Chapter 61

672 18 0
                                        

"Hop in.." malamig na wika nito. Naestatwa ako at hindi makagalaw.

"H-Huh? H-Hindi na, maghihintay nalang ako ng masasakyan." sambit ko at umiwas ng tingin. Hindi siya sumagot bagkus ay binusinahan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay, galit ba to?

"Ma'am Corie, sakay ka na saakin. Ituro mo kung saan ang location, hindi ko mahanap." sabay kaming napalingon ni Hades kay Riyu.

Napahinga ako ng maluwag, "Kay Riyu nalang ako sasakay. Salamat!" sambit ko at pumasok sa sasakyan. Tuloy pa ba ang blind date nina Dianne? May bagyo pa.

Nakita kong naunang pinaharurot ni Hades ang sasakyan niya at mabilis na nagpatakbo. Pinaandar na ni Riyu ang kanyang sasakyan.

"Dito oh.. Ayun si Dianne nakaupo!" wika ko sabay turo ka Dianne na nakaupo sa two-seater table. Mukhang may hinihintay. Lumabas ako at sumakay sa tricycle na nakaparada lang sa gilid.

"Salamat, Ma'am Corie!"

"Sige, Sir!"

Si Sunshine, nakauwi na kaya iyong babaeng iyun?

Bumaba ako at nagbayad. Binuksan ko ang payong at tinakbo ang apartment. Mabuti nalang at medyo humina ang ulan. Malakas ang ulan kanina kaya may baha na sa iilang lugar.

Nilalamig ako nang makarating ako sa loob. Kasabay nun ang kaba, mabuti nalang at naroon si Riyu kung hindi ay baka mawalan ako ng choice at sumakay nalang sa kanya.

Nagsaing ako at bumili ng ulam sa kapitbahay. Hindi ko napansing nakauwi na si Sunshine sa kakaisip ko sa nangyari kanina. Sabay kaming kumain at pagkatapos ay siya na ang nagligpit.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga. Hindi ko alam kung tuloy pa ba ang klase sa mga bata bukas. Lumabas ako at uminom ng tubig, saktong narinig ko ang balita sa telebisyon.

Walang pasok sa lahat ng mag-aaral bukas maliban sa mga kolehiyo. Nakita ko pa ang reaksyon ni Sunshine, nakabusangot. Hindi siguro makapaniwalang hindi sila kasali.

Kinabukasan ay pumasok ako sa klase. Yung mga estudyante lang naman ang walang pasok samantalang kami meron.

Akala ko kasali kami. Nagulat na lang ako ng tawagan ako ng isa sa mga guro at tinanong kung papasok ba ako.

Waterproof ba kaming mga guro?

Inayos ko ang nakatambak na mga libro sa baba ng blackboard. Hindi pumasok sina Riyu at Dianne. Ano kaya nangyari sa dalawang yun? Successful kaya?

"Pass it to the front." sambit ko. May binigay akong assignment sa kanila bago bumagyo. Huwebes sila bumalik sa klase at sa biyernes ay walang klase dahil holiday.

Sa sabado ay pupuntahan ako. Kinolekta ko lahat ng notebooks at nilagay iyon sa desk ko. Nagdiscuss lang ako ng kaunti tungkol sa mga lesson na hindi nila masyadong naiintindihan at nagpashort quiz. Next week ay wala na akong mag-aaral na tuturuan. Tapos na ang year nila at grade 3 na sila sa susunod na pasukan.

Pupunta lang dito para magpractice sa recognition. Napahinto ako dahil nakita ko si Riyu na dumaan sa harap ng classroom ko.

"Musta, Sir?"

Napakagat siya ng labi bago sumagot, "Kami na.." hindi na ako nagulat. Mahina akong tumawa at tinapik ang balikat niya. Umalis siya pagkatapos ng kaunting chika.

"Goodbye and see you on monday morning." patakbo silang lumabas. "Slowly!" sermon ko.

"Ma'am Corie, please don't forgot--"

"Yes, Bruce. Goodbye!" putol ko at kumaway. Umalis na siya, "Ma'am Corie, I would like you to invite in our house. It's my simple birthday tomorrow." Si Missy, isa sa mga estudyante ko.

Napangiti ako at nag-aalinlangan tumango.

"Thank you very much, Ma'am." tuwang-tuwang pagsasalamat niya saakin at niyakap ako sa bewang dahil hindi niya naman ako abot. Natatawa akong yumakap pabalik.

"Why simple birthday party? Don't you want a grand birthday party?"

Ngumuso siya at sumagot, "No, the party will be boring. All of them are not wearing something beautiful like Elsa or Princesses. There's no other toddler to play with. It's all a boring adults!"

Napatawa ako at tumango. "Sige, pupunta ako. What time?"

"Dinner time, 6pm. Ba-bye!" maligayang sagot niya bago tumakbo palabas. Napailing-iling ako, makulit ding itong batang to pero matalino.

Bumalik ako sa desk at pinagpatuloy ang ginagawa. Mabilis akong natapos at tumayo. Ina-rrange ko ang mga upuan at umuwi.

Holiday bukas tapos dagdag pa tong half day lahat. Natapos ako sa pagcocompute ng mga grades at as expected marami ang with honors at high honors. May pinasa muna ako sa faculty bago umuwi.

Mabilis na dumating ang sabado, dumalo ako sa simpleng birthday ni Missy. Ako at ang mga kaklase niya lang ang andun. Nag-effort pa dahil sa dami ng ginawang invitation na sinulat at ginawa niya lang.

Nakarating ako sa lokasyon ng malaking mansion ni Bruce. Pinindot ko ang doorbell at pinagbuksan ako ng isa sa mga katulong.

"Salamat naman, Ms. Sonero at pumunta ka. Kanina ka pa hinihintay ni Bruce at naghanda po siya ng cookies na gawa niya para sayo." wika ng nanny ni Bruce saakin. Napangiti ako dahil sa malaking effort. Sa tuwing ganito, parang pinipiga ang puso ko.

Pumasok kami sa malaking pintuan at pumasok sa isang kwarto, kusina? Puno ng mga mamahaling bagay ang nasa loob kaya umiiwas ako dahil baka makabasag ako o makasira.

"Ma'am Corie! You came!"

Napangiti ako ng matamis dahil sa nakita. Iba't ibang shape ng cookies. May heart, triangle, circle, at star.

"You did all of these?"

Nakangiti siya sabay tango. Kitang-kita ko ang kayabangan noong tumango siya, parang proud siyang siya ang gumawa.

"My Dad wants to meet you!"

"Really? I'm sure he is proud of you." tugon ko at pinisil ang kanyang malambot na pisngi.

"Wait, I'll call him in his office." paalam niya at tumakbo.

"Ms. Sonero, dito ka mo muna umupo sa living room habang hinintay si Sir."

Lumabas kami at pumunta sa malaking living room. Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala.

May picture roon ng isang matipunong lalaki habang naka-office attire. Madilim at mabigat ang presenya.

"I-Ito po ba ang ama ni Bruce, Manang?" paos na tanong ko. Bago pa siya sumagot ay may sumabat na sa likuran ko.

"Yes, I am."

The Beast and His Babysitter Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon