Pumasok ako sa café na pagmamay-ari ni Dianne. Kakatapos ko lang magtrabaho at lumabas ako para magpahinga. Nag-order ako ng ice amerikano at umupo sa pinakasulok habang naghihintay sa order ko.
Nilabas ko ang laptop at nakiconnect sa wifi ng café. May trabaho pa akong gagawin pero hindi naman talaga to kasali sa kailangang gawin ngayon. Tsaka mahina wifi ng school dahil sa daming nakiconnect. May sariling wifi ang mga teachers pero dahil nagcocompute na sa grades ay halos lahat nakiconnect.
Aksidenteng napako ang tingin ko sa entrance. Laking gulat ko dahil sa taong pumasok. Umiwas kaagad ako ng tingin, mukhang hindi niya ako napansin. Napakalakas ng tibok ng puso ko na parang sasabog.
Lumapit siya sa counter at nag-order. Napapikit ako sa inis dahil saktong tinawag ako para sa order. Ngayon pa?
Nanginginig akong tumayo at lumapit. Hindi malayo sa counter kung saan nag-oorder si Hades. Ang laki rin ng pinagbago niya, lalo siyang tumaas at lumaki. In short, lalo siyang gumagwapo.
Hindi ko na siya pinansin at kinuha iyong order ko. Take out ko nalang siguro to? Sayang, mahal pa naman tapos yung wifi..
Bumalik ako sa upuan at pinagpapawisan na umupo. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, ang alam ko naka-move on na ako.
Hindi ko matapos-tapos ang trabaho dahil nasa kabilang upuan siya nakaupo, nakaharap saakin. Mariin ang titig at nakayukom ang kamao. Galit ba siya? Mukha siyang manununtok...
Bakit nandito ito mag-isa? Nasaan na kaya asawa nito?
Nakasuot siya ng pormal na damit. Halatang galing sa opisina. Kinagap ko ang labi at bumuntong-hininga.
Kailangan mong mag-focus! Ano ba!
Tinuon ko ang buong pansin sa laptop at hindi na siya tinignan. Mabuti nalang at dumating Riyu kaya bigla ko siyang nakalimutan dahil sa chika saakin nito.
"Ang sabi ni Freya ay nakita niyang nambababae." pagchichika nito saakin. Chismiso talaga ng lalaking to. Tumayo ako at nagligpit. Natapos na rin..
"Teka, yung o-order pa pala ako. Hinatayin moko."
"Bahala ka na jan.." inuuna pa kasi ang pakikipag-usap. Lumabas ako at bumalik sa school.
Pumasok ako sa room at nagligpit ng mga kalat. Pinauwi ng maaga ang mga bata dahil may bagyong paparating. Half day lang ang klase.
"Ma'am Corie, may gwapong nagbigay sayo nito." nakangiting sambit ni Riyu. Tinaasan ko siya ng kilay, "Saan mo na naman napulot iyan?" sambit ko at hindi tinanggap ang hawak na bouquet. Mamaya may bayad pala to, madaya pa naman si Riyu.
"Mayaman siguro, naka lambo eh."
"Oi, may mayamang admirer si inday.." pang-iinis nito saakin. Umirap ako at tinanggap iyun. Kanina ba to galing? Bakit ayaw saakin mismo ipaabot?
"Eh ikaw? Torpe mo, maunahan ka pa.." sagot ko.
"Pinagsasabi mo?" taas-noong tanong niya saakin. Napangisi ako, alam kong may lihim na pagtingin si Dodong Riyu kay Inday Dianne.
"Naghahanap ng ka-blind date si Dianne. Baka interesado ka?" tanong ko at naglagay ng lipbalm sa medyo dry kong lips.
"H-Huh?"
"Ayaw mo? Hahanapan ko nalang siya sa ibang lalaki--"
"Sige na nga, send mo saakin details. Kung anong oras at saan." putol niya saakin at umalis. Napangiti ako ngunit bigla rin nawala. Oh gosh, nakalimutan ko si Hades pero mabuti nalang, hindi niya ako na-distract dahil kay Riyu.
Sa taong nagdaan, ngayon ko lang siya muling nasilayan. Lalo siyang tumangkad at lalong nagmukhang matured. May tattoo rin siya sa pulso, maliit kaya hindi ko maaninag. Pero kita ko ang letters, siguro si Garlea iyun o kaya ang anak nila.
Pero ang pinagtataka ko, bakit wala akong napansing wedding ring? Oh nagkamali lang ako, may singsing siyang suot pero mukhang hindi wedding ring.
Napabuntong-hininga ako at tumayo. Maaga akong uuwi, iyun din naman ang sabi ng principal. Nilagay ko lahat sa bag ang kailangan ko pati ang laptop ko.
"Tangina!" muro ko ng makitang biglang bumuhos ang ulan. Bakit ngayon pa! Uuwi na sana, naabutan pa ng bagyo.
Kinuha ko ang payong, maliit pero okay lang. Iyun lang naman ang dala ko. Uunahin ko nalang ang bag ko dahil nandoon ang phone, charger at laptop ko. Mahal pa naman.
Lumabas ako ng classroom at sinara ang pinto. Na-off ko na ang ilaw at aircon. Binuksan ko ang payong at pinayungan ang bag. Dumaan ako sa maputik pero hindi ko na ininda.
Basa ang damit ko sa likod dahil hindi na kaya ng payong. Sinabit ko sa harap ang bag ko para mapayungan. Pinagsikop ko rin ang buhok ko at nilagay iyon sa gilid para hindi mabasa.
Lumabas ako ng gate at sumilong sa seven eleven. Pumasok ako sa loob at kumuha ng iilang biscuits at chichirya. Paubos na rin naman ang stock ng biscuits at chichirya ko sa bahay. Mahilig kasi si Sunshine at iyun ang minsan niyang kinakain.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas ako at naghintay ng taxi o jeep na masasakyan, kahit tricycle basta't makauwi lang.
Nilalamok ako kakatayo at kakahintay. Hindi na masyadong dumadaan ang mga sasakyan dahil sa lakas ng ulan at mabilis ding bumaha ng hanggang paa.
Bakit ngayon pa? Feeling ko maiiyak na ako sa inis. Ang dami ko pang dala.
Tumabi ako sa gilid dahil may humintong itim na sasakyan sa harap ko, baka bibili diba? Magpapainit dahil sobrang ginaw na at lakas ng ulan.
Binaba niya ang car window at dumungaw. Nalaglag ang panga ko,
"Hop in.."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
