Chapter 37

733 18 0
                                        

Gabi na at sa wakas ay tumigil na ang malakas na ulan. Naghahanda ako ngayon dahil ngayon kami uuwi ni Hades.

Na-miss ko yung mansion at sina Sunny. Kahit naiinis ako minsan sa pagmumukha ni Sunny ay mahal ko yon kahit may topak.

Nagpapalit pa siya ng damit kaya ako naghihintay sa labas. Tinignan ko ang oras, 7:00 pm. Sa labas nalang daw kami kakain dahil wala naman kaming maluto dito.

Kumukulo na ang tiyan ko, ano pa bang ginagawa ni Hades sa loob? Ilang segundo bago siya lumabas.

"Tagal mo namang magbihis. Nagbihis ka lang ba talaga o may iba kang ginawa sa loob?" nakangising asar ko sa kanya. Ang seryoso niyang emosyon ay napalitan ng ngisi.

Nawala tuloy ang ngiti ko nang ngumiti siya saakin.

"T-tara na, gutom na ako." wika ko at naunang lumabas. Sumunod siya saakin hanggang sa makasakay kami sa elevator. Tahimik lang kami sa loob ng elevator.

Awkward.

Napahinga ako ng maluwag nang tumunog abg elevator at bumukas. Nauna siyang lumabas, sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

Pumasok ako sa loob at nagseatbelt. Pinaharurot niya rin kaagad ang sasakyan hanggang sa huminto kami sa isang food chain. Biglang bumuhos ang ulan, narinig ko ang mura niya bago lumabas at tumakbo sa loob.

Hindi pa pala tapos ang bagyong to?!

Akmang susunod ako ng bigla siyang sumigaw. "Stay right there!"

Siya lang kakain sa loob?

Nanatili ako doon habang nakatitig sa patak ng ulan. Ilang minuto akong ganoon nang sa wakas ay pumasok na si Hades habang dala-dala ang sapot ng pagkain.

"Bakit ka pa nagtake-out? Pwede namang doon tayo kumain para hindi ka na nabasa."

"Mababasa ka."

"Magkakasakit ka naman!"

Napabuga siya ng hangin at pinahinaan ang aircon. Binigay niya saakin ang isang sapot. Mahina akong napamura nang makitang malamig na softdrinks ang binili niya.

Lutang ba siya? Ang lamig-lamig ng panahon, malamig din ba ang iinom namin? Malamig din ang pakikitungo niya. Ano to, trip-trip lang?

"Hades, bakit malamig na softdrinks ang binili mo? Lalo tayong lalamigin nito."

"Then don't drink."

"Seryoso?"

"Yes... acho!"

Napahinto ako at tumingin sa kanya na ngayon ay nakahawak sa namumula nitong ilong. Napabuntong-hininga ako. Ang tigas-tigas kasi ng ulo. Nakarma tuloy, deserve!

Padabog kong kinuha ang free tissue sa supot at binigay iyon sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Alam mo, napakatigas ng ulo mo."

"Don't worry, may malapit na cafe dito. Doon muna tayo pansamantala."

Tinikom ko nalang ang bibig ko at hinayaan siya. Sana ay dinala ko yung payong sa apartment. Tama nga siya, may malapit na cafe.

"Wala ka bang payong dito?" tanong ko.

"Oh yeah i forgot." tarantang wika niya at may kinuhang payong sa likod. Umiwas ako ng tingin at napahilamos sabay buntong-hininga.

_

Wala siyang tigil sa pagsinghot habang sumisimsim ng kape. Ang bobo ng lalaking ito, nagpaulan pa talaga may payong naman. Kakalabas niya noon sa sasakyan at kasabay non ay biglaang pagbuhos ng ulan. Mas pinili niya pang tumakbo at hinayaan na magpaulan.

Ang lakas pa ng aircon sa loob tapos nagpaulan sabay inon ng malamig na softdrinks.

Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking to.

"Stop staring."

Nagulat ako sabay iwas ng tingin. Inirapan ko siya, feeling niya masyado. May iniisip lang ako tapos tinititigan siya? Asa.

"Feeling."

"Sungit mo ngayon ah, may period for today?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ako nagpatalo, sinamaan ko rin siya ng tingin para patas.

"Hala, suplado mode na naman tayo for today. Ano naman nakain mo at ang sungit mo today?"

"Stop it, woman."

"Oh? Totoo naman ah, minsan anghel ka, minsan naman demonyo. Minsan mabait, minsan suplado."

"Ah, tinotuyo ka ngayon?" Dagdag ko.

"I said stop!"

"Oo na, ito naman. Highblood!"

Inirapan ako ng gago bago sumimsim ng kape. Nang maubos ay kinuha niya ang akin at ininom niya ito.

"Hoy!"

Hindi niya ako pinansin,

"Sige sayo na yan, pasalamat ka may sipon ka ngayon."

Tumayo siya at nag-order uli ng dalawang kape. Napangiti ako, bumili ata siya para saakin dahil ininom niya yung akin.

Nang dumating ay lalong lumaki ang ngiti ko sa labi ngunit agad ding nawala dahil noong akmang kukunin ko sana yung isa ay mabilis niyang nilayo saakin.

"Nakita mo ba yung teddy ko?" tanong ko habang nakatitig sa tasa niya.

"I accidentally threw it in the trashcan."

"B-Bakit? Paano?" naiiyak na tanong ko. Syempre pinaghirapan ko yun tapos yung pinsan niya ang nakakuha.

"I’m sorry, I accidentally threw it in the trashcan because it was in the car. I thought that was rubbish."

Lalong hindi maipinta ang mukha ko. Basura? Nahulog ko ata noong nakatulog ako.

"Important ba sayo yun?" Tanong niya saakin. Tumango ako bilang sagot.

"Why? because my cousin gave it to you?"

"Hindi, malamang. Ang laki ng gastos ko."

"I'll buy you a dozen of stuff toys. Now, smile."

Pilit akong ngumiti, syempre nanghihinayang ako dahil ang laki ng nagastos ko para doon tapos trial lang pala.

"Hey, smile. Natural smile." mariin niyang wika. Ngumiti ulit ako nang totoo, atlease bumabawi siya diba? Pero sayang pa din.

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon