Nilalamig ako sa loob ng sasakyan. Tahimik ang byahe patungo saamin. Malakas kasi ang aircon sa loob. Kinuha ko ang cellphone at nagtext kay Sunshine.
Tinatanong ko lang na kumain na ba yun para mabilhan ko ng pagkain pag hindi pa. Mabuti nalang at tapos na.
Kunot-noo kong pinagmasdan ang daan na aming tinatahak. Paano niya nalaman ang daan ng address ko? Wala siyang tinanong tungkol sa address ko.
"Dito nalang ako.." wika ko sabay turo karenderya kung saan ako minsan bumili ng pagkain. Maglalakad nalang ako papunta sa apartment, hindi naman masyadong malayo.
Hindi siya huminto at binalewala ang sinabi ko.
"Diyan nalang ako, Hades." sumulyap siya saakin bago binalik ang tingin sa daan. Nakatitig sa kotse ang mga tao, bihira lang mga ganitong kotse saamin kaya agaw-pansin.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil hindi na naman siya huminto.
"Dito nalang ako banda, Hades. Lalakarin ko nalan--"
"Stop! Ihahatid kita sa apartment mo." inis na tugon niya. Mas lalo akong kinabahan, hindi dahil sa nainis ko siya pero paano niya nalamang nasa apartment ako nakatira? Ilang taon akong nabuhay doon pero wala akong napansing Hades.
"P-Paano mo nalaman address ko?" paos na tanong ko. Pinilit ko ang sarili kong magtanong kahit natatakot. Sobra na ang kuryosidad kong malaman kung bakit niya alam address ko.
Napansin ko na tila natauhan siya at huminto sa gate ng apartment. Doon ko na-kumpirmang alam nga niya ang address ko. Ano, Hades? Stalker ka ba?
Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago sumagot, "I just know.." sagot niya.
Anong I just know? Magic, ganun?
"I-ni-is-stalk mo ba ako?" nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.
"No and stop asking me why I know your address." malamig na wika niya. Ang kaninang kinakabahan ay napalitan ng inis.
Inis akong bumaba at pumasok sa gate ng apartment ng walang salamat sa paghatid. Pumasok ako sa apartment at padabog na sinara iyon.
Nakaupo si Sunshine sa sofa habang nag-aaral. Nagulat siya sa lakas ng tunog noong pagsara ko sa pintuan. Patago akong sumilip sa bintana at nakitang hindi pa siya umaalis.
Hindi ko siya kita dahil tinted naman ang kotse. Pumasok ako sa kwarto at pabagsak na humiga. Nawalan na tuloy ako ng ganang bumisita roon.
Ang dami ko ng iisipin, dumagdag pa to. Napabuntong-hininga ako at pinakalma ang sarili. Maghahanap na muna ako ng excuse sa susunod na weekend.
Bakit ko ba binibigdeal?
Nakatulog ako sa pagod. Nagising ako na hapon na at gutom. Lumabas ako at kumain. Mabilis natapos ang weekend at may pasok na naman ako.
Bumaba ako ng jeep at pumasok sa school.
"Let me help you, Ma'am Corie." sambit ng isang batang lalaki at kinuha ang dala kong mga gamit. "Thank you.."
Nang makarating sa classroom ay nagpasalamat ulit ako. Mabigat ang dala ko pero mabuti nalang at tinulungan ako.
Papasok na sana ako pero huminto rin kaagad at sumilip.
Si Dianne at Riyu, naghahalikan! Mabuti nalang at maaga at walang mga batang nakakita.
"Hoy!" sita ko dahil baka makita pa sila. Kapal, sa school pa talaga ng hahalikan. Nagulat sila at napatingin sa gawi ko.
"PDA sa school. Mamaya may makakitang mga bata." wika ko sabay iling. Pumasok na ako sa loob at nilapag ang mga gamit.
Sunod-sunod na mga bata ang dumating. Walang klase o gagawin ang iba bukod sa mga honors at may awards.
Nagpractice lang ang mga kasali kaya kaunti nalang ang estudyante ko.
"Let's play a game."
Ang kaninang tahimik at walang ganang mga bata ay napalitan ng excitement. Mabilis silang tumayo at nakinig sa instruction.
Gumawa ako ng team. Team A vs Team B.
Ang gagawin ay padamihan ng puntos sa math problems. Nalungkot sila dahil math pero sabi ko naman may premyo kaya umalerto.
Natapos ang laro at ang Team B ang nanalo. Mabilis na natapos ang klase. Uwian na!
"Hatid na kita, Ma'am Corie." si Riyu.
Umiling ako at ngumisi, "Naku, makakaistorbo ako sa inyo. Wag na!"
"Sure ka?"
Tumango ako kaya umalis sila, nag-aalinlangan pa pero kinumbinsi ko. Bebe time na nila yun.
Papara na sana ang ng jeep nang may humintong itim na kotse sa harap ko. Kunot-noo kong pinagmasdan ang kotse bago narealize na kay Hades to.
"Hop in.."
Mabilis akong umiling, "Mag-co-commute nalang ako."
"Sakay."
"Hindi na--"
"May utang akong dare sayo."
Natahimik ako at kalaunan ay tumayo. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.
"Dinner?"
"Huh?"
"I'll treat you dinner."
Napalunok ako at umiling, "Hindi na." gusto ko sanang sabihin na nahihiya ako pero hindi ko tinuloy.
"That's my dare. Say yes."
Napabuntong-hininga ako at tumango. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Seatbelt."
"Huh?"
Napabuga siya ng hangin at lumapit saakin. Sinuotan niya ako ng seatbelt. Lalo akong kinabahan, ang pisngi niya ay halos magkadikit na sa ilong ko.
Napahinto ako sa paghinga at napalunok. Parang nasa karera ang puso ko, kulang nalang ay sumabog sa lakas.
Pagkatapos ay bumalik siya sa pwesto at nagmaneho. Gusto ko nang bumaba!
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
