"Totoo? Wow, landi mo ah. Naunahan mo pa ako."
Kakauwi lang naman at bumungad saakin si Sunny na nagtatanong kung bakit ang tagal namin nakauwi. "Kami na."
Lalo siyang nagulat, "Oh my... Congrats!" Naikwento ko sa kanya iyong pag-amin ko at pati iyong nangyari. Hindi ko dinetalye lahat.
"Natatakot ako, Sunny." Ang gulat sa kanyang mukha ay napalitan ng lito. "Bakit?"
"Baka mabuntis ako, hindi pa ako handa. Kailan ko pang makapagtapos."
Tumango siya, "Bibilhan kita ng pills mamaya."
"Pero kung ako ang nasa kalagayan mo, bahala na kung mabuntis, may maganda o gwapong anak ako kung ganun. Swerte mo talaga." Inirapan ko siya.
"Sige, magpahinga ka muna baka pinagod ka niya ng husto." Umakyat ang init sa mukha ko. Tinawanan niya naman ako at umalis. Pumasok ako sa kwarto ni Hades at naabutan siyang natutulog.
Lumapit ako sa kanya at tumabi. Sabay siguro kaming kakain sa baba. Nalaman kong kumakain mag-isa minsan si Charles sa baba dahil wala naman ang mga magulang at itong si Hades ay sobrang tamad na pati pagkain ay ihahatid pa.
"Good morning." Bati niya at lumapit saakin. Huli na ng mapagtanto kong hahalikan niya ako. Buti nalang at nakapagtoothbrush na ako.
"Sa baba mag-aalmusal. Pinasabi ni Ma'am Claudia."
"Stop calling Ma'am Claudia, It should be Mom or Tita. Depends on you."
"Hindi niya ako anak." Narinig ko ang malalim ng buntong-hininga na tila may malaking problema. "Bakit?" Umiling siya at pumasok sa banyo. Hindi ako sumunod dahil baka makita ko ulit ang hindi dapat makikita.
Mabilis siyang natapos, lumayo ako sa kanya dahil hahalikan na niya naman ako. Sabay kaming bumaba at pumasok sa malaking dining.
Naroon na si Ma'am at Sir kasama si Charles. "What took you two so long?"
"How are you, Corrie? I heard you two dating? How is it?"
Paano niya nalaman? Siguro si Sunny ang nagpasimuno ng lahat. Pinagkalat siguro, mamaya saakin babaeng yun.
"It's fine, Mom." maikling tugon ni Hades. Ngumiti naman ng matamis si Ma'am Claudia.
Aakalain mong may pista sa rami ng pagkaing nakahanda.
"We are planning to take a rest with all of you. We'll having a vacation next next tommorow."
"Where?" Tanong ni Charles habang kumakain. Siniko ko si Hades dahil inusog niya ang upuan malapit saakin. Naglikha iyong ng ingay kaya napansin iyong ng lahat.
Ngumiti lang si Ma'am habang nakangisi naman si Charles. Seryosong kumakain si Sir.
"You can suggest, Charles anak."
"Overseas?"
Umiling iyon ama ni Hades, "Dito lang sa loob ng pilipinas, Anak. We've been a lot of countries and we haven't visit some wonderful places here."
Sa huli ay sa Cebu kami. Palagi kong sinesermonan si Hades sa oras na iyun dahil kung ano nalang ang ginagawa sa harap ng magulang niya.
"Ang clingy naman ng boyfriend." Ngayon si Sunny na nagliligpit ng mga pagkain. Hindi ko siya pinansin at sumunod kay Hades sa taas.
"Saan na man ba tayo pupunta?" Inis na tanong ko. "Bath, sabay tayo."
Sa huli ay hindi niya ako pinakinggan at sabay kaming naligo. Walang nangyari at nakababad lang kami sa malaking bathtub. Nasa likod niya ako habang shinashampoo ang buhok ko. Hinayaan ko siya at naglaro na lang sa bula.
Tinapik ko ang kamay niya sa dibdib ko na. "What? Sinasabunan kita." Sa huli ay bumaba ang kamay niya sa bewang ko.
Sumandal ako sa dibdib niya habang magkahawak ang kamay. Walang oras na hindi kami magkasama. Kung nasaan ako ay naroon siya. Pati sa lunch at dinner ay hindi kami nagkahiwalay, kulang nalang ay kung iihi ako ay sasama itong gago.
"So clingy." Sabay kaming napatingin kay Charles na ngayon ay umupo sa bakanteng upuan. Nakaupo kami at pinagmamasdan ang kalangitan sa balkonahe.
"Leave, Charles."
Nagkunwari namang nasaktan si Charles at napahawak sa dibdib. "Your so mean, lover boy."
"Just leave us alone, Charles."
Tumawa si Charles bago umalis. Siniko ko ng malakas si Hades sa likod ko. "Wala na mang ginagawa yung tao!"
"Quite, Love."
Tinikom ko ang bibig ko at binalingan na lang ang langit. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang shooting star.
"Hades!" Huli na at nawala na iyun. "Hmm?"
"Ang tagal mo, hindi tuloy ako nakapagwish."
"What's your wish, then?"
"Hindi na iyun matutupad dahil late na."
"What's your wish, Love?"
Lumunok ako at sumagot, "More years with you."
Narinig ko ang kanyang pagsinghap bago ako niyakap ng mahigpit. "Of course. Your mine forever."
Kinabukasan ay naghahanda na kaming dalawa. Sinermonan si Hades dahil sinira niya lang ang mga tinupi kong damit para magkasya iyon lahat sa luggage.
"I just want to help, Love. I'm sorry."
Niyakap niya ako sa likod at siniksik ang ulo sa gilid ng mukha ko. Ngumiti ako at hinayaan siya. Mabilis akong natapos. Dala niya ang dalawang luggage kaya hindi siya makalapit saakin.
"You all ready?"
Sa private plane na pagmamay-ari nila ay tahimik kami. Magkatabi sa malayo sina Ma'am habang magkatabi naman kami si Hades. Namangha ako sa ulap. First time kong makasakay.
"It's your first time?" Tumango ako at sinandal ang ulo sa balikat ni Hades. Narinig ko ang mahinang mura ni Charles na malapit saamin. Masama ang tingin niya saamin. Ano na namang problema nito?
"Are you okay, Charles?"
"Bakasyon pa ba talaga to o honeymoon niyo?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
