Kaya favorite place ko to dahil ang presko ng hangin. Parang nasa heaven ka na pero wag na naman sana. Marami pa akong gagawin sa buhay ko.
Oo nga pala, nagkausap kami ni Ma'am Claudia kanina about sa plano ko. Bigla ko tuloy naalala si Hades. Pano kung hindi na nya talaga mapatawad ang kanyang ina?
Bigla kong naalala si Leviano. Sana nandito rin siya para kwentohan ulit ako. Boring kasi parang gusto ko ng chismis.
Nakangiti ako habang nakamasid sa rosas na sumasayaw kasabay ng hangin. Mahirap mag-isa, masakit iwan ng mahal mo. Kaya kung ako sa inyo, maghanda kayo dahil hindi lahat ng tao ay palaging nandiyan sa tabi mo.
Sunny POV
Sana all, chill lang.
Parang gusto ko rin siyang samahan. Chill at happy. Sarap ng buhay.
"Ate, kanina may naghahanap sayong lalaki. Jowa mo ba yun?" tanong saakin ni Sunshine.
Naghahanap? Lalaki? Jowa?
Nung panahon pa ata nina Rizal ako nagjowa. Kahit manliligaw ayaw ata mangligaw saakin. 1 araw nga lang kami nung ex ko noon. Hindi ata ako nakayanan
"Gwapo?"
Hindi siya sumagot. Hinayaan ko nalang at saktong nakarating kami sa laundry room. Kami nga pala ang pinalaba ng damit ni Sir Marcus. Ang bango kahit madumi na. Halatang mamahalin ang purfume.
Nauna siyang pumasok at nilapag ang dalang basket.
"Sunshine, matanong ko lang ulit. Ayaw mo ba talagang mag-aral?"
Napahinto siya. Simula kasi nung nawala si Mama at nagkasakit rin si Papa dahil kung bakit siya huminto siya sa pag-aaral. Walang choice eh, kailangan magtrabaho dahil nasa ospital si papa. Ganyan talaga pag-mahirap lang.
"Ate, kailangan kong magtrabaho para ka--"
"Hindi mo na kailangan, Sunshine. Bata ka pa, kailangan mong mag-aral dahil doon gaganda ang kinabukasan mo." putol ko sa sasabihin nya
"Ate.... Paano naman si Pap--"
"Ako na ang bahala. Nabayaran naman natin ang bill ni papa at yung mga utang natin. Ayaw mo nun? Mas gaganda ang trabaho mo. Diba gusto mong maging isang teacher? Kaya mag-aral ka, Sunshine dahil hihintayin ka namin ni Papa na hawak hawak ang diploma." nakangiteng wika ko.
Sa ngayon, sapat na ang kita namin para sa pagpapagamot kay papa at pagpapa-aral kay Sunshine. Malaki ang sahod dito, kahit maid lang pero ayaw ko naman hanggang maid lang kami. Mas maganda pag may magandang trabaho dahil anytime pwede kaming mapatalsik sa mansyon na to.
Basta, sa pasukan. Mag-aaral na si Sunshine. Matalino kasi kaysa saakin. Sayang naman ang talino diba? Marami pa na namang bobo sa pilipinas.
Sayang ang utak.
Corielyn POV
Kinabukasan nagising ako ng maaga. Ngayon makakalabas si Hades kasama si Charles. Mamayang lunch daw kaya may oras pa ako sa umaga.
Napatingin ako sa phone ko ng magring ito.
["Hello, Corie?] wika sa kabilang linya.
"Yes po?" sagot ko.
["Ready na ang lahat dito. Make sure that makarating kayo especially Hades"]
"Opo. Promise ko po yan" nakangiting sagot ko. Bago pinatay ang tawag.
Dumiretsyo ako sa kusina. Walang tao sa loob kaya pumasok ako. Lumapit ako sa lababo nv makitang may kubyertos at mga platong nagamit.
Sino na naman ang hindi naghugas dito?
Wala akong choice at hinugasan ang mga platong ginamitan. Baka makita to ng amo namin.
Pagkatapos kong hugasan ay bumungad saakin si Manang na bihis na bihis. Siya ang maghahatid kay Hades at Charles.
May plano kasi kaming lunch date ng pamilya. Kinansel ni Sir Marcus at Ma'am Claudia ang kanilang trabaho. Hindi naman makaayaw si Sir kay Ma'am. Support rin naman si Sir sa plano namin.
After kasi nung sabihan ko siya na bumawi nalang kay Hades ay nagustuhan nya. Kaya ito kami ngayon.
Mamayang 12 PM kami pupunta doon. Nagbihis lang ako ng Black na T-shirt at jeans.
Imbis na uuwi sa mansion ay didiretsyo kami sa mismong lokasyon kung saan ang lunch date. Date ng pamilya nila.
Nakangiti ako habang nagbabyahe kami papuntang ospital. Sana magustuhan nila to. Simple lunch date lang naman.
Umabot ang ngiti ko sa tenga ng huminto kami. Pumasok ako sa loob ng restaurant. Gaya ng sabi ko, simpleng restaurant lang ang kinuha ko.
Pumasok ako sa loob ng restaurant at naabutan si Ma'am Claudia na busy sa pag-aayos. Hindi pa pala sila tapos?
"Oh, here you are" bungad saakin ni Ma'am. Sila Manang ang sumundo kina Hades at Charles. Kailangan nandito ako kasi ako ang nagplano. Diba?
"I hope he will like it" nakangiting ani ni Ma'am. Ngumiti ako, dapat lang dahil kung hindi patay saakin si Hades. Nag-effort si Ma'am kaya dapat magustuhan nya.
Alaman kong hindi ito sapat kaya marami akong inisip. Puyat masyado pero worth it naman. Nagpaalam si Ma'am na pupuntahan ang asawang hirap na i-arrange ang mga upuan.
Halata dahil sa tagaktak na pawis. Napangiti ako ng lumapit si Ma'am dito at pinunasan ang asawa. Sweet.
Hinayaan ko silang maglambingan. Pati ata suka at asin lalanggamin dahil sa sweet. Sakit sa eyes.
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad saamin si Charles at Hades. Lumayo ako ng kaunti. Kailangan nila to, kaya labas ako dito.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
