"Ang tagal mo! What takes you so long?" halata na iritado saakin ni Hades. Napatingin siya sa suot ko, ano? Maganda ba?
Mas maganda yung nagsuot!
"Sus! Na-miss moko? Tara na." Nakangiting sagot ko. Ang laki ng ngiti ko ngayon dahil nasuot ko ulit si Baby t-shirt.
Nauna akong bumaba. Taas kilay akong pinagmasdan ni Sunny na bumaba na parang nagtatanong saakin na, Anong gagawin nyo? Saan kayo pupunta?
Kanina kasi ay pinilit niyang magtrabaho kahit pinagsabihan ko ng wag dahil kailan nya muna magpahinga. Hindi daw porke't may sakit siya ay hindi na siya magtatrabaho. Wala akong magagawa, buhay niya kasi yun. Hindi naman pwedeng ako ang magpapasya sa kanya.
Dahil mabilis at malaki ang mga hakbang ni Hades ay naunahan niya ako sa paglalakad. Dumiretsyo siya sa garahe, ako ay parang tuta na sunod ng sunod sa kanya.
May pinindot siya dahilan upang umingay ang sasakyan niyang Ferrari. Nalaglag ang panga ko sa nakita. Yaman talaga,
Sumunod ako sa kanya at binuksan ang passenger seat. Umupo kaagad ako. Bango naman, mas mabango pa ata ang sasakyan kaysa saakin. Alagang-alaga.
Parang nagpeperfume.
Pinaandar niya ito patungo sa gate, patakbong binuksan ng guard ang gate. Cute naman ni Manong Guard habang tumatakbo, umaalag ang tiyan.
Nang mabuksan ay pinaharurot niya kaagad ito. Napahawak ako sa gilid para sa suporta. Shit, nakalimutan kong magseat belt.
Mukhang napansin niya kaya humina ang pagpapatakbo niya. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Nagseatbelt kaagad ako.
Tahimik lang kami sa byahe, mga nasa 10 minutes ang byahe. Malaki ang mall,
Nagpark kami sa parking area at nauna siyang lumabas. Sumunod saakin ako.
Patungo na kami sa mall. Dahil nga matangkad si Hades ay malalaki ang hakbang niya, doble sa hakbang ko. Patakbo akong naglakad para makasunod.
Sinubukan kong abutin ang kamay niya para pahintuin siya. Nang maabot ko ito ay huminto siya at tinignan ang magkahawak naming kamay.
Mahigpit ito dahil baka makawala, kanina ko pa inaabot ang kamay niya para pahintuin siya.
"Teka lang..." hingal sa wika ko at sinenyasan siya. Bumawi ako sa paghinga, "Masyado kang mabilis, hinay hinay lang. Mahina ang kalaban." Hingal paring wika ko.
Nauna akong maglakad,
Tahimik pa din siya hanggang sa makarating kami sa national's book store. May bibilhin daw siya sa dito sabi niya noong nasa sasakyan kami.
Pinagmasdan ko ang sapatos ko, ganda naman ng sapatos. Nauna akong pumasok at dumiretsyo sa book shelves. Bibili kasi siya ng bagong libro.
"Sis, tignan mo. Ang cute nila oh, gusto ko din ng ganyan sa relationship. Bagay na bagay! Ang hot pa ni Boy, chupapi!" mahinang bulong ng babae sa kasama nyang babae.
Huh?
"Ah, oo nga. Holding hands pa! Swerte nung girl." Bawi nama ng kasama niyang babae na nakasuot ng glasses.
H-Holding hades?
Napatingin ako sa kamay ko at nang makitang mahigpit ang pagkahawak sa kamay ni Hades ay mabilis akong bumitaw. Mukhang nagulat si Hades habang hawak ang isang libro.
Nakita ko ang reaksyon niya, mukhang disappointed. Anyare dito? Hindi nya ba narinig yung bulong ng mga babae kanina. Nasa gilid lang kasi sila.
Namula ako ng maalala ang bulongan. Relationship? Holding hands?
Sana hindi ko na sinuot itong damit na to para hindi kami mapagkamalang magjowa. Napakatanga ko kasi, nakalimutan kong bumitaw. Bakit ko ba nakalimutan?
Patuloy lang siya sa paghahanap kaya nagkunwari din akong may hinahanap kahit hindi ko kayang bilhin, mahal kaya. Awkward naman na nakatayo lang ako sa gilid.
"Would you rather this or that?" tanong niya saakin habang tinuturo ang libro sa shelve at sa hawak niya.
Hala, simple naman. Both! Afford niya naman.
"Both, makakabili ka naman." sagot ko at nagkunwari ulit na naghahanap ng libro.
Mahina siyang tumawa at sumagot ng okay. May ilan pa siyang binili at pagkatapos ay pinakacashier.
Pagkatapos, ay nagpaalam akong magcr at sinabi niya ring mabilis lang siyang bibili ng mga damit.
Nagtanong-tanong ako kung nasan ang restroom. Pumasok ako sa mga cubicle at umihi.
Pagkatapos ay naghugas lang ako ng kamay at bumalik. Naabutan ko doon si Hades na nakatayo habang hawak-hawak ang mga paper bag. Ang bilis ha, sabagay kung ano gusto bili agad.
Nang makita ako ay binigay niya saakin ang lahat ng dala at naunang maglakad. Ang bigat naman! Napakawalang hiya ng lalaking iyun.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa jollibee. Gutom na gutom na daw kasi siya at ito ang una naming nahanap kaya dito nalang kami.
Siya na mag-oorder, inutusan nga lang akong maghanap ng upuan. Pinili ko ang pinakagilid at umupo doon.
Kinuha ko ang phone ko at napatingin sa oras. Saktong alas 12 na kaya kumakalam na ang sikmura ni Hades.
Nang makabalik siya ay dala-dala na niya ang isang tray. Nag-order lang siya ng 2 large fries, coke, at dalawang spaghetti.
Pagkalapag niya ay mabilis siyang umupo at nagsimulang kumain. Hindi man lang ako pinansin.
Bahala siya.
Kinuha ko ang coke at uminom. Napahinto naman siya sa pagkain at tinaasan ako ng kilay. Problema na naman nito?
"Kumain ka muna! Huwag kang iinom kung wala pang laman iyang tiyan mo." inis na sabat niya saakin, kinuha ang hawak kong basong coke at nilapag sa mesa.
Lalo akong nainis, nauhaw lang ako! Oa.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
