"No, you're flirting with him. That was supposed to be me."
"Hindi kaya. Friend lang naman kami, oa mo naman."
Bumalik kaagad si Levi kaya naputol ang usapan namin ni Hades. We had a great conversation. After nun, umalis na na Levi dahil may dumating na emergency.
"Uuwi ka na ba? Pasabay ako." sabi ko, makakasave na tayo ng pamasahe.
"You had a great time with him. Why don't ask your dear friend?" Natahimik ako at napaisip, bigla akong natawa, "Nagseselos ka ba? Huwag ka ng magselos, hatid mo muna ako." asik ko at naunang lumapit sa kotse.
Kunot-noo ko siyang tinitigan, "Tatayo ka lang ba dyan?"
"Go ask your Levi."
"Putangin..." Huminga ako ng malalim, "Ihahatid mo ako o ihahatid mo ako?"
"Fine! If that's what you want."
Ngumiti ako ng matamis, "Good boy!" good dog sana sasabihin ko kaso wag na pala, baka hindi ako ihatid nito.
Tahimik kaming dalawa buong byahe. Mabigat ang presensya sa loob. Awkward siya ganun.
"Salamat sa paghatid. Mag-ingat ka pauwi." paalam ko ng makarating kami sa destinasyon. Wala akong natanggap na sagot. Taka ko siyang sinilip sa loob ng kotse. Tumango lang siya at umalis.
Ngumisi ako, nagseselos nga.
"Musta naman ang date?" bungad ni Sunshine saakin na nakasandal sa pinto.
"Ginulat mo ako!" Parang multong bigla nalang sumusulpot. Pumasok ako at tinanggal ang suot kong stilettos.
"Kayo na ba ulit?" tanong niya. Kinagat ko ang labi ko bago sumagot, "Hindi pa."
"Kumain ka na?"
"Oo, akala ko hindi ka uuwi."
Pumasok ako sa kwarto at nagpahinga. Kinabukasan, maaga akong nagising. May iilan pa akong aasikasuhin sa dadating na recognition at i-fi-finalize ko pa yung final grades.
Lumabas ako ng gate, "Bakit ka andito?" tanong ko kay Hades.
"Ihahatid mo ko?" dagdag ko. Pinagbuksan niya lang ako, taka naman akong pumasok sa loob.
"Galit ka?"
Umikot siya at pumasok sa driver's seat. Pinaandar niya ito at pinaharurot. Tahimik kaming dalawa sa byahe.
"Galit ka pa ba? Huwag ka na magselos. Ikaw naman gusto ko, wala ng iba." nakangusong wika ko. Lumingon siya sa direksyon ko at agad na umiwas.
"Is he more attractive than me?"
"Yes,"
Lumingon ulit siya saakin at ngayon ay masama na ang timpla.
"Tsk, tanga. Yes, sinasagot na kita."
Bigla siyang pumreno kaya nasubsob ako sa harap. Napahawak ako ng ilong ko at sinamaan siya ng tingin. Nauntog ako dahil sa biglaan niyang ginawa.
I've made up my mind. Ito ang gusto ko, ang magkaroon ng label. Narealize kong mahal ko na ulit siya, hindi ko kayang mawalay siya ulit saakin.
Nasa tamang edad naman din siguro ako. Panahon na sigurong magmahal ako.
"Natameme ka?"
++
"Wala kang gagawin buong araw? Mabuti pa tulungan mo ako dito."
"Hindi ka dapat magda-date tayo now? You and me are finally in relationship." suhestyon nito.
"Puro ka reklamo, tulungan mo muna ako dito."
Kasalukuyan kaming nasa eskwelahan. Nakatambak pa ang mga libro dito, as if naman mabubuhat ko to lahat.
"Ang laki-laki ng katawan mo, ikaw na magbuhat nitong mga libro tapos ilagay mo sa kabinet. Ayusin mo kung hindi malilintikan ka saakin!"
Dumating ang lunch, halos lahat ng mga teachers ay dumadaan sa harap ng classroom ko. Panay tingin at titig pa ito kay Hades na nagbubuhat.
Sorry, boyfriend ko yan. Wala na kayong chance.
"Ms. Sonero, sabay ka saamin lunch. Sama mo na si Pogi."
Himala, inimbita ako. Tuwing ganito sila-sila lang naman ang kumakain. Para lang akong hangin. Lumingon ako kay Hades, sige na nga. I-fle-flex ko lang tong lalaking napulot ko.
"Sige, una na kayo. Susunod kami."
Umalis sila na parang nanalo ng lotto. "Pst, bilisan mo diyan."
"Mamaya na nga lang yan, hindi ka pa ba nagugutom?" sabi ko sabay lapit sa kanya. Napansin kong naligo na siya ng sarili niyang pawis. Kinuha ko ang karton sa malapit at ginamit ito pamaypay.
"Nagugutom ka na ba?"
Sabay kaming tumayo at pumunta sa cafeteria.
"Nandito na pala si Ms. Sonero."
Umupo kami sa dalawang bakanteng upuan. Nakaupo sa harap namin sina Riyu at Dianne. Halata sa kanilang inaasar ako.
"Kaano-ano mo itong si Pogi, Ms. Sonero?" tanong ng kasama kong guro. Lahat ng tingin ay napunta saakin, hinihintay ang sagot ko.
"Boyfriend ko."
Iilan ang nadismaya habang yung iba ay natahimik at nagbulongbulungan. "Swerte mo naman. Sa kanya yung kotseng nakapark doon diba?"
Tumango lang ako at kumain. Hinayaan ko si Hades na kumuha ng ulam at nilagay iyun sa plato ko.
"Tama na.." sabi ko dahil sandamakmak na ulam na ang inilagay niya. Hindi nagtagal ay nawala saamin ang atensyon ng marami at nagkwekwentuhan nalang ng ibang bagay.
"Restroom lang ako," paalam ko.
"Kailan lang naging kayo?" tanong saakin ni Dianne habang nag-aayos ng sarili sa salamin ng banyo. Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay.
"Kaninang umaga,"
"Wow, sinagot mo agad."
"Swerte mo rin no, mayaman pala iyang sayo," dagdag nito. Binigyan ko siya ng mapanglarong ngisi at naunang umalis.
Natapos silang lahat kumain kaya nagpaalam na ako. Marami pa akong gagawin at tatapusin ko nalang ito ngayon para wala na akong iisipin pa.
"Tinadtad ka ba nila ng tanong?"
Walang gana siyang tumango. Tumawa nalang ako at bumalik sa gawi.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
