at Manang hindi siya ma-contact. Pansamantalang lalayo daw muna si Celia.
"YAHH! Susuotin ko yung two piece ko" tili ni Sunny sa sobrang excited. Two piece? Sobra naman yun.
"Ikaw rin, sigurado akong bagay sayo magtwo piece." wika niya. Napailing ako sa kalokohan ni Sunny. Hindi ko pa na-try magsuot ng ganiyan.
Masaya si Ma'am ng mabalitaan. Kinuha ko na rin ng pagkakataon para magkalapit ang mag-ina.
Bukas na bukas dahil weekend. Mag-oovernight rn kami doon ng dalawang araw. Kasama si Charles, Ma'am Claudia, Sunny, Sunshine, at si Manang. Hindi makakasama si Sir dahil may problema sa kompanya.
Marami kasing gustong bumagsak ang Ohio dahil sila ang nasa tuktuk.
"Shit, hindi na ako makapaghintay. Sana may pogi doon."
Pogi? Wala ata dahil kami kami lang. Besides sa sariling isla naman kami mag-oovernight. Namiss ko tuloy yung dagat, hindi ko rin matiis ang sarili ko. Ako rin, excited na.
Humiga ako sa kama, si Hades ay tinulungan ko pang maghanda kanina. Kahit malaki na, ako ang nag-ayos. Mabuti nalang at wala akong nakita o nahawakang underwear nya.
Kakatapos lang namin magdinner. Napatingin ako sa pulang two piece na binili ni Ma'am saakin. Kasya naman pero hindi ba nakakahiya?
Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Maaga kami bukas dahil isang oras ang biyahe. Mga 7 kami magbibiyahe para sa 8 o 9 kami makarating.
Kinabukasan ito na ang pinaghihintay ko. Alas-singko pa lang ng umaga ay mulat na mulat na ako. Hindi ako makatulog pagkatapos kong gumising kanina.
Sosyal talaga, may sariling isla.
Mabuti nalang at nakatulog ako. Nagising na lang ako sa katok sa pintuan. Binuksan ko kung sino iyun, si Sunny na nakabihis at may dalang bag.
"Oh? Sadya mo?"
"Hindi mo ba alam o talagang inaantok ka pa? Bilisan mo ng magbihis, ikaw nalang ang hindi pa ready. On the way na ang van."
Natauhan ako at mabilis na sinara ang pintuan. Pumasok sa banyo at mabilis na nagshower. Kinuha ko ang bag na hiniram ko kay Sunny at lumabas.
Hindi pa ako nakaalmusal. Bumaba ako at naabutan silang lahat sa salas except kay Hades. Bumaba ako sa hagdanan at dumiretsyo sa kusina. Saktong may lutong hotdog kaya iyon ang inulam ko.
Tapos na silang lahat kumain pati na rin daw si Hades na kasalukuyang nasa taas. May kinuha lang.
SUV ang susundo saamin patungo sa isla. Napadako ang tingin ko sa lalaking bumababa sa hagdan. Ang pogi naman, lakas ng dating.
"Sipsip kasi kay Sir kaya kasama. Try mo rin maging sipsip baka tayo susunod ang kasama sa outing." rinig kong bulong ng dalawang maid na dumaan sa likod ko.
Sipsip? Talaga ba? Kumulo ang dugo ko, ako sipsip? Hindi naman totoo diba, na sipsip ako?
Tumango naman si Hades na iimbitahan ko sila diba? Mas masaya kaya ang marami.
"Gusto nyo bang sumama?" tanong ko sa kanila. Natigilan sila at mabilis na lumakad paalis.
"Are you okay?" napatingin ako kay Hades na sumulpot nalang bigla sa harapan ko, "Nandito na ang susundo. Are you okay?" Tumango ako at naunang lumabas.
Nakapuwesto na pala sila. Sa likod na bahagi ay si Sunshine at Manang. Magkatabi naman si Sunny at Charles. Sumakay sa front seat si Ma'am. Kaming dalawa nalang ang hindi pa nakapuwesto.
Sumakay ako sa pinakaunang puwesto ng SUV. Tumabi saakin si Hades, "Pwede bang magpalit tayo ng upuan?" he ask. Tumango ako at nagpalit kami.
Bawal kong hindian, treat niya pa naman.
Nagsimula na kaming umandar. Isang oras dapat ang byahe pero natagalan kami dahil traffic.
Sinandal ko nalang ang ulo ko sa upuan at pinikit ang mga mata. Nakatulog rin ako kaagad dahil ata sa pagod. Halos hindi ako makagalaw dahil magkatabi kami, amoy na amoy ko ang kanyang panlalaking purfume.
Nagising ako ng may tumapik sa pisnge ko. Andito na pala kami, ang nakakahiya pa ay nakasandal ang ulo ko kay Hades.
Shit nakakahiya.
Hindi ko siya matignan dahil sa hiya. Hindi naman siguro mabigat ang ulo ko di
iba?
Naunang lumakad si Ma'am. Nakasuot ito ng summer hat. Mas nagmuka siyang mayaman. May kinausap siyang lalaki, ang alam ko bangka ang sasakyan namin. May ilang nga taong nakatira dito at pinagtitinginan kami.
Sigurado akong kilala na nila sina Hades dahil sila naman ang may-ari ng isla malapit sa kanila. Nakatayo lang kami, si Manang, Charles at ako ang nasa unahan habang silang apat ang nasa likod.
"Handa na ba ang lahat?" nakangiting ani ni Ma'am. Nagmukha kaming mga students na nakikinig sa teacher namin.
Napahiyaw naman si Sunny. Tanging siya lang ang humiyaw, halos lahat kami ay nakatitig sa kanya.
"Ano? Hindi ba kayo excited? Ako kanina pa handa! Whoa!"
Napatampal ako sa sarili kong noo, ganun rin sila. Kanya kanyang tampal sa sariling noo. Ang ingay!
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
