Hindi ko maiwasang pagdudahan si Hades. May nangyari kaya kanina? Kung magtatanong kaya ako kay Tita, baka may alam yun.
Nakatulog siya ng mahimbing. Sinamantala ko ang pagkakataon ko. Tumayo ako at iniwan siya roon. Lumabas ako ng hotel room at sumakay sa elevator.
Pinindot ko iyong ground floor at kaagad itong sumara. Wala namang akong ibang kasama sa loob. Hindi nagtagal ay tumunog ito at bumukas.
Lumabas ako sa building at nilibot ang tingin, hinahanap sina Tita. Napahinto ako ng makita si Charles sa isang gilid. Lumapit ako, "Charles," tawag ko sa kanya.
Bubuka na sana ang bibig ko, "May sinabi sayo si Kuya?" seryosong tanong nito saakin habang nakatitig sa malayo. Kunot-noo akong umiling. Tumango naman siya, ngayon alam kong may mali talaga. May nangyayari pero hindi naman sinasabi saakin ni Hades.
"May alam ka ba kung bakit nagkakaganun kuya mo?" Napunta saakin ang titig niya. Umiling-iling siya at may binulong na hindi ko marinig.
"It's not my position to tell you about it. Ask your lover, not me." seryosong sagot nito. Kahit gusto kong prumotesta ay tumahimik nalang ako. Tama nga naman, bakit ko ba tinanong sa kanya kung pwedeng magtanong kay Hades? Pero hindi niya ako sinasagot, kahit anong pilit ko. Palagi niyag iniiwasan iyon sa tuwing magtatanong ako.
Napabuntong-hininga ako at umalis doon ng may bigat na nararamdaman. Imbis na bumalik sa hotel room ay dumiretsyo ako sa pinakasulok ng beach.
Nakita kong may iilang mga batang naliligo at mga mangingisda sa malayo. Hanggang doon lang siguro ang dulo ng beach. Umupo ako sa malaking ugat ng kahoy at pinagsikop ang buhok ko na tinatangay ng hangin.
May kutob akong masama. Hindi ko lang alam.
Nagtagal ako dito ng ilang oras. Ang tirik na tirik na araw ay unting unting nawala. Tumayo ako at napagpasyahang bumalik.
Pumasok ako ng hotel at sumakay ng elevator patungo sa pang-apat na palapag. Hinanda ko ang spare key ng hotel room. Natigilan ako dahil kay Garlea. Ngumiti siya at mabilis na umalis. Weirdo.
Pumasok ako sa hotel room at naabutan si Hades na nakaupo sa kama. Nakatukod ang siko sa hita habang nakatitig sa pinto kung saan ako nakatayo.
"Where have you been, Love?" malambing na tanong nito saakin. Kung kanina ay mukhang frustrated, ngayon ay napalitan ng lambing. May problema pero hindi ako inform.
"Diyan lang. Mag-uusap tayo, Hades. May hindi ka sinasabi saakin." seryosong tugon ko. Umayos siya ng upo at lumapit saakin.
"Are you hungry? You must be tired. I'll order fo--" hindi ko na siya pinatapos, palagi nalang niyang iniiwasan ang mga tanong ko. Hindi naman sa nangingialam ako pero girlfriend niya ako at may karapatan din akong malaman kung ano ang problema o nangyayari sa buhay niya.
"Hindi ako gutom, mag-uusap tayo." mariing asik ko sa kanya. Umupo ako sa kama at tinitigan siya. Nakatayo siya sa harap ko at umiiwas ng tingin.
"Anong problema mo?" malamig na tanong ko. Bumuntong-hininga siya at lumapit saakin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"Love, huwag ka ng mangialam, please. It's my problem, not yours. Okay? I love you." akmang hahalikan na niya sana ako ngunit umiwas ako.
Huwag mangialam?
"Girlfriend mo ako, Hades. Gusto kong malaman kung anong problema mo pero kung ayaw mo, bahala ka sa buhay mo. Tutal ayaw mo naman akong mangialam sa problema mo, huwag ka rin mangialam sa problema ko--"
"I'll tell, okay? Just give me some time. I'll solve it first."
Pagod akong tumango at lumayo sa kanya. Lumapit ako sa luggage at kumuha ng damit. Kinuha ko rin iyong nakatuping tuwalya at pumasok sa banyo.
In-on ko ang shower at naligo. Nagtagal ako roon ng ilang oras, doon ko pinaglipas ang init ng nararamdaman ko. Naabutan ko siyang nakaupo sa upuan at naghihintay saakin.
"It's already dinner. I ordered some food." wika nito at inayos ang pagkaing nakahanda sa maliit naming lamesa. Kinuha ko ang suklay at nagsuklay sa buhok.
Umupo ako sa harap niya at hindi siya matignan. Inaamin ko na nagtatampo ako, kasalanan ko naman.
Sumandok ako ng kanin at iilang ulam.
"You should eat more." sabi ni Hades ng mapansing maliit lang ang kakainin ko. Hindi pa naman ako gutom pero hinintay pala ako kaya sumabay nalang ako.
Hindi ako sumagot bagkus ay pinagpatuloy ko lang ang pagkain at hindi sinunod ang utos niyang kumain pa ako ng marami. Nag-order din pala siya ng dessert.
Tumahimik din siya ng mapansing tahimik ako.
"Are you mad?"
Hindi ba obvious?
Imbis na sagutin ay tumayo ako, "Tapos na ako.." wika ko ng hindi siya nililingon. Inayos ko iyong kama, maaga nalang akong matutulog. Nawala yung gana kong gawin iyong plano ko kaninang maglakad lakad sa dalampasigan o kaya'y makinig sa live band sa labas.
Nakita kong niligpit niya iyong pinagkainan namin. Humiga ako at gumilid, tinatalikuran siya. Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko at lumapit saakin.
"I'm sorry..." bulong niya sa tenga ko. Napangiwi ako dahil sa kiliti. Pinalupot niya ang braso sa bewang ko at tsaka ako pinaharap. Pumiglas pa ako pero sa huli ay nagawa niya akong makulong sa bisig niya.
"I'm sorry, Love. I'll tell you in the right time."
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
