"Wow, patapos na rin." manghang wika ko habang nakatitig sa bahay na pinapagawa ni Hades. Wala sa sarili kong hinaplos ang tiyan. May lamang bata dito, 15 weeks.
Kakatapos lang ng kasal namin ni Hades. Gaya ng gusto ko, simple lang ito. Naganap sa islang dati ko ng napuntahan, iyong pagmamay-ari nila.
"Oh, tapos ka na? Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Charles. May chineck siya dito kaya sumabay na ako para tignan ang bahay.
"Yeah, I'll still have a appointment today. I'll drop you by."
Tumango ako at pumasok sa kotse. Busy kasi si Hades sa trabaho. Boring naman sa mansion kaya sumama ako. May kaunting dinner celebration sa mansion para sa gender reveal ng baby ko, namin pala.
"Salamat sa paghatid, Charles. Ingat ka!"
Pumasok ako sa loob at naabutan ko si Mama na hindi mapakali. Noong nakita niya ako ay doon ito napakali.
"Where have you been?"
"Bumisita lang ako sa pinapatayong bahay. Hindi na ako nagpaalam, saglit lang naman eh."
Umupo ako sa malaking sofa at kumuha ng honey biscuits sa mesa. Maladonya na ang buhay ko dahil wala akong ginagawa magdamag. Ayaw nila akong payagan eh, makakasama daw.
Kinuha ko ang cellphone ko, bumuntong hininga si Mom na para bang isa akong malaking problema.
Hades:
Mom texted me, where have you been?
Corie:
Isa kapa, dumalaw lang ako sa bahay natin. Kasama ko kapatid mo.
Excited ako mamaya dahil malalaman ko na ang gender ng baby ko. Pumunta ako sa taas at pumasok sa kwarto namin ni Hades. Pabagsak akong humiga sa kama.
Nagising ako sa katok ng pinto, "Ma'am, pinapatawag na po kayo sa baba." boses iyun ng katulong.
Lumapit ako sa salamin at inayos ang sarili. Nagpalit din ako ng damit. Kami-kami lang naman. Bumaba ako ng hagdanan. Bago pa ako makapasok sa loob ng kusina ay narinig ko ang busina ng kotse ni Hades sa labas.
Lumapit ako sa front door at binuksan iyun. Ngumiti ako at lumapit kay Hades. Nagulat pa ito noong nakita ako. Halata sa kanya ang pagod at puyat.
Hinila ko siya at siniil ng halik, "Sakto nakarating ka sa tamang oras."
Sabay kaming pumasok sa loob. May iilang balloon at decorations ang nakadecorate sa loob. May cake ito na may design na female and male gender. Hihiwain lang ang cake at makikita sa loob ang kulay. Blue kung lalaki at pink kung babae.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Narinig ko ang busina ng kotse sa labas. Sina Charles sa siguro iyun.
Umupo kaming dalawa ni Hades. Kumpleto na kaming lahat except kay Charles. Narito si Mom, Dad, Tita Coreen, Tito Eric, Logan, Levi, Lorenzo, Steeve at si Yuri.
May kasamang babae si Logan kaya halos nasa kanila ang atensyon. Tiffany ata ang pangalan, first time kasing nag-uwi si Logan ng babae, fiance raw. Lahat kami napatingin kay Charles at sa kasama niyang.......babae.
"This is Heaven," pakilala nito. Maganda rin naman gaya ni Tiffany kaso mas mukha syang elegante, mayaman ata. May lahi atang German.
Pinaupo nila ito sa harap namin. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan sila. Tahimik lang si Heaven habang si Tiffany ay nakikipag-usap. Nagulat nga ako eh, may fiance agad bigla-bigla itong si Logan habang sila pa ni Abby last week.
Nang matapos kumain, tumayo kami ni Hades. Ito na, oras na. Tumayo si Levi at Steeve para ihanda ang party poppers.
"Now, it's time." si Tita Coreen
Kinuha ni Hades ang kutsilyo at inilapit sa cake. Hindi na ako makapaghihintay.
"Holding hands kayo habang nagsli-slice." si Mom
Bago pa namin ma-is-slice ang cake ay biglang pumutok ang party poppers at kulay blue ang lumabas. Lahat sila napahiyaw at nagreklamo kay Levi.
"Opps, sorry. It's an accident." wika ni Levi na para bang inosente siya. Ngumiti ako at palihim na niyakap si Hades.
"It's a boy!" sigaw ni Yuri at tumalon-talon.
Lahat sila ay naghiyawan lalo na sina Levi at Dad dahil nagpustahan sila kung ano ang gender ng baby.
Abot-langit ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang paligid. Kanya-kanya na sila sa pagkuha ng perang napanalohan. Isa na dito si Mom.
"I love you so much, my two baby." narinig kong bulong ni Hades sa tenga ko bago ako hinalikan sa pisnge.
I giggled.
"Congratulations!"
++
Nag-inuman na sila Tito Eric, Levi, at Dad ng hard drinks. Naunang umuwi si Heaven at Charles habang nanatili naman si Tiffany at Logan. Natapos lang ang inuman nina Levi noong napilitang umuwi si Tito Eric dahil lasing na lasing na si Tita Coreen. Si Dad rin dahil naging wild si Mom. Kahit si Tiffany ay hindi lumagpas.
Hindi uminom si Hades, ewan kung bakit. May binulong lang siya kina Dad tapos hinayaan lang.
"Ano ba, kanina ka pa!" inis na asik ko kay Hades. Kung saan-saan naglalakbay ang kamay.
"Let's go upstairs."
++
"Sabi mo pagod ka, bakit--"
"I have a high stamina. I'm gonna pleasure you."
Tinulak ko siya sa ibabaw ko at binulungan. "Next time, masakit likod ko."
"Hindi kita papagurin. Let's make it a quick."
Tumawa ako at tumango.
"Really? I am just kidding--"
"Pero kung ayaw mo edi wag--" hindi niya ako pinatapos at binigyan ako ng halik.
BINABASA MO ANG
The Beast and His Babysitter
RomanceCorielyn Almirah Sonerro wants to revenge to the person who killed her mother. Her father died because of a car accident. Corielyn was orphaned at the age of eight because of having no money and being abused by the father that's why she left the hou...
