"Ang layo na natin.." Halata sa boses ko ang takot. Marunong naman akong lumangoy ngunit natatakot ako dahil kami lang dito.
"Bumalik na tayo, please." Dagdag ko. Natatawa siyang tumango at tinulak ako pabalik. Nakahinga ako ng maluwag.
"Don't be scared, Love. As long as your with me, your safe. I will protect you."
Bumaba ako sa salpabida. Lumapit siya saakin. Mukhang may hinahanap siya roon pero bumalik nalang sa hindi malalim dahil natatakot ako. Baka may pating tapos kainin ako, kami.
"Pwede ba? Huwag ka ngang lapit ng lapit saakin." Asik ko at lumayo sakanya. Kunot-noo naman siyang tumingin saakin.
"Why?" Akmang lalapit sana siya pero tumigil din ng makita ang itsura ko. Ang sama ng tingin ko sakanya. Marami pa naman daw nalunod dito.
"I'm sorry." Lumapit siya saakin at hahawakan na sana ang kamay. Nilayo ko ang kamay ko at mabilis na lumangoy papalayo.
"Diyan ka lang! Patay ka saakin."
Napalingon ako at binalaan siyang huwag sumunod. Hinila ko ang si duckie, tawag ko sa malaking bibeng salpabida.
Nanatili siya roon sa kinatatayuan niya. Nang makalayo-layo na ako ay huminto ako at sumakay kay duckie. Pinikit ko ang mga mata ko. Ang sarap ng hangin, mabuti nalang talaga at hindi mainit. Sinandal ko ang ulo ko sa ulo ni duckie.
"Love..."
Gulat akong napatingin kay Hades. Aakyat na sana siya kay duckie pero bigla itong bumaliktad. Ang ending nahulog ako sa dagat. Tumayo ako at umubo, inubo ko lahat ng tubig na naininom ko at pumasok sa ilong ko.
"Sorry... Sorry.." Hinawakan niya ang braso ko at hinimas ang likod ko. Kahit galit ako sa kanya ay tumawa ako. Nakita niya siguro ang reaksyon ko noong nahulog ako.
Hindi kami nagtagal sa pagligo, kaagad kaming natapos at nakatulog. Naglaro pa kami ng habulan kaya pagod na pagod ako. Hindi ko mahuli-hulisi Hades dahil mabilis siyang lumangoy at nakalayo saakin.
Kung siya ang taya ay mabilis lang niya akong mahuli, kulang nalang ay umiyak ako para pagbigyan niya ako.
Nagising nalang ako sa katok ng pintuan ng hotel room namin.
"Teka lang!" Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan. Bumungad saakin si Tita.
"The Dinner is ready. Is Hades still sleeping?" Si Tita. Tumango ako at napatingin kay Hades na mahimbing na natutulog sa higaan.
"Gigisingin ko nalang po, Tita."
"No... Ipapadala ko nalang ang pagkain dito. My son seems so tired. Enjoy your stay here, I'll go now."
Kahit nag-aalinlangan ako ay tumango ako. Nagpaalam siya kaya nagpasalamat ako. Bumalik ako sa higaan. Nakahiga patagilid si Hades at nakaharap saakin.
Nilapit ko ang kamay ko sa pisngi niya at inayos ang kumot. Hindi nagtagal ay may kumatok na naman. Nakangiti akong tumayo, gutom na rin ako kaya right timing to.
Binuksan ko ang pinto. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
"Hi.. I just want to ask if you saw a kid. His wearing a carrot hat. He ran in this way and I didn't found him. Did you saw my son?"
"I'm Garlea Shun anyway, I'm sorry for disturbing you."
Hindi ako makaproseso, una itong babaeng matagal ng patay na biglaang sumusulpot sa harapan ko.
"Love.."
Lumapit siya saakin at gulat din na napatingin sa babae. Alam ko kung sino ito. Ito yung babaeng dating kasintahan ni Hades na matagal ng patay. Alam ko ang mukha dahil nakita ko iyon sa album ni Hades. Picture nilang dalawa.
Kitang kita ko ang gulat at lito sa mga mata ni Hades samantalang lungkot naman kay Garlea. Mahal mo pa ba si Garlea? Gusto kong itanong ito pero nanatili akong nakatayo sa harapan nilang dalawa.
Kusa kong kinurot ang sarili, masakit kaya hindi ako nananaginip.
"H-Hades?"
"Who are you?" Biglang lumamig ang boses ni Hades. Gusto kong siyang sigawan, 'Ito iyong ex mo, tanga.' pero baka magkamukha lang o may kambal si Garlea.
"It's me? D-Don't you recognize me?" Naiiyak na si Garlea.
"You're dead but how?"
"I manage to survive, Love. Is she your?" Napunta ang atensyon nila saakin.
Girlfriend ako, bakit? Love?
Lumingon saakin si Hades at lumunok. "Can we talk tomorrow? I need you to explain to me." Mariing wika nito. Feeling ko naluluha na rin ako. Malamang, first love siya samantalang ako bago niya diba? Sabi nila first love never dies. Totoo nga, hindi pa patay si Garlea.
"O-Of course, breakfast?"
Tumango si Hades at sinarhan siya ng pinto. Bastos naman ng lalaking to.
"Love, don't mind her. She just called me love because It's our past call sign. Did you already eat? It's already dinner." Bumalik sa dating malambing at husky ang boses niya. Umiling ako, sa pangatlong pagkakataon ay may kumatok na naman.
Binuksan ko ito at bumungad saakin ang isang waiter. Tumango ako at kinuha iyong pagkain. Umalis kaagad ito, mukhang bayad na.
Love.. same call sign. Hindi ko maiwasang isipin na tinatawag niya akong Love dahil na-reremind niya palagi iyong Garlea o baka ginawa akong pangtakip butas.
Kinuha niya iyong tray ng pagkain at tsaka kami umupo sa maliit na balcony. Kumakain siya na parang walang nangyari, hindi na niya siguro iyong mahal diba? Ako mahal niya diba?
"What's bothering you, Hmm?"
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
