Chapter 56

610 15 0
                                        

Nakayuko akong lumabas sa loob ng ospital. Naabutan ko roon si Sunshine na nakaupo sa gilid. Lumapit ako at tumabi sa kanya, tahimik habang nakatitig sa sahig.

"Malapit ng magdilim, umuwi ka muna." aya ko a kanya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatulala.

"Kailangan mong magpahinga." dagdag ko.

Napabuga ako ng malalim na hininga at umupo ng maayos. Gusto kong magpahinga dahil pagod na ako. Noong nalaman ko ay kaagad akong pumunta dito sa ospital.

Kitang-kita ko ang malamig niyang bagkay. Naalala ko ang pangako ko sa kanya na ako ang magbabantay sa kapatid niya. Nilalamok na kami dito pero wala ni isa saamin ang tumayo.

"Mabait yung ate ko," nagulat na lang ako dahil biglaan siyang nagsalita. "Palaging iniisip yung kapakanan ko at ni Papa."

"Ngayong wala na siya, ano na lang ako? Hindi ko kayang buhayin ang sarili ko."

Balita ko ay pumanaw na rin ang kanyang ama. Naaawa ako kay Sunshine, ang bata niya pa para maranasan ang lahat ng ito.

"Nangako ako sa ate mo.." umangat ang tingin niya saakin habang may lito naman sa mukha.

"Na aalagaan kita kapag wala na siya sa mundong to." mahinang dagdag ko.

Nagtagal kami roon ng iilang minuto bago napagpasyahang umuwi. Pagod akong umakyat sa engrande nilang hagdanan.

"We can't force Hades to marry you, hija. No one can stop him.."

Napahinto ako dahil sa narinig kong usapan malapit sa balkonahe. Boses iyon ni Tita...

"I.... I know, Tita. As long as papanagutan niya ang bata..."

Iyon lang ang narinig ko dahil umalis na ako. Pumasok ako sa kwarto at naabutang nakahiga si Hades sa maliit kong kama. Napabuntong-hininga ako at lumapit sa kanya.

Nagkaroon pa kami ng away kanina tungkol sa kasal. Naaawa ako sa bata, ang bait pa naman ng pakikitungo niya saakin tapos deserve rin nung bata ng kumpletong pamilya. Ano lang naman ako sa kanila?

"I'm sorry, nakaidlip ako."

Umiwas ako ng tingin at pumasok sa banyo. Napahilamos ako sa mukha, nakatitig sa salamin ng banyo. Namamaga ang mga mata ko at maputla ang labi, napakahagard ko na.

Lumabas ako, "Tabi, matutulog ako." malamig na sambit ko. Tinitigan niya ako bago hinila ang kumot at nagtago sa ilalim nito.

"Hindi ako nagbibiro, Hades. Hinahanap ka ng anak mo." pagod na sambit ko.

"He's sleeping..." sagot nito.

"Hinahanap ka na pala ng fiancé mo."

"Love..."

"Ano? Pagod ako, Hades. Pagod na pagod ako kaya please lang, umalis ka muna."

"Walang matutulog nang hindi pa tayo nagkakabati.."

Napabuga ako ng malalim na hininga at hinila iyong kumot. Bumungad saakin ang kanyang katawan, nakasuot lamang siya ng itim na boxer.

"Hades naman! Hindi mo ba nakikita? Wala ng silbi kung magpapatuloy pa tayo, pagod na rin naman ako. Hindi ka ba naaawa sa anak mo?"

"Love.."

"Ano?!"

"Fine, we'll talk tomorrow."

"Para saan pa? Wala na tayo--" hindi niya ako pinatapos, hinila niya ako sa kanya kaya ang ending ay nahulog ako sa katawan niya at mabilis din akong kinulong.

"Sleep.." mahinang wika nito. Para akong nawalan ng lakas kaya hindi na ako nagpumiglas. Napakagat ako ng labi at sumumsob sa matigas niyang dibdib.

Hindi ko mapigilang maluha, napakamalas ko naman. Sunod-sunod na suliraning hindi ko kaya. Suliraning alam kong hindi ko kakayanin.

Hindi ko na alam kung anong gagawin. Si Sunny, Sunshine, Hades, Garlea, si Yuri at ang kasal. Pati na rin ang pag-aaral ko.

Bakit ngayon pa, Sunny? Walang-wala na ako.

Mabilis akong nakaidlip sa pagod. Nagising akong wala na akong katabi at may pagkaing nakahanda sa maliit kong mesa.

Bumangon ako at nag-ayos sa sarili. Kailangan ko ang trabaho pero ayaw ko ng makisiksik. Maghahanap na muna ako ng ibang trabaho para saamin ni Sunshine.

Magtutulungang kami ni Sunshine na buhayin ang aming sarili. Mag-aaral ako sa umaga at magtatrabaho sa gabi. May kaunting ipon naman ako.

May kilala akong nagrecommend saakin ng trabaho. Night shift at sakto ang sahod.

"Where are you going?" tanong saakin ni Hades na nakatayo sa harap ng hagdanan. Umiwas ako ng tingin at bumaba sa hagdanan.

"Babalik lang ako." malamig na wika ko at lumabas sa mansion.

"Sasamahan kita.." sumunod siya saakin

"Huwag na." malamig na sambit ko at lumabas. Mabilis akong pumara ng taxi at sumakay. Magkikita pa kami ni Lance, iyong baklang nagrecommend saakin ng trabaho.

Magkikita kami sa malapit na food chain. Habang nagbabyahe ay kinuha ko ang cellphone dahil tunog iyon ng tunog.

From: Hades

Please, answer my calls.

Iilang messanges at tawag ang tunog ng tunog. In-off ko nalang ang cellphone, ang alam ko tapus na kami.

"Ma'am, mukhang may sumusunod saating itim na kotse. Mukhang mamahalin, Ma'am." napunta ang atensyon ko kay Kuyang Driver at kunot-noong napatingin sa likod.

Alam ko kung kanino ito, ang plate number palang.

To: Hades

Huwag mo akong sundan, mag-uusap tayo pagkauwi ko.

Ilang minuto lang ay nawala na ang kotseng sumusunod. Napabuntong-hininga ako at tinuon ang atensyon sa daan.

"Sorry, traffic.." bungad ko kay Lance.

"It's okay, may utang na loob ako sayo. You saved me from that bad guys. Anyway, you can live in my apartment. Alam kong ayaw mo sa condo ko na hindi ko na ginagamit."

Nasasayangan talaga ako sa baklang to, pinagpala pa naman.

"Sobra-sobra na iyun, Lance."

"You saved to me death!" napatawa ako dahil sa inis sa mukha niya.

"Okay na iyung trabaho at scholarship.." nahihiyang sambit ko at sumimsim ng juice. Napapikit ako sa lasa, juice ba to?

"Ikaw naman magbabayad ng mga gastusin at hobby ko na ang tumulong lalo na sa taong mababait at tinulungan din ako."

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon